Chapter 2

8 0 0
                                    

Nagsimula na akong mag impake ng mga damit ko at habang nagtutupi ako ay may kumatok sa kwarto, onti onti itong bumukas at pumasok ang aking ina.

"Nabalitaan ko na papasok ka muna sa Mores Institution" umupo siya sa tabi ko at automatic na dumamot ng damit para tulungan ako.

"Pagpasensyahan mo na ang iyong papa, unawain mo na lang na para sa ikabubuti mo rin ito. Hayaan mo susubukan ko rin magtanong tanong patungkol sa kaso ng kaibigan mo."

Tinigil ko ang pagtutupi at malungkot na tumingin sa aking ina.

"Naiintindihan ko naman po"

Nalulungkot ako kasi wala ako magawa para kay Betty, pero hindi rin naman ako sigurado na inosente nga siya dahil ilang buwan pa lang naman kaming magkakilala. Ang tanging hangad ko lang ay kung sakali mang totoo ang paratang sa kanya, pero sana hindi, sana hindi siya patawan ng kamatayan.

"Hindi rin pala kita mabibisita habang nandoon ka pero sisiguraduhin ko naman na pupuntahan ka ng iyong kapatid. Kailangan ko lang samahan ang iyong papa kasi may importante siyang aasikasuhin sa labas ng Realm"

Hindi naman matagal ang magiging klase ko sa Mores Institution dahil additional lang naman ito habang school break, maaring tumagal lang ito ng isang buwan at parang mas gugustuhin ko na lang din na walang bumisita saakin kung si Sevi lang din naman ang pupunta.

"Paano po yung kaarawan niyo?"

Next next week na kasi ang kaarawan ng aking ina, bilang mga vampire bihira na lang magdiwang ang mga katulad namin ng ganitong okasyon pero kaming pamilya pinapanatili pa rin namin ang ganitong tradisyon.

"Babalik kami bago ang aking kaarawan"

Tumango naman ako at nagpatuloy na kami sa pag-aayos ng aking gamit. Pagsapit ng alas-siyete ng gabi ay bumaba na ako sa dining area dahil oras na para sa hapunan. Dito sa Royal Realm kahit na mga demon-blooded kami may mga kasanayan pa rin na ginagawa ng mga karaniwang tao na ginagawa rin namin. Maaring hindi na rin kami kumain dahil dugo naman ang kailangan namin para lumakas pero pwede pa rin naman kami kumain. Mahigpit din dito sa Realm hindi pwedeng uminom ng dugo directly sa isang tao kung saan saan, bawal ito gawin publicly at sinanay din kami na uminom ng dugo sa blood bag lang.

Pagdating ko ay nandoon na silang lahat pati na rin si Abuela na nakaupo sa pinaka gitna ng mesa. Umupo ako sa tabi ng Sevi samantalang ang mga magulang namin sa kaharap namin.

"Kailan gaganapin ang kasal ninyo ng babaeng Blanxart?"

Napalingon ako sa katabi ko dahil sa naging tanong ni Abuela.

"Pinag-uusapan pa po, pero maaring ganapin na ito sa Hunyo"

Sinuri ko ang reaksyon ni Sevi, mukha siyang hindi malungkot pero hindi rin masaya. Sa tingin ko naman inaasahan na rin niya na mangyayari ito lalo na't siya ang panganay.

"Bakit pinapatagal pa? Bakit hindi na lang sa susunod na buwan?"

"Meron po silang misyon sa SSU sa susunod na buwan mama' kaya hindi pa po pwede" sagot naman ng aking ama.

"Ikaw Solana? Nakilala mo na ba si Benedict Salvatierra?"

Nagulat ako nang ibaling saakin ang tanong. Pinunasan ko ang bibig ko bago tumingin kay Abuela.

"Kaibigan po siya ni Sevi kaya kilala ko po siya" tugon ko at matipid siyang nginitian. Hindi ko gusto kung saan patungo ang usapan na ito.

"Mabuti naman, pagkatapos ng kasal ni Sebastian ay kayo naman ng batang Salvatierra. Kailangan natin pagtibayin ang koneksyon natin sa mga kapwa oposisyon."

So Long, My SolaceWhere stories live. Discover now