PROLOGUE

5 0 0
                                    

Nakayuko ako sa mesa ko habang ang isang kamay ko ay nasa tiyan ko. Sakiit...

Dinala ako ng secretary ko sa isang doctor. Sabi lang naman ay nadi-dehydrate ako dahil minsan minsan lang ako uminom ng tubig at mas lalong minsan nalang ako kumain, ilang subo pa hindi full meal!

They already gave me some medicine but kailangan ko ulit magpa consult. Parang sumasakit na naman e!

"Ma'am, please, sumabay kana samin, naaagnas na yang ganda mo e!" Sigaw sa'kin ng empleyado kong si Liway. She's so energetic as always. Halos lahat ng empleyado ko ay ka-close ko kaya hindi sila nahihirapan sa'kin kapag may problema. Lalo na kapag nahihirapan sila sa isang project na mas lalo namang maganda dahil nakukuha nila ang suggestions ko.

Tinawanan ko lang sila. "May pupuntahan pa ako, I'll have a dinner after i go somewhere." Sabi ko na tinunguan nalang nila, wala naman silang magagawa.

But i am happy to have my co-workers. They are my employee but also my business partners. Hindi naman lalago ang kumpanyang tinayo pa ng lolo ko kung wala ang mga empleyado na ito.

They help me and i help them, we are just doing everyone a favor to survive, kahit ako ang boss dito, minsan mas maynatututunan pa ako sa kanila kaysa natututo sa kung saan.

"Ma'am, Dr. Almiyo said he's free this coming 3pm, you just have 1 hour left, should i cancel your meeting to Mister Alejo?" Sabi ng sekritarya ko na si Lane.

I smiled. "Yes please, Lane. Salamat, maaasahan talaga kita." Nakangiting sabi ko at tumayo na. Alam ko naman kung bakit nya sinabing 1 hour nalang ang natitirang oras ko, dahil magda-drive pa ako papunta sa office ng Doktor na nasa hospital din naman.

"I need to go, Lane, you can handle everything, right?" Dagdag ko habang kinukuha ang coat ko na nakasabit sa swivel chair ko. Pinapanood nya lang akong nakangiti.

"Yes naman, ma'am, take care." Sabi nya sa'kin kaya nagpaalam na ulit ako. Kumaway pa ako sa mga tao na nasa labas pa. Baka may ginagawa pa o tinatapos na trabaho.

Nakangiti akong nakarating sa parking area and then drive to the hospital. I had to deal with freaking traffic pero mabuti nalang ay mabilis namang umusad. Napatingin ako sa wrist watch ko and i saw it's just 2:30 pm. Wow. Mabilis talaga akong naka lagpas sa traffic.

Then... I guess maghihintay nalang ako.

One nurse guide me where Dr. Almiyo's office is. When we reached it, pinatuloy na kaagad ako.

"Ma'am, just wait here po, may tinatapos lang pong meeting si Doc." Nakangiting sabi sa'kin ng nurse bago umalis at iwanan akong mag isa sa kwartong ito.

It was a big office, mayroong sofa na color sky blue, the ceiling was color light brown with the cute chandelier. The door is color white outside but when you get inside its color is light brown also, the wall is color peach and have some beautiful paintings in it. Ang ganda, parang sinadya talagang ilagay ang mga color na'to dito dahil sa mga pasyente. Patient need light colors to always remain calm.

Hindi pa sana mahihinto ang pagpuri ko sa mga design ng office nang bumukas ang pinto kaya agad akong tumayo ng nakangiti.

"Ma'am, tara na po, magsisimula na ang operasyon!" Sigaw nito sa akin at agad akong hinila.

What the fuck?

"M-miss, wait! You've got the wro---" She cut me off.

"Wag mo na akong sungitan! Wala dito si doc. Okay!" Sigaw nya na naman. Pumasok kami sa operating room at nakita kong nagkakagulo sa loob.

"Doc Lisa! Nandito na po!" Sigaw ulit ng nurse na humawak sa'kin. Nakakainis!

They are really in a mess! Napagkamalan nila akong ibang tao! Napaupo ako sa kama ng itulak ako ng nurse paupo rito kaya wala akong nagawa.

having his BABYWhere stories live. Discover now