♡-Part twenty seven

986 28 0
                                    

Part 27: Let me go

Ashley's POV.

Nandito kami ngayon ni Jenny sa cottage ng isang resort, nagpapahangin.

Pagkatapos ng nangyari ay dito muna kami mananatili pagsamantala. Pumunta rin dito si Louis para tignan kung maayos lang ang lagay naming dalawa.

“So, hindi mo na talaga siya kakausapin?”sinamaan ko ng tingin si jenny nang magtama ang mga mata namin.

Pang sampung tanong niya na ata yan, nakakairita na pakinggan.

“Sabihin mo na kasi kung bakit biglang nagbago ang ikot ng atay mo teh!”

Uminom nalang ako ng juice at isinuot ang shade bago umalis doon. Rinig ko pa ang pagtawag niya pero hindi ko na siya pinansin.

“Pwede bang tigilan mo muna ako, Chase?!”napalingon ako sa magjowa ata 'yan na nag aaway. Dalawang metro lang ang layo sakin.

Agad din akong nag-iwas ng tingin sakanila.

“Look, I'm sorry. I didn't mean to said that.”

“Sinabe ko nang tigilan mo muna ako dahil hindi ako makapag isip ng maayos kung sunod ka nang sunod!”

Lalayo pa sana ako pero nagulat ako nang biglang nagkagulo ang magjowa at ibang tao sa gilid ko at hindi agad ako nakaiwas kaya nabunggo nila ako at sa hindi inaasahan ay nahulog ako sa pool!

Nabigla ako kaya nalunok ko ang napakaraming tubig!

Sandali! Ang taas ng pool at...

Hindi ako marunong lumangoy!

“A-ah! T-tulong!”napalunok ako ng tubig at agad nanghina.

Naramdaman kong may tumalon sa tubig pero hindi ko na maidilat nang maayos ang mata ko.

Hindi ko na kaya.

Lalong bumigat ang talukap mata ko.

“Ash! Wake up!” napaubo ako bigla at kasabay nito ang pagmulat ng mga mata ko.

Wala na ako sa pool.

Medyo malabo ang paningin ko hanggang sa unti unti na itong naging malinaw. “L-louis..”tinulungan niya 'kong bumangon at nagulat ako nang yakapin niya 'ko bigla.

Napangiti nalang ako.

“I'm glad that you're safe.”bulong niya.

“Salamat.”bulong ko rin.

Nakaramdam ako ng hiya at tuwa nang magpalakpakan ang mga tao. Habang ang mga mata ay puno ng paghanga at saya.

Naririnig ko rin ang walang tigil na paghingi ng tawad at pasensya ng magjowa na kanina lang ay grabe kung magsigawan at mag-away.

Ngunit wala na sa kanilang lahat ang atensyon ko nang maaninag sa di kalayuan ang isang lalaki na deritsong nakatingin sa mga mata ko.

Hindi ko maipaliwanag kung bakit biglang nag iba ang pintig ng puso ko. Kakaiba kesa nung una.

Kahit mula sa malayo ay nakikita ko ang malamlam niyang mga mata na nakapukol sa'kin.

Ano na naman 'tong pinaparamdam mo cleo?

******

“Alam mo teh? Napaka lapitin mo talaga sa disgrasya! Naku! Ang haba kasi ng hair mo!”

Nabalik ako ulirat nang sampalin ni jenny ang mukha ko, humalakhak siya habang may tinapay pa sa bibig niya.

“Lumilipad na naman 'yang utak mo!”asik niya.

“May iniisip lang!”agad naman siyang tumabi sakin, as in yung dikit na dikit.

MY HEARTLESS CRUSH (COMPLETED) Where stories live. Discover now