Chapter two

16 0 0
                                    



Chapter two

"Ano ba? Paharang harang ka sa daan gusto mong I-umpug kita sa lamesa ha? Ke bago bago nag papaka tanga na pano pa kaya sa mga susunod na araw tss" Nagulat ako sa sinabe ni ate na maarte sa gilid ko katabe ko siya at nung nag time bigla akong tumayo then nahulog ko ata yung pabango niya at nabasag. Kasalan niya at dumadala siya ng pabangong mababasagin ang tanga lungs.

"sorry hehe"

"anong hehe mo diyan!? Nag papatawa ka ba? Ugh! Tang ina kaka badtrip kang babae ka." Umalis nalang siya sa harap ko. 

"huh?" napa 'huh' nalang ako sa nangyare. Nag papakabait nga ako tapos mumurahin niya lang ako? Ay ang gago ni ate huhu lagot talaga ako kay mommy neto.

Hindi ko naman sinasadya na mangyare yun eh. Tapos siya pa yung nabadtrip nag sorry na nga ako. Kakabanas si ate na maarte. Hindi ko akalain na ganun ang ugali nun parang tomboy pero mukhang maarte at madaling ma conscious sa katawan. Parang tomboy na babaeng maarte ganun?..ay ewan haha aayayain ko nalang si kiana at mag papakabait para mag karoon agad ng friends.

"Kiana!" napatingin siya sa gawi ko. Buti pa siya may kaibigan na agad nakaka badtrip naman oh huhu.

May kasama siyang dalawang babae at isang lalake na ang waffuuu.

"oh Zyra? Sama ka samen sa cafeteria?" agad nag ningning ang mata ko sa sinabe niya.

"Talaga!? Sige sige...pero buti ka pa may kaibigan ka na agad ako kasi yung dalawang katabi ko parang hindi ko pwedeng maging kaibigan eh" Malungkot kong sabi. Yep childish na kung childish. Bata talaga ako umakto.

"Ayos lang yan..siya nga pala ...eto si Amanda (turo niya dun sa babaeng may pulang buhok) then ito naman si Joanne (turo niya sa babaeng may lollipop sa bibig) At ito naman si jerico ( tura niya dun sa wafung fafa.

Nginitian ko silang lahat.

"Hello nice to meet you all, ako nga pala si zyra" Jolly kong sabi sakanila.

"Nice to meet you zy" nakangiting sabi ni Amanda mukhang mabait to ah.

"Nice to meet you" bored na sabi ni joanne at nag lollipop ulit.

"Hey nice to meet you" cold na sabi ni jerico..

Ano ba yan mukhang gago ang dalawang to ah.

"Ha? Anong sabi mo zyra may sinasabi kaba?" nakakunot ang noo na sabi ni kiana sakin. Hala! Narinig ata nila yung sinabe ko. Huwag naman sana. Baka masira image ko sakanila.

Agad akong napailing ng mabilis.

"Ha? Ha ha ha wala naman akong sinabe ah guni guni mo lang ata yun kiana" medyo kunyare natatawa kong sabi.

Agad ngumiti si Amanda saken.

"Pag pasensyahan mo na ang dalawang to ha? Talagang ganyan lang sila, magkapatid eh. Pero kahit ganyan ang ugali nila mabait parin naman yan na dalawa kahit papano. Napa amo nga ng katulad ko eh" napangiti naman ako sa sinabe ni Amanda.

"Sus okay lang sanay naman ako sa mga gag- I mean masasanay naman ako sakanila. Basta friends na tayo okay?" Nakangiti kong sabi habang medyo kinakabahan. Muntik ko ng masabi yung gagong word..nakuu bad influence talaga sakin ang mga old classmates and friends ko nuon. Buti nalang at naka move on na ko sakanila kaya hindi ko na sila masyadong pinapansin kahit sa fb, Lmfao.

Agad kaming nakarating sa cafeteria at nagulat ako sa sobrang tahimik ng tao. Diba dapat maingay ang kainan bakit parang mas tahimik pa ata toh kaysa sa room namen? Nakita kong napakunot rin ang noo ni kiana. Alam kong nalilito rin siya kung ano ang nangyayari.

Ng may marinig kaming tunog na parang tinapon na upuan. Tiningnan ko kung saan ito nang gagaling at nakita kong galling ito sa isang lalaking mukhang mahambog. Teka? Parang sa section rin namen to ah? Hindi ko lang alam ang pangalan. Mukha siyang may binubully.

"Tanga Ka ba? O sadyang bulag ka lang at walang Makita?! Apat na nga ang mata mo tapos hindi mo pa ako iniwasan. Tang ina bayaran mo ang t shirt ko, ag mahal nito puta 1k to" sigaw ng sigaw yung lalaki na taga section namen dun sa four eyed boy dahil naka salamin ito. Mukhang taga section rin namen siya. Yung palaging na recite na pansin ko kasi kanina eh. Yaan niyo bukas na bukas tatalunin ko ang four eyed boy na to haha. Mukhang na bunggo ni four eyed boy yung lalaki na mahambog na taga section naming at natapunan ng juice na kulay pula.

"S-sorry hindi ko naman sinasadya eh" Napansin kong parang walang gustong tumulong dun kay four eyed boy dahil parang ang tahimik ng tao at naka tuon lang ang atensiyon sa pag kain nila.

Lalapitan ko sana at tutulungan si four eyed boy kaso pinigilan ako ni Amanda. Nakita kong umiling siya na parang pinapahiwatig na 'huwag mong gawin ang iniisip mo, mapapahamak ka lang' kaya sinunod ko nalang ito. At na upo na kame sa vacant seat at nag order. Habang hinihintay ang pagkain na ino-order ni Amanda dahil siya ang nag prisinta. Pinapakinggan ko parin ang bawat kilos ng mga tao sa loob at pati narin sila four eyed boy na hanggang ngayon eh nag aaway parin.

Tiningnan ko si joanne na naka earphones habang nag lo-lollipop, na parang nasa cloud nine ang mukha. Then si jerico na naka earphones rin at kinakalikot ang phone. Then si Kiana na nag babasa ng libro. OP ako haha. Pero hindi ba sila tatawag ng guard or teacher manlang para patigilin sa pag away ang dalawa? Lagot talaga ako kay mommy. Pinili ko lang naman tong pasukan na school kasi astig daw dito eh. Pero hindi ko naman alam na ganito pala ka pangit ang school nato. Ang rami kasi ng mga gagong tao nakaka banas.

"Kapag hindi mo to binayaran na T-shirt ko bukas, buhay mo ang kapalit!" Agad nag pantig ang tenga ko sa sinabe nung mahambog na lalaki na taga section namen. Lahat ng tao sa cafeteria ay napatingin sa direksiyon nila. Pati si joane at jerico napadako narin ang atensiyon nila na para bang may gusto silang mangyari. Parang yung feeling na 'They want more?' parang ganun. It feels like an excitement for them. Dahil ba yun sa sinabe nung lalaking mahambog na taga section namen? Pag tingin ko kay kiana. Parang nalilito rin siya sa inaakto ng mga tao sa loob pati narin kila joanne. Parang matagal na nilang hinihintay na mag karoon ng ganitong pang yayare. Agad akong kinilabutan sa mga mukha nila. Damn, It gives me creeps just by watching them. Nag sitayuan ang mga balahibo ko na parang may nag uutos sakin na tulungan si four eyed boy. At may nag sasabi rin na hayaan nalang siya.

"S-sorry talaga! Nag mamakaawa ako huwag mokong patayin marami pakong pangarap sa buhay, gagawin ko lahat ng ipag uutos mo. W-wala akong pera na pang bayad sa iyo pero gagawin ko lahat ng gusto mo. Please nag mamakaawa ako" umiiyak na si four eyed boy. Tang ina, tanga ba siya? As if naman papatayin talaga siya nung lalaking mahambog na taga section namen eh. Ano to? Eskwelahan ng mga mamamatay tao?

Agad akong napatawa ng mahina dahil sa naisip ko

Kaya napatingin sakin si jerico at joanne ng naka kunot noo. Tang ina nakakatawa. Bakit parang ang seryoso nila? Hindi naman papatayin nung lalaking mahambog na taga section namen si four eyed boy diba? Joke joke lang tong pinag sasabi niya diba? Hindi naman School of Murderers ang pinasukan ko right? This is all just a joke. Makapag tawag nga ng teacher. Agad akong tumayo na nag pakuha ng atensiyon ng lahat ng tao sa cafeteria. Ay puta nakaka hiya. Hahaha

Agad hinawakan ni jerico ang kamay ko at hinila ulit pa upo.

"Don't you dare. Kung gusto mo pang mabuhay huwag kang gagawa ng kahit ano" Seryosong sabi niya. Na nag pa shut up saken. Teka!? Ano ba talaga ang nangyayare?

"Eh naiihi ako eh, bawal bang umihi?"

"You can't fool me zyra, alam kong tatawag ka ng teacher na mag papatigil kay Lance. Walang magagawa ang mga guro sa eskwelahang to. Marami ka pang hindi nalalaman tungkol sa eskwelahang pinasukan mo. If you wanted to live longer, you just have to shut up and do nothing but to be silent. " What? Ano ba kasing nangyayare. I need to shut up? What for? Bakit mamamatay bako kapag nag sumbong ako at pinigilan sila? Ha ha ha funny. Pero seryoso? Nag papatayan ba ang mga tao dito like as in yung literal? Huhu lagot ako kay mommy. At para hindi ako madamay hindi nalang ako kumibo hanggang sa dumating ang foods.


Kahit hindi naman ako naniniwala sa mga pinag sasabi ni jerico eh nag shut up nalang ako hanggang sa matapos mag away yung lance at si four eyed boy. Kasi malay niyo totoo? Tapos in the next day ma dedo ako huhu I'ts so scary kaya. May misyon pako sa buhay, eh.


֥D~#

School of Murderers: World of LiesWhere stories live. Discover now