CHAPTER 13

10 0 0
                                    

🌧
ASHERA

Nang makita ko ang news about sa aming dalawa ni Raizer ay agad akong nakatanggap ng tawag mula kina Mom, Dad, Kuya Ash at kay Kuya Dem.

Maiisip lang talaga nila ako kapag may mga ganitong isyu.

Una kong sinagot ang tawag ni Kuya Dem dahil mahirap mapagalitan ng isang galit na dragon 🐲

["Where the hell are you?!"] Galit na tanong nito..

"P-papunta na ako sa University." Sagot ko lang.

["Susunduin kita mamayang 5 pm, wag kang lalabas ng University hanggat wala pa ako, okay?"] Utos nito.

"Okay." Tanging sagot ko lang.

["We'll talk later."] Saad nito tsaka pinatay ang tawag.

Nang makarating kami ng University ay maraming reporter ang nag-aabang sa labas kaya nahirapan kaming pumasok sa loob dahil nang makita nila ako ay bigla nalang silang nagkagulo kaya may mga guard na din ang nagtataboy sa kanila.

"Totoo ba na may relasyon kayo ni Raizer Hutchinson?" Tanong ng babaeng reporter sa akin pero dahil sa sobrang gulo ng paligid ay hindi ko na yon sinagot pa at nagmadali nalang kami ni Ali na makapasok sa loob ng University.

Nang makarating kami sa classroom namin ay agad na naglapitan sa amin ang mga blockmates namin at nagtanong din kung totoo daw ba yung about sa issue.

"Don't you know the word privacy? Kasi kung matino kayong tao alam niyo yon, pero sa inaasta niyo ngayon parang hindi niyo alam ang salitang yon.." Seryosong saad nito sa kanila. "...Tangina, mag-aabogado pa kayo sa lagay na yan, huh? Ni hindi niyo nga alam kong ano ang salitang privacy!!" Galit nitong dagdag kaya dahan-dahan niyang hinawakan ang kamay nito para kumalma.

"Tama na.." Malumanay kong saad sakanya.

"Pasalamat kayo at mabait si Neya kung hindi, sisiguraduhin ko talagang matatanggal kayong lahat sa University na'to.." Banta pa nito sakanila tsaka pinaalis ang mga ito.

Nang maka-alis na ang mga ito ay sunod naman itong bumaling sakanya at umupo sa katabi niyang upuan.

"Totoo ba yung news about sainyong dalawa?" Tanong nito sakanya.

"..Pero kung ayaw mong sagutin yung tanong ko, okay lang. I respect your privacy naman.. kaya okay lang sa akin but if you need someone to talk to, I'm always here, I'm always ready to listen." Saad pa nito na ikinagulat ko dahil akala ko ay magagalit siya sa akin about dun sa news.

"Hindi ka ba galit?" Tanong ko.

"Huh? Wait, don't tell me that you and Raizer are dating?" Tanong naman nito.

"No, we're not dating.. ang tinatanong ko lang is baka galit ka sa akin dahil dun sa news na yun." Sagot ko naman.

"Bakit naman ako magagalit? Oo, gusto ko si Raizer pero that's not mean na magagalit na ako sayo ng dahil lang sakanya.. No, hindi masisira ng isang lalaki ang pagiging magkaibigan natin." Saad nito na ikinatuwa ko dahil ayoko talagang nag-aaway kami.

"...at isa pa bakit ko naman ipagpapalit ang bestfriend ko sa isang lalaki. Gusto ko si Raizer pero hindi ganon kalalim para magalit ako sayo."

"Oh, my Ali is so sweet.." Saad ko.

"Oh, my Neya is inlove.." Pang-aasar nito.

"I'm not inlove, it's just a rumor." Depensa ko naman.

"Okay, basta kay Kuya Dem nalang ako, ekis na si Raizer sa mga crush ko kasi may rumored girlfriend na siya." Saad pa nito.

The Last RainfallWhere stories live. Discover now