Saan?

36 2 0
                                    

Kagat ang dila, pigil ang hininga habang binabagtas ang daan sa kunong pahinga. O, patuloy ang pagdanak ng dugo... Katumbas ang dalangin na sana hindi mabigo.

Nauuyam sa bugso ng hangin na dapat ganito. Ito ang ito at heto ang iyo.

Pagal na ang katawan. Wala na ring maintindihan.

Saan nga ba papunta? May pupuntahan ba?

Patuloy ang paginog ng mundo sa tanong na sapat na ba ang dugo at lahat nang pagkabigo. Ilan ang dapat para sumapat?

Ubos na.

Upos na.

_rgn

PaghingaWhere stories live. Discover now