Chapter 4

40 5 1
                                    

Kinabukasan, hindi ako pumasok ng umaga. Ngayon kasi ang schedule ng free teaching program namin sa mga street children at yung mga bata na nakatira sa squatter’s area na hindi nabigyan ng pagkakataong makapag-aral dala ng hirap. Isa kaming youth group na may goal na makatulong sa mga batang mahihirap sa pamamagitan ng pagbibigay ng libreng edukasyon.

I joined the group when I was in 11th grade. An online friend told me about it. Nung una umayaw ako kasi alam kong di papayag si Mommy na maglaan ako ng oras para sa mga batang hindi ko naman kamag-anak, lalong –lalo na’t wala namang bayad. She always says whenever I want to join advocacy programs for the environment and for the poor, this: “Ano namang makukuha mo doon? Yayaman ka ba sa kaka-ganyan mo? Mag-isip ka nga Camille! Piliin mo yung alam mong aasenso ka!”

But then again, I’m a stubborn child so I joined. Ang saya-saya at magaan sa pakiramdam kapag alam mong nakakatulong ka sa mga nangangailangan. When they told me that I will be teaching, I felt so grateful. Di ko alam but I really love teaching. Parang I always have a passion to it. Ang gaan gaan din ng pakiramdam ko sa mga teachers.

Maliban kay Mr. Samuels.

Marami na akong naging terror teachers pero siya kasi parang nananadya na eh. Gwapo sana, masama naman ang ugali. Ideal guy kuno na sana pero wala eh, bad. Crush ko na sana siya pero—

Teka nga, bakit ba iniisip ko yon? Tirik na tirik ang araw tapos Samuels ako nang Samuels!

“Uy, Cam!” Paglingon ko ay nagwewave sa’kin si Gail. Classmate ko noong high school na vocalist ng isang rising band.

Nasa mall kasi ako ngayon. Dito na ako kumain kasi ‘pag umuwi ako sa bahay, siyempre magtatanong si Mommy kung saan ako galing at kung bakit hindi ko kasama si Erika. Ang alam niya pa naman ay may klase kami. But hey, I didn’t lie. Wala naman talaga kaming klase ngayon pero may pasok kasi may orientation sa gymnasium. Kinuntsaba ko na lang si Manong Roger at siyempre si Erika na huwag ipaalam kay Mommy.

“Oh, Gail! Kumusta?” Lumapit naman siya sa akin at nagyakapan kami nang slight.

“I’m all good… Ikaw? Kumusta ang buhay kolehiyala?”

“Maayos naman. Teka… hindi ka na ba nagpatuloy?”

Nagkibit-balikat siya, “Pinapauwi kasi ako ni Mama sa probinsya kasi mag-aabroad siya, OFW. Walang kasama ang mga kapatid ko dun kaya ako na lang muna ang sasama sa kanila. Baka dun na rin ako mag-aral.”

“Ha? Eh, paano yung banda?” Kung kelan na sumisikat yung banda, saka siya aalis? Sayang naman. Magaling pa naman siyang vocalist at alam kong yun talaga ang passion niya.

“Yun nga, baka gusto mong ikaw na ang pumalit sa’kin since magaling ka naman kumanta. Hay, it’s an understatement pala. Magaling ka naman sa lahat ng bagay eh.”
Tulala parin ako. I sing well pero hindi pa ako nagperform sa harap ng maraming tao. Tapos live-band performance pa? Omegash.

Hinawakan niya naman ang kamay ko, “Sige na, Camille. Do it for me. You have the looks, the voice and the charisma. I know you will slay it.”

“Teka, bakit ako?” Paniguradong di ako papayagan ni Mommy!

“Kasi I can’t think of anyone good enough to replace me but you, the epitome of perfection”

Wow, teka lang na-flatter ako dun ng sobra.

Camille, kalma.

“Okay, sige. Pag-iisipan ko.”

Her face brightened up, “Great! Sige, i-contact mo na lang ako pag nakapag-decide ka na ha! I’ll be waiting!”

The ThomasiteWhere stories live. Discover now