》23《

1.2K 48 4
                                    

Jennie's POV

Nandito na kami sa school and muntik na kaming malate dahil kay Jisoo.

"Akala mo naman kasi ang laki laki ng daanan letse!"

Ayan na naman po si Jisoo, hindi pa rin siya tapos sa pagrereklamo.

"Akala mo pagmamay ari nila yung MCDO"

Since kanina pa siya nagrereklamo at paulit ulit lang. Hindi na namin siya pinapansin, kunyare busy kami. Nandito kami sa Cafeteria kasi Recess na namin. Si Rose kumakain, si Lisa ayun nagseselfie at ako, ito nakatingin sa phone ko.

"KIM SEOKJIN!!" sigaw ni Jisoo

Napatingin kaming tatlo kay Jisoo dahil ang lakas ng sigaw niya.

"Oh Oh" sabi ni Rose

"Dapat talaga sa Classrom na lang tayo nagstay" sabi ko sa kanila

Palapit sa pwesto namin si Jin kasama si Jimin at Jungkook.

"Bakit hindi nila kasama yung apat??" bulong ko

"Baka si Taehyung yung hinahanap mo" bulong pabalik sa akin ni Lisa

"Shh manahimik ka may nabubuong gera" bulong ko sa kanya

"Oh, Jisoo ano na namang problema mo?" cool na cool na sabi ni Jin

"LETSE KA, ANG KAPAL NG MUKHA MO! HINDI MO PA BINAYARAN YUNG MGA PAGKAIN NA NATAPON SA MCDO!"

"Ang mura mura lang ng pagkain sa mcdo"

"MURA LANG PARA SAYO! PALIBHASA NAPAKA AROGANTE MONG HAUP KA"

"Kung hindi ka lang babae matagal na kitang ---"

"ANO ANO SIGE GUSTO MO GERA HA?"

Tinignan ko si Jimin at nagets naman niya yung pinapahiwatig ko. Binulungan ni Jimin si Jungkook.

"Jin tara na!" sabi ni Jungkook at hinila na nila si Jin.

Hinawakan ko na si Jisoo sa wrist niya kasi alam kong hahabulin niya sina Jin.

"Jisoo tama na nakakahiya ka" sabi ni Rose

"Tignan mo nakatingin sila sa atin" Tinignan ko naman yung mga nakatingin sa amin at nagsibalikan sila sa kanilang mga ginagawa.

"Tara na nga sa room" yaya sa amin ni Lisa.

Alam niyo ba kung bakit sila nagaaway? Syempre hindi, so ayun nga.

Kanina sa MCDO, bitbit na nila Jisoo ang mga food, palabas na sila sa exit kaso si Jin at isang babae ay naghahabulan palabas ng exit. Yung tipong akala mo walang tao na dumadaan hanggang sa ayun tumapon ang foods. And nainom si Jisoo ng Coke that time so nainis siya kasi tumilapon sa kanya yung coke at basang basa yung damit niya. Buti na lang may extra siyang damit. Nagsorry naman si Jin ang kaso parang tuwang tuwa pa sa itsura na Jisoo and hindi sincere ang pagkasorry.

Habang paakyat sa room namin, nakita ko si taehyung na kausap si Irene at Seulgi, putcha ang saya nila infernes.

"Tama na titig" saway sa akin ni Jisoo

Umakyat na kami sa room. Tinignan ko phone ko at ayun delivered na ang nakalagay.

Ang gulo niya nakakainis!

"Nino ba?"

"Ay palaka"

"Ang ganda ko namang palaka?" sabi ni Lisa

"Nakakagulat ka eh"

"Duh rinig na rinig ko yung sinabi mong "Ang gulo niya nakakainis!" kausapin mo na kasi tapos magsorry ka para tapos na yang problema mo"

"Ayoko nga, hindi ko naman sinasadya yun"

"Ang gulo niyong dalawa!" sabi ni Jisoo

"Shhh medyo maingay baka marinig ng mga tsismosa nating kaklase" pagsaway sa amin ni Rose

Ichachat ko ba yun??

"Jisoo, Yes or No?"

"Yes"

"Rose, Yes or No"

"Yes"

"Lisa, Y--"

"YESSSS!!"

"Ingay mo!!" sigaw pabalik sa kanya ni Rose

Ok Fine, magsosorry na ko





Hey Boy | TaennieWhere stories live. Discover now