CHAPTER 22

3.9K 73 4
                                    

Chapter 22: Truth And Lies [Part TWO]

JAX TRAVIS BUENAVISTA

I aggressively opened the door of the mansion and walked straight to his study room. I walked past my parents who were shocked to see me unannounced with a hand still bleeding. But I just disregard them. 

Walang pasabing binuksan ko ang pintuan ng study room ni Lolo. Nagulat naman siya pero bumalik din siya sa ginagawa niya. 

"Anong kailangan mo?" He asked, still focusing on what he was doing.

I clenched my fist harder than ever. I can feel my blood dripping. Pakiramdam ko mawawala ako sa katinuan. 

I know that Lolo doesn't like Janna, but I didn't know he can do this just to separate us. He didn't, right?

"Totoo ba, Lo?" Mahina ngunit madiin kong pagtatanong sa kaniya. 

"Totoo ang alin? Travis, can't you see I'm busy? Importante ba 'yan?" Hindi pa rin siya nakatingin sa akin kaya naman dali-dali kong tinawid ang distansiya at inagaw ang laptop na kaharap niya at binato ito kung saan. 

I even heard its crashing sound. 

"Travis!" galit na sigaw nito na napatayo pa. Pwes, mas galit ako. I felt betrayed. Nakita ko na nandito rin ang pamilya ko. Nakatayo sila sa pintuan at nakikinig. Pati si Ate nandito rin. Alam ba nila?

"J-Janna died." I swallowed hard. I can feel my chest tightening. Ang bigat na rin ng paghinga ko. Para akong pinagmukhang tanga ng mga tao sa paligid ko. People I've trusted. 

"Talaga?" Nakita ko ang gulat sa mga mata niya pero agad din itong nawala. Bumalik siya sa pagkakaupo. Nandilim ang paningin ko. 

"She fucking died five years ago, that very night! And that's all you've got to say, Lo?! Really?! Tao pa ba kayo?" I shouted. Alam kong imposible, pero. 

"'Yung mga pictures." I firmly closed my eyes and open them again. I look him straight in the eyes. I can't read him. Lo, tell me you didn't. 

"Totoo po bang si Janna iyon?" Hindi siya sumagot, sa halip ay iniwas niya ang tingin sa akin.

Tangina! Bakit nga ba hindi ko naisip 'yun noon? Hinding-hindi magagawa sa akin ni Janna 'yun dahil hindi siya ganung klaseng babae. Ang bobo mo Jax, naniwala ka sa isang edited na picture.

"Damn!" I shouted and laughed ridiculously. I've never felt so betrayed. 

Is this how she felt when I turned my back on her? 

"Masaya na po ba kayo?" Hirap na hirap kong sambit at binalik ang tingin sa kaniya. Pakiramdam ko magsusugat ang palad ko sa higpit ng pagkakakuyom nito. I can't even bother looking at my bleeding hands. 

"Sira na po ang buhay ko. Sinira niyo po. " Unti-unti akong pinapatay nung katotohanang ako nga ang dahilan kung bakit wala na si Janna, kung bakit ang laki ng galit sa akin ni Rein, kung bakit nagkaganito ang buhay ko. Ang laki mong gago, Jax.

"Kung hindi ko lang po siguro kayo pamilya, baka po... baka po hindi ganito kasakit... You just lost your grandson, Lo. You lost me. You lost the remaining respect I had from you" I uttered with full of resentment. 

"Travis/Jax." Narinig ko pang tawag nila Mama at Ate pero hindi ko sila pinansin. Tinitigan ko lang si Lolo sa harap ko. 

He looks hurt. 

"Apo, listen to me." I shook my head and closed my eyes firmly. I'm trying my best to calm myself, but it's damn hard.

"No! I will never ever listen to you again. Tangina, Lo! Five fucking years, Lo. Pinaniwala mo ako sa isang kasinungalingan sa loob ng limang taon. Pamilya ko kayo but you lied to me! You fucking lied to me. You made me believe in you. You poisoned my mind and I fucking believe your goddamn lies. Janna didn't cheat on me. She didn't. She was... she was r-raped." Humina ang boses ko sa dulo. Hindi ko matanggap. Dinudurog ang puso ko tuwing naalala ko ang mga mata niya nung gabing 'yon. I killed her. 

Pained and Tormented (COMPLETED)Where stories live. Discover now