Hiraya

10 2 0
                                    

Maulap ang hiraya at malalim na ang buntong hininga.
Tila dumadaan ang araw ngunit walang pahinga.
Hindi rin batid kung ano ba talaga,
Dapat pa bang makilala at matalaga?
Puno ng talinhaga itong talata.
Tila walang biyaya ng langit o halik ng mga diwata.

Oh, ang panaghoy ay tahimik.
Ang makata ay walang imik.
Umalpas ang tinig na sabik—
Sa layaw.
Sa agos nang maayos na buhay.

Pawalan nawa ang siyang nagngangalit na maralita.

PaghingaWhere stories live. Discover now