CHAPTER THIRTY TWO:

136 6 1
                                    

Tears

---

Val Point of View

Napaluhod agad ako at dali daling sinalo si Chris bago ito bumagsak sa sahig, nagsimula nadin dumami ang dugong lumalabas sa kanyabg likuran.

Namumuo na ang mga luha sa aking mata sabay nadin ang pag nginig ng aking kamay.

"Ch..ri...ss" nauutal na banggit ko at napayakap nalang ako sakanya sabay nadin ang pagtulo ng aking mga luha.


"Val! Umalis na kayo dito!" Rinig kong sigae ni dad, hindi ko alam kung anong enerhiya ang pumasok sa aking katawan.


Dali dali ko nalang na binuhat si Chris, bridal style. At dali daling tumakbo paalis sa lugar na ito.



Habang nagmamadali akong tumakbo paalis dito ay nakakarinig nadin ako ng mga tunog ng sasakyan ng police.



Kahit hingal na hingal na ako ay tumatakbo parin ako para lamang makaalis dito.


"Chris...I'm gonna save you... please don't die on me..." sabi ko kay Chris at tumingin ako sakanya, habang patuloy parin sa paglalakad.


Ng napahinto agad ako ng may humarang saming lalaki "where do you think yout going" mayabang niyang sabi pero hindi pa ako nakakasagot ng may tumira na agad na suntok mula sa kanyang mukha.

"Louis?" Giit ko ng makita kong siya ang sumuntok dun sa lalaki, nginitihan niya naman ako pabalik.


"Kami na bahala dito, bilis alis na" sabi niya, hindi ko naman na siya sinabot at dali dali ko na silang nilagpasan ng makalabas ako ay bumungad saakin ang mga police.


"Pleaseee... help!" Bungad ko sakanila, ang mga iba ay tuluyan ng pumasok sa loob at ang iba ay nilapitan ako.


"Son! Hop in" napatingin agad ako sa isang police na nakasakay na sa kanilang sasakyan, dali dali naman na akong pumasok dito at pinaharurot na niya ang sasakyan.


"Here" abot niya sakin ng isang panyo at ibinalik din agad ang atensyon sa daanan.


Dali dali kong inayos ang panyo tsaka hinarang sa kung saan nabaril si Chris.


"Hold on Chris.. malapit na tayo" nag aalalang sabi ko habang hinahaplos ang kanyang buhok.


Ng hindi pa nakakahinto ang sasakyan ay dali dali ko ng ibinukas ang pinto. Nagmamadali kong binuhat si Chris at tumakbo na papunta sa entrance ng ospital.


"Help! Please! Help!" Sigaw ko ng makapasok ako, may mga lumapit naman na nurse saakin at tinulungan ako sa kay Chris.

Barrier in Between|✔Where stories live. Discover now