hindi sigurado

14 1 0
                                    

tila isa tayong hindi na planong tula,
magulo at hindi sigurado ang tugma.
may ingat at dalit ang panimula–
ngunit hindi mapagwari kung matatapos sa gitna.
sinabi ko na,
walang kasiguraduhan–
ang daloy ng aking salitaan.
batid din ang malabong nakaraan.
mga petsang pilit kinalimutan.
ang kumplikadong kasalukuyan.
at walang kabatiran na kinabukasan.
sinabi ko na, isa tayong hindi na planong tula;
hindi planado at sigurado.
ngunit isang may layang akda ng manunula.
walang pagkakalkula sa daloy ng mga letra.
buhay at puso sa kada taludtod,
na kahit malulap man ang may katha,
ay sakto pa rin ang mga kasunod.
isa pa rin sa mga dakila.

kaya kahit hindi planadong tula,
ngunit isa sa pinakamagandang akda–
ng lingkod na manunula.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 09 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

PaghingaWhere stories live. Discover now