CHAPTER 3

1 0 0
                                    

Fleurendice's P.O.V.

Our routine became like that. Susunduin ako nang maaga, sabay mag-breakfast, sasamahan sa library kapag malaki pa ang time bago ang klase, hatid-sundo sa classroom, sabay kumain ng lunch at namamasyal pagkatapos kumain.

We were like that for the past 3weeks and I'm glad that he is patient enough with me kahit saan ko siya dalhin. We even got to the amusement park one time at sinakyan lahat ng rides na nagpabaliktad ng sikmura nya habang ako ay tinatawanan lang siya.

Weekend ngayon ang inanyayahan nya akong pumunta sa palasyo dahil daw gusto akong makita ng kanyang mga magulang na agad ko namang sinang-ayunan.

Soot ang isang puting summer dress at flat sandals, inilugay ko ang maalon kong buhok. Pinagmasdan ko ang sariling repleksyon, hindi ko alam pero nitong nakaraan ay gusto kong presentable akong tingnan sa harap ni Az. Napatingin ako sa glasses ko bago iyon napunta sa isang bagay na matagal ko nang hindi naggaamit. Dahan-dahan kong hinubad ang salamin at sinuot ang contact lense na hindi ko alam kung kailan ko huling nagamit. Binibilhan ako nito palagi ni mommy incase na kailangan ko. Napakurap-kurap ako ng ilang sandali, naninibago. Nang maka-adjust na ang sarili ay nag-apply ako ng kaunting pulbo, palihim na nagpapasalamat na makinis parin ang balat sa pisngi kahit na wala akong skin care na ginamit. Napatigil ako nang maisip na pulbo lang pala ang meron ako. Masyado akong maputla. Tinampal ko nang marahan ang mga pisngi at namula na ito nang konti. Ang bibig ko ay kinagat-kagat ko nalang upang kumulay at hindi ako nito binigo nang mamula ito.

Nang kuntento na sa itsura ay kinuha ko na ang purse ko at bumaba dahil alam kong kanina pa naghihintay sakin si Az. Palagi itong maaga dumating kesa sa pinag-usapan.

Naabutan ko siyang nakaupo sa sala at may binabasa. Tumikhim ako para makuha ang atensyon nya at agad naman nagtagumpay.

Natigilan ito at tumayo. He titled his head slightly as he eye me from head to toe which made me conscious.

"Bakit?"

His eyes met mine again. I saw him looked at my lips which made me bit my lip unconsciously. He muttered something with his eyes shut.

"Let's go." He said when he opened his eyes again.

Tumango ako at nauna nang lumakad papuntang sasakyan. Agad itong umandar paalis nang makasakay kaming dalawa. Nanatili lamang akong nakamasid sa bintana. Hindi kayang lingonin ang katabi na alam kong kanina pa nakatitig sakin.

"Fleur." He called me with a deep voice.

Pinigilan kong mapasinghap nang mapagtanto ang magkalapit na distansya namin nang lumingon ako.

"H-Huh?"

"Where's your glasses?" He looked at me straight in the eye.

"Sa bahay iniwan ko."

"You used contacts?"

Tumango ako. "Bakit? Hindi bagay?"

He didn't talked and just stared at me. Kinabahan tuloy ako na hindi nya gusto. O baka napapangitan ba siya sakin.

"Pangit ba---"

Napasinghap ako nang pinulupot nya ang braso sa bewang ko at hinatak ako palapit.

"It suits you, very, very well." He whispered in my ear in his husky voice that made my heart beat so loud that I think he's gonna hear it.

"O-Okay." Sinubukan kong lumayo ngunit mas hinatak nya ako palapit.

He rested his head on my shoulder as he chuckled.

"Breathe, Fleurendice." He deeply said.

Pero paano? Kung ganyang siya kalapit sakin? Siniksik nya ang mukha sa leeg ko na mas lalo pang nagpasinghap sakin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 10, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Fated BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon