CHAPTER 5

9 3 0
                                    

🌧
ASHERA

..And then I heard a footstep from the backdoor, Maya-maya ay bigla na lang may nagsalita mula sa likuran ko.

Sa kusina kasi namin ay may backdoor papunta sa likod ng bahay kung saan nandun ang pool at sa harap naman ng bahay yung garden namin ni Mom, Malawak ang bakuran namin kasi bago ka makapasok sa main door ng bahay ay may makikita ka munang mataas na fountain sa harap at sa gilid naman sa bandang left side ay ang parking lot nila Dad kasi wala pa naman akong kotse at sa right side naman yung malawak na garden namin ni Mom.

"Nakauwi kana pala.."sabi ni Daven.

Obvious ba?!!!

"Ah, Oo.."sagot ko lang.

"You still loved choco drinks.."pansin niya pa habang nakatingin sa ginagawa kong choco drink.

"Uh huh.."pagtango ko.

Pagkatapos kong maghanda ng drinks ko ay nagpaalam na din ako sakanya dahil magpapaint ako bilang pampalipas oras.

I loved painting and my favorite subject was the raining scenery because I really loved rainy, It calms me down when I'm not in the mood, it help me many times from d*nger and tr*umas..

Habang nagpapainting ako sa kwarto ko ay bigla na lang kumatok si Kuya Ash.

"Sama ka?. Pupunta ako ng convenient store o baka may gusto kang ipabili?.."malambing na sabi niya.

"I'll come with you!!, wait lang!!"sigaw ko sakanya tsaka mabilis na dumiretso ng banyo para maghugas ng kamay dahil puro pintura ang kamay ko.

"Okay, I'll just wait you downstairs!!"

Nag-oversized tshirt lang ako dahil nakatank top at maikling maong short ako kaya nagdoble na lang ako ng tshirt para hindi revealing tignan.

Tsaka baka hindi ako palabasin nila kuya Dem at Kuya Ash pag nakatank top lang akong lalabas.

Pagkalabas ko ng kwarto ay bumaba agad ako.

"Ang iksi ng short mo.."Sita agad ni Kuya Dem pagakababa ko ng hagdan.

Malamang short nga diba?!!

"Sa convenient store lang naman.."sabi ko.

"Still—"magsasalita pa sana siya nang biglang nagsalita si Kuya Ash.

"Let's go, Neya.."seryosong sabi niya tsaka ako hinila palabas ng bahay.

Pagkalabas namin ng bahay ay pinasakay niya agad ako sa kotse niya at pinaandar ito paalis, habang nagmamaneho ay nagsalita ulit siya.

"Bakit naman kasi ang iksi ng suot mo?"puno ng frustrasyon niyang sabi.

"Kaya nga ako nagtshirt diba?.."Pagtataray ko.

"Kahit na, alam mo namang maraming tarantado diyan sa labas diba?.."Mahinahon niyang sabi.

Naiintindihan ko naman na pinoprotektahan lang nila ako pero minsan parang nakakainis na, dahil hindi ko masuot yung gusto kong itry na suotin, Well hindi naman sila palaging mahigpit sakin pero there's a times na sobra talaga sila kung maghigpit.

"Oo na.."masungit na sabi ko.

He sighed and said "We're just concern about you, okay?"

"Yeah, if you say so.."I said and rolled my eyes.

"Tsk.."

"Oh ano?!.." pasigaw na tanong ko sakanya dahil mukhang naiinis na siya..

"Wala.."Mabilis na sabi niya.

The Last RainfallWhere stories live. Discover now