Chapter 4

645 20 1
                                    

Thomas

It's our finals today. Hindi parin kami nagpapansinan ni Ara. Kahit na nagkakasalubong kami sa hallway, puro 'hi' or 'hello' lang ang naabot ko sa kanya.

Should I text her if she's going to come?

Should I fetch her para makapiling ko siya?

"Uy bro! Finals na ngayon ang lungkot mo parin! Uso ngumiti, Thomas."Jeron commented.

Napailing nalang ako at hindi ko parin matanggal sa aking isipan si Ara.

"Tungkol ba kay Ara yan? C'mon, spill it." Jollo suggested.

I told him everything. Hindi ko kayang ikeep tong nararamdaman ko for her.

I told him everything. Hindi kayang ikeep 'tong nararamdaman ko for her.

Ganto na ba talaga pag pumapagibig?

"You know what bro, para ka talagang hindi lalake. Ang suggestion ko, sabihin mo na yung nararamdaman mo for her. Gawin mo na brad, hangga't may oras pa." Jollo patted my back.

I went to my room agad and packed up my things. 

"Oh Thomas! Ang aga pa para pumunta ng MoA! You have 5hrs pa para pumunta ng MoA!" Sabi ni Kib habang kumakain ng Ramen.

"Oo, nga kuya, maglilinis ka ba ng court sa MoA?" Aljun added.

"Nope. I'm going somewhere to make someone happy." I immediately went out of the dorm and started the car's engine.

Nakarating na ako sa bahay ni Ara. Pinatunog ko naman ang doorbell at naghintay.

May tao ba talaga dito? O sadyang ayaw lang akong pagbuksan.

Ara's POV

"Achiii!! Ikaw na kasi mag-open ng door!" Sigaw ng pinsan ko na si Tin.

"Ernestine ikaw na! Malapit ka naman sa pintuan!" I commanded.

"Ihhh, achi naman! Nanunuod pa ako ng weightlifting!" She responded.

Fine sige na ako na. Tumayo na ako at lumabas na ako ng bahay.

Nagulat ako dahil nakita ko si Thomas na nakasandal sa kanyang kotse.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko. I unlocked the gate na and he entered.

"Sinisigurado na makakapunta ka sa game namin." Sagot niya.

"Oo! Makakapunta ako later! Pwede ka ng umalis! Choo! Choo!" Sagot ko.

Tangina Torres, umaga palang pinapakilig mo na ako.

"And... I'm here to fetch you" Malamig niyang sabi.

"You're going to fetch me? Nako, Thomas, go na sa Arena, nakakahiya naman oh! And dapat nagiipon ka na ng energy mo....." Patuloy na rat rat ko.

Lumapit siya sa akin at halos isang inch nalang malapit na kami sa isa't isa. "Ano titigil ka na?" Pagaawat niya sa akin sa pagsalita.

Tinulak ko siya papalayo at nagsalita muli. "Sige na, titigil na ako, tara, pasok ka sa loob hintayin mo lang ako at magbibihis pa ako."

Pumasok na kami sa loob at nakita ko naman si Ernestine na nakafocus ang tingin sa laptop niya. Hay, nilamon na nga ito nila Joon Hyung at Kim Bok Joo.

At nang, tuluyan na kaming makapasok sa loob ng bahay, biglang napunta ang atensyon ni Tin sa amin.

"Achi sino yan? Boylet mo ba? Pakilala mo naman ako oh!" Salita ni Tin.

The Choice//CompletedWhere stories live. Discover now