Chapter four

15 1 0
                                    

"For now you are going to be the center of attraction zyra" Cold at seryosong sabi sakin ni joanne. Kahit ganyan siya alam kong nag aalala siya saken. Bago palang ako dito pwede na agad ako ma dedo katulad ng nangyare sa principal namen. 

Marami ang nag hihinala na baka ako daw ang pumatay. Like duh? nahimatay nga ako dahil sa takot sa dugo tapos pag bibintangan nila ako? Porket ako ang unang nakakita sa labi nung princiapal. Ang ayoko panaman sa lahat eh yung feeling na ako ang pinag bibintangan. Tsaka hindi mawala sa isip ko na baka yung lalaking naka cap ang pumatay sa principal. That tattoo, bungo na may kutsilyo sa noo. Ganon rin ang nangyari sa principal diba? Mayroon ring kutsilyong nakatarak sa noo niya. Damn creepy.

Pero kinikilabutan ako sa mga tingin ng estudyante saken. Parang gusto nila akong hamunin. Teka? bakit ba parang galit sila saken? kung ako man ang pumatay sa principal, bakit naman sila saken magagalit? Akala ko ba wala lang sakanila ang patay patay na word na yan. Akala ko ba pwede dito pumatay eh bat parang gusto nila ako isumbong sa pulis?

"Bakit naman ako papansinin ng mga tao sa eskwelahang ito? eh hindi naman ako ang pumatay sa principal naten eh" Kung walang maniniwala saken. Ako na mismo ang kukuha ng private investigator para dito.

Pero nakalimutan kong bawal mag sumbong sa mga nangyayare sa loob ng eskwelahan. Pero totoo talaga? as in ma dededo ka sa isang maling gawa mo? isa sa mga sinabi ni amanda sakin. And I still wonder why. 

"Mainit ang mata nila sayo, dahil kung ikaw man ang pumatay sa principal na yun. I'm sure they are going to think that you are a threat for them. Na pwede isa ka sa mga taong hahadlang sa kung ano man ang gusto nilang mangyare."

"ha-ha-ha as if naman noh. Me? A threat? for frog's sake, hindi ko nga kayang makakita ng dugo pag patay pa kaya?.Pero seryoso? bakit pwede pumatay sa school nato? bakit hindi ako informed? Kung alam ko sanang ganito pala ang eskwelahang to sana hindi nalang ako dito nag tangkang pumasok eh..n-nakakatakot"  Totoo. Kung alam kong may ganitong mga nangyayari sa eskwelahang ito sana hindi nalang ako dito pumasok.

Pansin kong masyadong tahimik si Kiana. Samantalang ako eh, hindi na mawala wala ang kabang nararamdaman. Hindi ba siya natatakot? Bakit parang wala siyang pake sa nangyayare? Nakakainis tingnan na nag babasa lang siya ng libro na parang walang pakealam sa mundo. Akala ko panaman madal dal to eh. 

Kagabi gusto ko talaga sabihan si mom tungkol sa school na pinasukan ko pero may part sa akin na huwag sabihin. Tsaka may sinabi sakin si amanda nung isang araw eh. Huwag na huwag ko daw ipagkakalat sa iba ang mga patayang nangyayari sa eskwelahang ito kahit ka pamilya pa. Tinanong ko siya kung bakit pero isang "Just do it" ang sinabi niya. Kaya napaisip ako dun kasi paano kung madamay si mom? paano kung may mangyari sakanyang msama? ayoko siyang mawala or ma deds dahil takot ako na baka maulit muli ang pangyayaring matagal ko ng ibinaon at kinalimutan.

Marami parin ang katanungan sa aking isip na gusto kong masagot. But then remembering what jerico said.

"Mas mabuting wala kang alam para hindi ka mapahamak"

OO na! ako na ang takot. Eh sa takot akong ma dedo. Tsaka basta takot ako sa pwedeng mangyare. Kung kailangan pumatay ng tao para lang mabuhay ako at ang family ko gagawin ko, kahit kaibigan ko pa ito.

Sabihan niyo na ako na masamang tao, pero ganito talaga ako. I'm a childish and a jolly person who loves to smile. Pero hindi ibig sabihin nun eh mag papakatanga ako para iligtas ang kaibigan ko mabuti kung magulang o isa sila sa mga kapamilya ko. Friendly ako pero hindi ko masyadong ina-attach ang sarili ko sakanila. Mahirap na, kung sakaling may mag traydor hindi ako masasaktan dahil napag daanan ko na yun sa old schools ko. Maraming plastik kaya pati ako naging plastik na rin. I may be a friendly person, but I can't change that fact the I have bad attitude. I always think of myself first. Hindi ako kagaya ng iba na, mag papaka bayani para lang maligtas ang dapat na maligtas. 

School of Murderers: World of LiesWhere stories live. Discover now