♡-Part seven

1K 26 0
                                    

Part 7: Cheska who?

Ashley's POV.

Sa subrang dami ng nangyari, hindi ko namalayan na biyernes na pala ngayon. Kung ang iba ay tuwang tuwa ako naman parang pinagsukluban ng langit at lupa.

Ano kayang gagawin ko this weekend? Paniguradong mabubulok lang ako sa bahay nito!

“What the hell!”natauhan naman ako nang may bumangga sakin at nagmura pa.

Tinignan ko siya. Sandali akong natulala sakaniya. Matangkad, maputi ang balat at subrang ganda niya!

Pero...

“Aren't you going to say sorry?”

...Suplada naman.

Teka! Bakit ako hihingi ng sorry? Ako ba ang bumangga? Ang kapal niya ha!? Nandito nga ako sa gilid eh.

Tinaasan niya 'ko ng kilay at tinignan mula ulo hanggang paa.

“Bakit naman ako hihingi ng sorry?”tanong ko, napamaang siya at tinignan ako na parang subrang mali ng tinanong ko.

Ano ba dapat?

“Don't you know me?”tanong niya.

“Ashley! Teh!”napalingon ako sa sumigaw, si Jenny lang pala.

Napahinto siya at ngumiti sa babaeng kaharap ko.
“Hello miss cheska!”bati niya pa, ngumiti naman ng tipid si cheska kuno kaya kumunot ang noo ko, kilala niya ang babaeng ito?

Bago pako makapagsalita ay hinila na 'ko ni Jenny.

“Kilala mo pala 'yun?”tanong ko.

“Sino namang hindi aber? At anong pinag uusapan niyo teh?”

“Wala.”agad siyang huminto at hinarap ako.

“Bakit?”taka kong tanong.

“Wag mong sabihing hindi mo siya kilala!”

“Ha? Sino? Ano bang pinagsasabe mo bakla?”naguguluhan kong tanong.

“Ayy jusko! Hindi mo kilala yun? Siya yung dumating kanina na dating queen bee ng paaralang ito!”

Queen bee? Uso pa pala yan? At siya pa talaga?!

“Ewan ko sayo, wala pa rin akong pakialam sakaniya!”iniwan ko na si jenny at tumungo na'ko sa classroom namin.

Napayuko ako nang madatnang may guro na pala, kasalanan talaga ng babaeng yun kung bakit ako nalate!

“Where have you been Miss Gayle?”tanong ni ma'am Shara, lecturer ko sa english.

“Sorry ma'am I'm late, sa rest room po ako nanggaling,”umupo nako sa silya ko.

Isang oras ang nakalipas, sa wakas natapos na rin ang klase! Sa monday na ang exam namin kaya magrereview nalang ako.

Pupunta nalang muna ako sa cafeteria, mamaya ko na isipin si jenny, kapag busog na'ko.

Pagkapasok ko ng cafeteria ay agad naagaw ang atensyon ko sa mga nagkukumpulang estudyante sa gitna.
At dahil sa kuryusidad ay lumapit ako para malaman ang kaganapan.

“Bagay yan sakaniya!”

“Yan ang napapala ng mga taong madumi ang bibig!”

“How dare she to said that to our queen!”

Mga sigawan nila, sumiksik ako nang pilit at dun ko nakita ang isang kaklase ko na subrang dumi na ng damit habang nakayuko, nanginginig na ang kaniyang kamay.

Humihikbi rin siya at ang gulo gulo na ng buhok niya, nanlaki ang mata ko nang makita si cheska sa harapan niya at akmang sasampalin na niya ang kaklase ko nang mabilis pa sa alas kwatro kong tinakbo ang pagitan namin at agad sinalo ang kamay niya.
Nagulat ang lahat sa ginawa ko, nanlaki naman ang mata ni cheska.

Ang kaninang subrang ingay ay nakakabinging katahimikan na ang namutawi, nanatili kaming nakatingin sa isa't isa ni cheska, ramdam ko ang namumuong tensyon sa pagitan naming dalawa.

Malakas niyang binawi ang kaniyang kamay kaya nabitawan ko ito.

“You again? Matapang ka, huh?”inis niyang asik.

Ngumisi ako para lalo siyang inisin.

“Yes it's me again, Miss Queen bee!”mariin kong tugon.

Akmang sasampalin niya 'ko nang sinalo ko ulit ito at buong lakas na sinampal sa mukha niya.

Muntikan na siyang matumba kung hindi lang siya nasalo sa likuran ng isa niyang fans.

“Oh my gosh! Is this real?”

“For the second time, may kumalaban na naman kay cheska!”

“Kailangan mo nang maghanda sa pinasukan mo!”

Umayos siya ng tayo at matalim akong tinignan, dahan dahan siyang lumapit sakin at ngumisi.
“I'll make you regret for making me your enemy!”mariin niyang bulong pero imbes na matakot ay napangisi rin ako.

“Kahit mamatay kapa sa harapan ko, hindi ako magsisisi sa lahat ng pinakita ko sayo, 'yan ang idikit mo sa makitid mong utak.”asik ko.

Nanlaki ang kaniyang mga mata at biglang natunaw ang ngisi sakaniyang labi, kahit ang mga estudyanteng nakapalibot sa amin ay natigilan rin.

Katulad ko ay hindi rin nila inaasahan ang lumabas sa bibig ko. Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang galit ko.

“I can't believe this!”

“Totoo ba ang narinig ko? Sampalin mo nga ako, baka nananaginip lang ako!”

“Oh my gosh, hindi ka nananaginip!”

Ngunit mas hindi ko alam kung bakit iba ang nakikita ko sakanilang mga mata. May kung anong mangha ngunit may galit.

“I will give you all a one minute to clean this bullshit mess!”agad nawala sakaniya ang mata ko nang marinig ang pamilyar na tinig.

Lumingon ako sa may pintuan at hindi ko inaasahan ang pagtama ng mata namin nang biglang humawi ang mga estudyante. Ang mata niyang walang kasing lamig at emosyon.

“I don't want to hear anything about this nonsense argument, for pete sake! you're not a kid anymore to fight for a whatever reason you have. If you want to argue, the gate is open!”

Dumagundong sa buong cafeteria ang malamig na tinig ni Cleo at walang pasabing tunalikod at lumabas.

“We're not done yet, bitch!”muntik ko nang makalimutan ang dahilan ng gulo kung hindi pa nagsalita ang babaeng kaharap ko.

Matalim ang kaniyang tingin at hindi rin ako nagpatalo. Nang iinsulto siyang ngumisi bago ako banggain sa balikat para lumabas.

Nasundan ko siya ng tingin at kasabay nito ang hindi maipaliwanag na kaba sa dibdib ko nang maalala ang gulat, lungkot at galit na ekspresyon ni Cheska.

Nanatili akong tulala sa labas kahit nang dumating si Jenny at may sinasabe sa'kin.

“Hindi ko maintindihan ang reaksyon niya. Parang may mali sakanya at sa kakaibang bigat ng dibdib ko.”naisatinig ko nalang.

Itutuloy....

MY HEARTLESS CRUSH (COMPLETED) Where stories live. Discover now