Chapter 3

9 0 0
                                    

I was assisted by one of the Institution's staff to my room. Isa sa mga privilege namin mga miyembro ng founding families ay pwede kaming mag-request ng solo na kwarto at dahil wala akong kakilala dito kaya yun ang ginawa ko.

Pagdating sa kwarto ko ay nilibot ko ng tingin ang paligid. Hindi ito kalakihan. May single bed tapos study table sa tabi nito, maliit na cabinet sa gilid tapos ilang hakbang lang bathroom na. May maliit na bintana rin na kapag sumilip ka ang makikita mo ay yung malawak na field ng Institution at mga estudyanteng naglalaro at nag-training dito.

Nag-ayos na ako ng gamit kasi maya maya lang magsisimula na ang klase ko. Nag-take na rin ng ganitong klase si Sevi at alam kong eventually ako rin kukuha nito kasi head ng Army ang aking ama at pinaplano ko rin namang maging parte ng Secret Service Unit kaya dapat magtake ako ng training na ito.

Pagkatapos ko mag-ayos ng gamit ay nagpalit na ako ng uniform ng Mores Institution. Gaya ng instruction saakin kanina ng staff, bumaba na ako pagsapit ng alas-dose ng tanghali kasi magkakaroon ng orientation. Nagtungo ako sa auditorium at nagulat ako nang makitang medyo marami rin pala kami. Umupo ako sa dulo at tahimik na pinanood ang paligid ko. Karamihan ng mga kasama ko ay hindi mula sa founding families, mukhang papasok sila ng army o SSU kaya kumukuha sila ng ganitong training, may iilan naman akong nakitang galing sa founding families pero tatatlo lang.

Sa orientation pinaliwanag nila saamin na may apat na phase kaming pagdadaanan. Sa unang phase more on classroom type kasi mga basic information pero magkakaroon kami ng physical training. Sa 2nd phase doon yung weaponry, combat skills at may Obstacle course. Sa 3rd phase, more on combat development, dito magkakaroon kami ng mga one on one na laban at sa last phase may field training kami kung saan mag a-assist kami ng isa sa mga mission ng SSU sa labas ng Realm.

Inabot ng dalawang oras yung orientation. Dahil free time pagkatapos nito ay nagpunta muna ako ng cafeteria para humingi ng blood bag at nag ikot ikot sa Institution.

Tumambay lang ako sa field dahil mahaba ang free time at bago mag dinner ang una kong klase kung saan magdi-discuss lang naman ng mga core values at basic information about combat. Nang mag alas-singko ay pumasok na ako sa loob dahil alas-sais ay may klase na ako.

Napatigil ako sa paglalakad nang may mapansin akong matangkad na lalaki sa gitna ng hallway. Hindi siya naka uniform pero may malaki siyang backpack, Nakasuot siya ng puting shirt tapos itim na jacket. Nililibot niya ng tingin yung buong institution. Para siyang naliligaw, hindi ko na sana siya papansinin pero nang malapit na ako sa kanya ay nakatayo pa rin siya doon. Pinagmasdan ko siya saglit, naka-clean cut siya at bukod sa matangkad siya maganda rin ang pangangatawan, matangos ang ilong at mukhang may lahing amerikano.

Lumapit ako sa kanya. Wala siyang suot na badge kaya di ko masabi kung saan siya kabilang.

"Hey, you're new here?"

Tinignan niya ako. Medyo strong ang feature ng mukha niya. Ang tagal niya sumagot kaya kinuha ko na lang yung papel at ballpen na hawak niya. Iginuhit ko yung layout ng Institution para magsilbing mapa niya.

"There, use that. You look like you're lost" binalik ko sa kanya yung papel at ballpen at iniwan na siya.

Bumalik muna ako sa kwarto ko at uminom ng paborito kong bloodbag habang naghihintay mag alas-sais. Dahil wala ako magawa maaga akong nagtungo sa classroom ko. Onti pa lang ang tao pagdating ko. Pumwesto ako malapit sa bintana kahit medyo padilim na sa labas kasi pagabi na gusto ko pa rin makita ang langit.

"Hey" napaangat ako ng tingin sa babaeng tumawag saakin at umupo siya sa tabi.

"You won't mind right?" tanong niya pero nakaupo na naman siya kaya tumango na lang ako bilang senyales na pinahihintulutan ko siyang umupo sa tabi ko.

So Long, My SolaceWhere stories live. Discover now