Prologue

153 7 4
                                    

September 30, 1904

Mag-aalas onse na ng gabi. Agad akong pumunta sa azotea. Siniguro kong walang makakakita sa amin ni Henrietta, ang tangi kong kaibigan sa eskuwelahan na alam kong mapagkakatiwalaan. Iniabot sa akin ni Henrietta ang isang kapirasong papel. Tumingin muna ako sa paligid at nagmasid masid kung may tao ba sa paligid. Kinuha ko ang papel sa kamay niya nang mabilisan. Ngumiti siya at nagpaalam na. Ako naman ay agad na pumasok sa loob ng bahay at isinara ang pinto. Umakyat ako sa aking silid at agad na isinara ang pinto. Binasa ko ang sulat,

( Meet me at the school library. Twelve midnight.

-N )

I giggled.

Itinago ko sa aking damitan ang sulat. Kung may makakita man nito ay ayos lang dahil hindi naman nila ito maiintindihan. Kokonti pa lang ang marunong ng wikang Ingles sa panahong to. At dito sa aming bahay, tanging ako lang ang marunong umintindi at magsalita ng Ingles simula noong dumating ang mga Thomasites, mga guro na ipinadala ng Amerika. Ipinagpatuloy nila at mas pinalawak ang edukasyon na nasimulan ng Espanya ngunit wikang Ingles ang ginagamit bilang midyum ng pagtuturo.

Nagpalit ako ng mas komportableng damit at nagdala na rin ng payong dahil medyo umaambon. Dahan dahan akong naglakad palabas ng bahay para walang makapansin sa aking pag-alis ngunit ng buksan ko ang pinto ay may narinig akong mga yapak sa likuran ko

"Camila, saan ka pupunta ng ganitong oras?"

Pagharap ko ay nakita ko ang aking ina na may hawak na baso ng gatas at suot ang kanyang damit pangtulog.

"Naiwan ko ho sa silid-aklatan ang mga gamit ko. Kukunin ko po sana ngayon, Ina. Naroon pa naman daw po ang guwardiya."

Tumingin siya sa orasan sa likod niya at ibinaling ulit ang mga mata sa akin; sa suot ko, sa payong na dala ko, pati na rin siguro sa mukha kong namumutla na sa takot.

I mouthed in between my breaths, 'Please work.'

"Hindi ba puwedeng ipagpabukas na lang yan?" Cmon, Camila think!

"Hindi po dahil pansamantala raw munang isasara ang silid-aklatan dahil i-rereestablish ito ng mga Thomasites." Napakunot ang noo niya ng sabihin ko ang salitang establish. Pero agad niya naman itong isinawalang-bahala. Alam ko naman na natutuwa siya na marami akong natututunan sa mga Thomasites.

"Kung gayon ay sige, maaari kang umalis ngunit bilisan mo at gabi na."

Tumango ako at nagpaalam na.

Nang makalayo-layo na ako aming bahay ay saka lang ako nakahinga ng maayos. Ilang beses na akong nagsinungaling kay Ina. Huli na ito, sabi ko sa sarili at konsiyensya ko. Dahil ipapakilala ko na si Nathaniel sa nalalapit na kaarawan ni Ama. At hindi na namin kakailanganing magkita pa ng patago.

Nakarating ako sa library bandang 11:30. Iniwan ko ang payong ko sa labas ng pinto dahil ito ay basa pa. Naghintay ako nang saglit at napatayo ng marinig ko ang pamilyar na yapak ng aking minamahal.

Tanging isang lampara lamang ang nagbibigay liwanag sa silid. Nagsinungaling din ako kay Ina ng sabihin kong nandito ang guwardiya, dahil ang totoo ay alas-nuwebe lamang ng gabi ay umuuwi na ito.

"Nathaniel!" Sinalubong niya ako ng isang napaka higpit na yakap. Niyakap ko rin siya pabalik. Bagong ligo siya. Medyo basa pa ang buhok niyang kulay ginto.

"Your accent is improving" He let out a soft chuckle as I buried my face to his neck. He smells so good. He smells so masculine. Grabe, pati amoy niya ang guwapo.

Hindi parin niya inaalis ang pagkakayakap niya at hinayaan ko lang siya kahit alam kong maaari akong mapagalitan kapag hindi ako nakauwi agad.

"I missed you." He said as he faces me. He cups my face as I stare at his features for a while.

Maputi siya pero hindi siya maputla tulad ng ibang amerikano. Matangos ang ilong niya at kulay asul ang kanyang mga mata. Napatingin ako sa labi niya at nagulat ako ng mapansin kong nakatingin rin siya sa mga labi ko.

Naglapat ang mga labi namin at mas lalo niyang inilapit ang katawan niya sa akin. Ramdam ko ang kakaibang sensasyon na ibinibigay ng mga halik niya. Pero may iba sa halik niya ngayon. Para bang uhaw na uhaw siya sa pagmamahal at tila ayaw niya akong pakawalan.

"Umiiyak ka ba?" Tanong ko ng maramdaman kong may tumulo na luha sa pisngi ko na alam kong galing sa kanya. At oo, nakakaintindi siya at marunong siya magtagalog. Bihasa siya sa ibat ibang lenggwahe.

Napabuntong hininga siya at lumayo ng kaunti sa akin habang hawak hawak niya ang magkabilang kamay ko.

"Is there a problem? Are you okay? Are we okay?"

He tightened his grip. He answered without looking at me, "Baka ito na ang huli nating pagkikita, Camila."

I know the consequences of being with Nathaniel Smith. He's an american citizen. He is sent by the US president to teach us but only for 3 years. But I believed him when he said that we will work it out, in the name of love. And I trust him with all my heart.

"Akala ko sa isang buwan pa ang alis mo patungong Amerika?" Without looking at me, he went behind me and gave me a back hug. "Pero sige, wala naman akong pag-aalala kung aalis ka na. Alam kong babalik ka. Babalikan mo ako at magpapakasal tayo. Yun ang pangako mo, diba? Hihintayin kita, Nathaniel. Pangako yan."

Hinalikan niya ako sa leeg at naramdaman ko na naman ang pagtulo ng luha niya. "I'm doing this for you, for us. There's no other way but this. I have no choice." Napakunot ang noo ko sa mga binibitawan niyang salita. Bakit parang may hindi siya sinasabi sa akin?

"Mahal na mahal kita, Camila Gomez. I will wait for you. I will find you. Wherever you are and whenever you might be."

Magsasalita pa sana ako ng biglang naputol ang sasabihin ko nang hawakan ni Nathaniel ang leeg ko nang mabilisan...

I went to oblivion.

The ThomasiteWhere stories live. Discover now