CHAPTER TWENTY FIVE:

96 5 5
                                    

Here he comes

---

Lumipas ang ilang linggo na hindi na muli nagmaramdam si Jacob, at napabilis nadin ang pag recover ko.

"Let's go home na anak" sabi sakin ni mom at napahawak sa aking likod, hindi ko naman na siya sinagot at tumango nalang tsaka kami naglakad na muli papunta sa parking.

"Wow new car?" Sabi ko habang nakatingin sa kotse sa harapan ko, rinig ko namang napatawa si mom.

Inikutan ko naman ang sasakyan habang binubuksan niya ito, oh fuck pogi!

"Hop in" rinig kong sabi niya na nasa loob na pala kaya naman binuksan ko nadin ang pinto sa kabila tsaka pumasok.


"Where did you get the money?" Tanong ko sakanya at dahil siya naman ang magdridrive kaya wala na akong gagawin kundi magtanong tanong sakanya.


"I have my own savings honey" sabi niya at sinimulan ng paandarin ang sasakyan.

"Well.. you do really have a lot of money huh" sabi ko ulit sakanya at ibinaba ang bintana para makita ang nadaraanan.

"That's what I work for Val, I work hard to earn some money. Para nadin sa ikabubuhay mo" sagot niya lang ulit at tumango tango na ako.

Nakatingin lang ako sa bintana at nakatingin sa labas. Ngunit bigla nalang akong napatingin sa isang lalaki.

Naging seryoso ang aking mukha na nakatingin sakanya hanggang nalagpasan na namin siya.

I'm very sure that its Jacob and I'm very sure sure its another warning that he will do something again.

Dali dali kong inilabas ang aking cellphone at tinext si Chris.

To: Chris

Hey, where are you?

Sent.

Napabuntong hininga ako bago itinago ulit ang aking cellphone. Napatingin ulit ako sa bintana.


"Hey, you okay?" Biglang sabi ni mom kaya napatingin lang ako sakanya.

"Yeah, I'm alright" simpleng sagot ko lang sakanya.

"I think your not Val, mom's always open. Anong problema?" Tanong niya ulit pero umiling lang ako.

"Nothing seriously mom. I'm fine" sagot ko nalang at rinig ko namang napabunting hininga siya at di nalang ako kinulit.

Napatingin naman agad sa aking cellphone ng mag vibrate ito.

From: Chris
You should look at this

Bigla akong nagtaka at hinintay ang susunod na imemessage niya.

Chris sent a photo

Dali dali kong naisara ang cellphone ko dahil sa aking nakita, fuck!

Binuksan ko ulit at dali dali siyang nireplyan.


Barrier in Between|✔Where stories live. Discover now