》24《

1K 54 7
                                    

9:46 am
Kim Taehyung

Jennie Kim: Hey, I'm Sorry | backspace

Jennie Kim: Lowl bakit nga ba ako magsosorry kung alam ko namang hindi ka nasaktan | backspace

Jennie Kim: Uy sorry pala sa reply ko kanina baka na misinterpret mo lang hehe
Delivered

Jennie's POV

Ayan nagsorry na ko, kahit ang reason ko is medyo err hindi kapanipaniwala. Wala pa kaming teacher ngayon so late na siya ng 5 minutes.

"Ang tagal ni maam" pahikab na sabi ni Lisa

"Yes nakakatamad ng maghintay sa kanya" sabi ni Rose

"Nanjan naman si Jimin, Hindi mo na kailangan maghintay" pangaasar ko sa kanya

"Yaaaaak! Kadiri ka Jennie ang panget panget niya" sabay irap ni Rose sa akin

"Ayaw mo ba talaga sa kanya?" tanong ni Jisoo sa kanya

"Oo nga ayaw mo ba sa kanya? Pwedeng akin na lang? Mas trip ko siya kaysa kay Jungkook"

"Akala ko ba trip mo yung mga matatangkad?" biglang tanong sa kanya ni Rose

"Sus ang sabihin mo, ayaw mo lang na magustuhan ni lisa si jimin HAHAHAHA" natatawang sabi ko sa kanya

"Lul" sabay irap sa akin

Kung hindi ko lang ito kaibigan matagal ko na siyang sinabunutan. Dumating na rin si maam science sa wakas. Naglesson lang siya about Reflection, Concave and Convex. Ang sarap matulog lalo na't nasa tapat ka ng aircon. Nakakatamad din namang makinig sa kanya.

( Insert Ringtone )

Biglang tumigil si maam sa pagdiscuss. Ang lakas ng ringtone inferness.

Tumingin sa akin sila lisa at nag mouthed ng "Phone mo gaga"

"Fvck" mahina kong nabulong.

"Kaninong phone yun?" tanong ni maam

Unti-unti akong tumayo sa upuan ko.

"Maam akin po" sagot ko

"Wala ka bang planong iaccept ang call?"

"Sabi ko nga may plano ako" mahina kong sabi sabay accept at loudspeaker habang papunta sa pintuan.

"HELLO DARLING KOOOO"

Hey Boy | TaennieWhere stories live. Discover now