CHAPTER 18

217 4 0
                                    

Todo tanggi naman ako at sinabing joke lang ni Xavier 'yon. Nakakainis naman kasi e, nagpo-post ng picture ko without permission. Sana sinabi niya para masendan ko siya ng marami.

Agad na nagsitahimik ang lahat ng pumasok si Xavier sa loob ng classroom. Nag pagupit na siya? Mas lalo siyang gumwapo, mukha na tuloy siyang mabait.

Umupo na ako sa upuan ko at ganon din ang lahat. Hindi ko siya pinansin dahil nahihiya ako, grabe ang kapal! Ako pa 'yong nahiya sa mga pinanggagawa niya.

“Can we talk later?”tanong ni Xavier kaya napaharap ako sakan'ya.

“Tungkol naman saan?”takang tanong ko.

“Later, Mira!”sabi nito at hindi na ako muling kinausap.

Nakinig nalang ako sa klase at hindi na binigyan pa ng atensiyon 'tong katabi ko. Medyo madali lang naman 'yong tinuturo ni Ma'am, kaya hindi masyadong mahirap. Ang gulo talaga!

Noong matapos ang klase ay nagsilabasan narin ang mga kaklase namin. Hindi kami mag kasama ni Hera dahil sinabi kong mauna na muna siya at may gagawin lang ako saglit.

“Now it's just the two of us, what it is?”tanong ko at humarap sakan'ya.

“Chantal's birthday is coming, mom wants to invite you. Are you gonna come?”tanong niya at umiwas ng tingin.

Nahihiya ba siya? Wala naman siya no'n ha! Grabe people's change talaga ika nga nila.

“You're judging me again!”biglang anito at pinitik ang noo ko.

“That hurts, Xavier!”singhal ko at hinimas ang noo.

Tarantado 'to! Akala niya 'ata hindi masakit e 'no? Siya kaya pitikin ko para malaman niya 'yong pakiramdam.

“So... Are you coming or not?”ulit nito.

Wala talagang pasensya ang lalaking 'to, mukhang wala naman siyang lakad e ba't ba siya nagmamadali.

“Pupunta ba si Mommy?”tanong ko sakan'ya.

Hindi ko naman kasi alam na may birthday kaya hindi ko tinanong si mommy.

“Yes, she said that she's coming. So? Are you in, or out?”tanong niya ulit.

“Okay, pero grabe kayo ha! Mas nauna pang malaman ni Mommy kesa sa'kin.”reklamo ko rito.

“Are you jealous with your own mother? Swear, you sound ridiculous!”sabi niya at nginiwian ako.

Aba! 'tong lalaking 'to! Hindi ko naman sinabing nagseselos ako e. Parang sira talaga!

“Hindi ko naman sinabing nagseselos ako ah! Syempre kaibigan niyo ko, dapat sa'kin niyo muna sabihin.”sabi ko sakan'ya.

“Friends don't kiss, Mira,”sabi nito na ikinanganga ko.

Ito nanaman tayo e, bakit ba ang hilig niya ibahin 'yong topic? Alam kong maganda ako pero mukha siyang mix signals e. Ano kala niya sa'kin laruan?

“Oo kaya! Kami nga ni Hera nagkikiss e.”sabi ko at inirapan siya.

“So, I can kiss you whenever I want to?”sabi niya sanhi ng pagkalaglag ng panga ko.

“Syempre hindi!”sabi ko at tinakpan ang labi.

“But you said, friends kiss! So I think we can kiss too.”sabi pa niya.

“Alam mo ikaw... didistansiya kaba, o magpapa ambulansiya?”matapang na saad ko.

“You're more feisty today, why Mira? Are you gonna hurt your ex-boyfriend?”anito at nginisihan ako.

Aba itong taong 'to nakuha pang mang-asar.

Agreement With The Bad Boy (MORGAN SERIES 1)Where stories live. Discover now