CHAPTER 17

216 5 0
                                    

"I told you last time na lilipat ako, this is it."sabi nito kaya lumipat ang tingin ko sa babaeng katabi niya

"Hi! I'm Cassandra, manliligaw ni Ridgen."sabi ng babae at naglahad ng kamay.

"Hi! I'm Elmizera, pero Mira nalang."sabi ko at tinanggap ang kamay niya.

"Nice meeting you, Mira! You're really pretty, I hope we can get along with each other."sabi ni Cassandra at ngumiti ng pagkatamis-tamis.

Manliligaw ba talaga ni Ridgen 'to? Sobrang ganda niya, mukha siyang anghel na ibinagsak sa lupa. Kung ako lang si Ridgen, sasagutin ko agad 'to. Mukha namang mabait 'to e.

"Ako rin, nice meeting you! And you're super pretty too."sabi ko at nginitian din siya.

"Ito ba 'yong crush mo, Rid? Kaya pala ayaw mo 'kong maging girlfriend kasi sobrang ganda pala niya. Hati tayo ng crush ah?"bulong niya sa lalaki na agad siyang sinamaan ng tingin.

Napangiti nalang ako sa dalawa, akala ko ba maarte si Cassandra? Mukhang hindi naman e.

Pinaupo ko muna sila para makapag-usap kami. Panay ang tingin ni Cassandra sakin at nahuhuli ko pa siyang ngumingiti kaya nginingitian ko nalang din. Ang cute niya kaya, pero sa ang sabi niya ay mas matanda siya sakin.

"Mom!"rinig kong tawag ni Esme kaya napalingon ako sa pinto.

"May bisita ba kayo? Merong ibang kotse sa labas e."sabi ni Mommy at dumiretso sa kusina.

"Hi, Tita! Good morning po!"bati ni Ridgen at nag mano kay Mommy.

"Ridgen, napadalaw ka?"tanong ni Mommy rito.

"Lilipat na po kami ng school, mag t-transfer po kami sa school ni Mira,"
sabi niya kay Mommy.

"Oh, is that so? Girlfriend mo na itong kasama mo?"tanong ni Mommy at tumingin kay Cassandra.

Humagikhik naman ang babae at matamis na ngumiti kay Mommy.
"Hindi po, I mean hindi pa po, Ma'am! I'm Cassandra Borja po, nanliligaw po ako kay Ridgen."saad ng babae na ikinanganga ni Mommy.

"Really? Ridgen, must be very lucky to have you as manliligaw, Iha. You're pretty."nakangiting saad ni Mommy.

"Thank you po, Ma'am!"nakangiting ani Cassandra.

"Just call me, Tita."sabi ni Mommy na mas ikinangiti ng babae.

"Tutal nandito narin naman kayo, pagsaluhan na natin 'tong binili ko. Sobrang dami kasi nito kaya't dito na kayo kumain."sabi ni Mommy at ipinakita ang paper bag na dala niya.

Sabay kaming pumunta sa kusina at doon inilabas ni Mommy ang mga binili niyang pagkain.

Una niyang nilapag ang cordon bleu, buttered shrimp, roasted chicken, and a little mashed potatoes. Meron pa itong inilabas na apple biscotti, at strawberry shortcake na ipinalagay niya kay Esme sa ref.

Tinulungan ni Ridgen si Mommy na maghanda ng mga plato, habang nakaupo naman kami at natatakam na nakatingin sa nakahanda sa mesa.

"What do you call this one?"tanong ni Cassandra at tinuro ang cordon bleu.

"The chicken cordon bleu?"patanong na sagot ko.

"Ah... Chicken cordon bleu."sabi niya at tumango-tango pa.

"Hindi kapa nakatikim n'yan?"tanong ko na ikinailing niya.

"Mama, always want me to eat vegetables and fruits. Sabi niya kasi ako raw mag mamana ng company, hindi raw ako pwede magkasakit."
sabi nito.

"Ang sama naman ng Mama mo!"sabat ni Esme kaya siniko ko siya.

"What? Totoo naman e."sabi niya at umirap pa.

Agreement With The Bad Boy (MORGAN SERIES 1)Where stories live. Discover now