PROLOGUE

3 0 0
                                    

Fleurendice's P.O.V.

"Eren, hija. Bumaba ka na sa dining room at kakain na kayo." Ani Nanay Nenitha, ang mayordoma namin dito sa bahay.

Mula sa pagtitig sa tanawin mula sa terrace ng aming mansyon ay bumaling ako sa kanya.

"Sige po, nay. Bababa na po."

Agad akong kumilos na umalis sa kinauupuan. Nang pababa na ay nahagilap ko si Papa Lo na matamlay at tila malungkot ang mga mata.

Nag-aalala ko siyang nilapitan.

"Papa Lo?"

"Hija..." Marahang tingin sakin ni lolo.

"You seem very sad today, what's the problem?"

Bumuntong hininga siya bago nagsalita.

"Ang matalik kong kaibigang si Erik ay namayapa na, hija." Malungkot niyang ani.

Kahit na di ko kilala kung sino ang matalik na kaibigan ang tinutukoy ni Papa Lo sapagkat hindi ko pa ito nakita man lang o nakilala ay nalungkot parin ako para sa aking lolo.

Hindi ko man alam kung ano ang pakiramdam mawalan ng kaibigan dahil ako ay wala non ay kitang kita ko parin ang kalungkutan at pagdalamhati sa mata ng aking lolo.

"I'm sorry, Papa Lo..."

He sighed again before staring at me.

"Alam kong nagtataka ka rin kung sino ang matalik kong kaibigan dahil hindi mo pa siya nakilala pero alam kong malalaman mo rin sa madaling panahon." He smiled. "Sapagkat kaming dalawa ay may pinagkasunduan na hiling ko ay sana maintindihan mo."

Nanatili akong tahimik. Hindi ko alam ang pinopunto niya. Kaya para maiwasan ang sariling magtanong tungkol doon ay mas minabuti kong ayain nalang siyang kumain.

"I'm sorry to hear that, Papa." Mommy said while we were almost finished eating.

"Do you want to visit Tito Erik's wake, Dad?" Daddy suggested.

"Hindi na kailangan, dahil alam kong ang kanyang anak mismo ang pupunta rito para sunduin ako." Papa Lo glanced at me. "At para talakayin ang importanteng bagay." Dagdag niya na nagpatigil pareho sa aking mga magulang. Nagkatinginan silang tatlo na tila nag uusap ang mga mata habang ako ay walang alam sa nangyayari.

"So it was earlier than expected huh?" Dad sighed.

Natapos ang dinner na gulo at nagtataka ang isip sa mga kilos ng aking mga magulang at ni Papa Lo.

Kinabukasan ay may pasok ako at sa nakasanayan ay nanatili lang ako sa aking upuan sa pinakalikod at nahimik na nagmamasid sa paligid, wala akong kaibigan. Maybe because of my appearance, with big glasses and braces, ponytailed hair, serious face and my academic background to add up to what they call me as a nerdy book worm. Wala naman akong pakealam doon basta hindi nila ako dinidistorbo sa pag aaral. Being a graduating senior high school student with an academic track-STEM is truely difficult, especially with the high expectations on us studying at Everleise Academy-the most prestigious academy in Luxfreigence.

Nagising ako sa pag iisip nang mag ingay ang mga kaklase. They are always loud but this time, even more than usual. Ang mga babae ay parang kinikilig at naghahampasan pa sabay tawa habang ang mga kalalakihan ay parang nay pinag uusapan.

Anong nangyayari?

"Gosh! Andito si Prince Azhreal!" Dinig kobg sigaw ni Trish, ang so-called beauty queen ng STEM, na hindi ko naman alam kung bakit dahil sa bukod sa pag aatupag nito sa mukha ay hindi naman gaanong matalino at nagpapabuhat pa kapag may group works.

The Fated BrideWhere stories live. Discover now