♡-Part seventeen

947 24 0
                                    

Part 17: Do what, Cleo?

Ashley's POV.

Rinig na rinig ko ang pagsinghap ng ibang bisita, pagkatapos pumunta ni cleo sa itaas.

“Pagpasensyahan niyo na ang anak ko, pagod lang talaga siya,”tinig ni tita, nandito ako ngayon sa dining area, tumutulong maglagay ng ibang pagkain.

“Ano kaba naman Therese? Naiintindihan naman namin, matagal na namin siyang kilala,”

“Osige na, kumain na kayo dyan.”

Nagsimula na 'kong kumain ng chocolate cake at hindi nalang sila pinansin.

Naisip ko bigla si Cleo, dalhan ko kaya siya ng pagkain?

“Tita, ako nalang po ang bahala sa anak niyo,”napalingon ako sa isang lalaki na nagsalita at mukhang naunahan pa 'ko.

Siya 'yung kaibigan ni Cleo.

“Paki dalhan nalang siya ng pagkain, hijo. Salamat.”napanguso ako at pinagpatuloy nalang ang pagkain.

Gusto kong ako nalang ang maghatid ng pagkain sakaniya pero nahihiya akong lumapit sakaniya, iniwasan ko siya at hindi pinansin nitong nakaraan tapos...

Natinag ako nang marinig ang pamilyar na boses sa likuran ko.

“Good evening tita,”

“Oh? Jake, mabuti at dumating ka rin,”

Nilingon ko siya kaya napatingin rin siya sakin na nagulat rin. Anong ginagawa niya rito? Magka ano-ano sila ni Ma'am Therese?

“A-ashley?”gulat niyang usal.

Nagpalipat lipat naman ang tingin ni ma'am Therese samin, naguguluhan.
“Do you know each other?”

“Nagkita po kami—”

Agad akong pinutol ni Jake.

“Sa mall, nahulog niya kasi yung wallet niya at ako ang nakapulot at agad isinauli sakaniya,”kumunot ang noo ko at hindi maiwasang tignan nang nagtatanong si Jake.
Anong pinagsasabe niya?

Napangiti naman si tita at hinaplos ang pisngi ni Jake.
“Your so kind, hijo. Napaka swerte ng babaeng mamahalin mo.”napangiti rin si Jake at tumingin sakin, nagtama ang mga mata namin.

Bahagya siyang ngumiti pero hindi ako makangiti pabalik dahil hindi ko pa rin siya maintindihan kung bakit niya kailangan magsinungaling.

Alam kong mabait siya, nakikita at nararamdaman ko yun.

******

“Drinks?”alok ni Jake, nandito kami ngayon sa labas ng bahay ni Ma'am Therese kasama ang ibang bisita na nagpapahangin, nag iinuman, nagkukwentuhan at iba pa.

Kinuha ko ang baso ng wine sa kamay niya at ininom ito.

Umupo siya sa tabi ko at tumingala sa langit, tumingala rin ako dun.

Kunti lang ang bituin ngunit maganda paring tignan, full moon ngayon kaya nadagdagan ang liwanag sa paligid.

“Bakit ka nga pala nagsinungaling kanina kay ma'am Therese kung paano mo'ko nakilala?”mahinahon kong tanong sakaniya.

Bumuntong hininga siya pero nanatiling nakatingin sa langit.
“Dahil kailangan.”

Napalingon ako sakaniya at kumunot ang noo.“Ano? Bakit?”

Sandali siyang tumingin sa 'kin at ibinalik ulit sa langit, kasabay nito ang pag inom niya ng wine.

“Dahil hindi lahat ng bagay ay kailangan nilang malaman,”

MY HEARTLESS CRUSH (COMPLETED) Where stories live. Discover now