CHAPTER 11

9 1 0
                                    

🌧
ASHERA

"I think we need to go.."sabi ni Ivy dahil lasing na sila Ali at Camille, buti nga at hindi uminom si Ivy dahil walang maghahatid sa mga lasing naming kasama.

"Yeah,"sagot ko tsaka dahan-dahang inalalayan si Ali patayo dahil nakatulog na ang mga ito, si Ivy naman ay inalalayan na din si Camille para makauwi na kami.

Nang makalabas na kami ng Bar ay may bigla nalang humawak sa kabilang braso ni Ali kaya tumingin ako sa gumawa nun at handa ko na sana siyang sugurin nang makilala ko kung sino ito.

"Daven.."tawag ko sa pangalan niya kaya napatingin siya sa akin.

"I'll help you, where's your car?"tanong niya kaya itinuro ko kung nasaan si Ivy tsaka niya inalalayan si Ali papunta sa kotse ni Ivy.

Sumunod naman agad ako sakanya kaya ng makarating kami ay inilagay niya agad sa backseat si Ali. Pagkasara niya ng pinto ng backseat ay nakita siya ni Ivy at..

"Wow, nandito ka pala tapos hindi mo man lang ako tinulungan kay Camille, tapos si Neya tinulungan mo?"nagtatampong sumbat niya sa pinsan niya.

"Siya yung nakita ko eh."inosenteng sagot ni Daven.

"Ah, ganon?"sarkastikong sabi ni Ivy pagkatapos ay lumapit ito sa akin tsaka ako inaya pauwi, nang makasakay na kami sa loob ng kotse ay pabiro niyang itinapat ang sasakyan niya kay Daven tsaka ito bumusina.

"What the heck is wrong with you?!"galit na sabi ni Daven.

"Sorry, kay Neya kasi ako nakatingin eh."sarkastiko niyang sabi tsaka isinara ang bintana ng kotse niya at pinaandar ito paalis.

Inihatid muna namin sina Ali at Camille sa mga bahay nila tsaka niya ako inihatid sa amin.

Habang pauwi kami ay bigla nalang nag-ring ang cellphone ko kaya kinuha ko agad yun sa loob ng sling bag ko tsaka sinagot ang tawag.

Kuya Dem(on)'s calling...

["Where the hell are you?!"]galit nitong bungad kaya agad akong napaayos mula sa pagkakaupo ko.

Shit!!

"P–pauwi na.."Kinakabahan kong sagot.

"Kuya mo?"bulong ni Ivy habang nagmamaneho.

Tumango lang ako bilang sagot kaya hindi na ito nagtanong pa.

["Did you know what time is it?!"]galit na sabi niya.

"S–sorry.."kinakabahan ko pa ding sabi.

I heard him sighed before he spoke ["We'll talk later. Take care."] He said, calmly.. before he ended the call.

Nang maibaba ko ang cellphone ko ay muling nagsalita si Ivy.

"Hindi ka nagpaalam?"tanong niya nang hindi lumilingon sa akin.

"How can I asked them for permission when they always busy, right?"mahinang sabi ko.

"Yeah right, but still you should've asked them for that.."

Here she come again..

"I don't want to disturb them, okay?"I said and she just sighed.

Pagdating namin ay sinamahan pa ako ni Ivy hanggang sa loob ng bahay namin at pagdating namin sa living room ay doon namin nakita si Kuya Dem na hindi mapakaling palakad-lakad na tila ba may hinihintay..

Nang lumingon siya sa gawi namin ay mabilis siyang lumapit sa akin at nagulat nalang ako ng bigla niya akong yakapin.

I thought he's mad at me..

"Oh my god you smell stink!!"malakas niyang sabi tsaka mabilis na lumayo sa akin.

"But—"hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang magsalita ulit siya.

"Saan ka ba galing huh? Bakit ganyan yang amoy mo? Kanina pa kita hinahanap, hindi ka din sumasagot sa mga tawag ko. Alam mo bang kanina pa ako nag-aalala sayo huh?"Sunod-sunod niyang sabi na ikinagulat ko dahil kanina lang ay sinigawan niya ako sa cellphone tapos ngayon ay parang hindi siya mapakali kahit na nasa harapan niya na ako.

He look so worried..

I'm sorry Kuya.

"S–sorry"Tanging nasabi ko lang tsaka yumuko pero may bigla nalang tumikhim mula sa likuran ko kaya naagaw nun ang atensyon ng kapatid ko kaya napatingin din ako sa kung sino yun.

"Uhm–excuse me, kuya Dem can we talk?"Tanong ni Ivy.

Si Ivy lang pala..

"Why would I?"masungit na sagot ni Kuya Dem kay Ivy tsaka ito humalukipkip.

Attitude.

"Because it's important so please stop being so stubborn.."sabi naman ni Ivy sakanya.

Wow, what a brave girl..

"What if I don't want to?.."tanong pa niya, mukhang inaasar si Ivy.

Childish.

"Of course you would it's all about Neya.."mabilis na sagot ni Ivy kaya napakunot-noo na lang ako habang iniisip kung ano ang tungkol sa akin.

He sighed and said before "Okay, fine." walked towards me then tapped my shoulder  "you should take a bath first before you sleep.." and then walked away with Ivy.

Anong pag-uusapan nila?

Umakyat na ako sa kwarto ko tsaka naligo pagkatapos ay natulog na din agad ako.

Sana bukas may oras na ulit sila sakin.

Kahit isang oras lang :)

Kinabukasan ay maaga akong nagising, ewan ko ba late naman akong natulog kagabi pero maaga pa rin akong nagising. Naghilamos lang ako pagkatapos ay dumiretso agad ako sa kusina para magtimpla ng choco milk. Papasok pa lang sana ako sa kusina nang marinig ko na nag-uusap sila Kuya Dem at Kuya Ash kaya napahinto agad ako, hindi ko intensyong marinig kung ano man ang pinag-uusapan nila actually gustong-gusto ko ng umalis para hayaan silang mag-usap pero nang marinig ko ang pangalan ko ay mas lalo ko itong ikinatigil dahil alam kong tungkol sa akin ang pinag-uusapan nila.

"We need a schedule to spend time with Neya.."Saad ni Kuya Dem.

"Schedule?"Tanong naman ni Kuya Ash.

"Yeah, napansin ko kasing madalas na siyang wala dito sa bahay tapos kahapon ginabi na din siyang umuwi.."sagot ni Kuya Dem.

"So, paano yung schedule?"Tanong naman ni kuya Ash.

"Di'ba magkatapat lang yung University na pinapasukan niyo?"Tanong ni Kuya Dem.

"Yeah, why?"

"Ganito sasamahan mo siyang kumain tuwing lunch break at ihahatid-sundo mo din siya.."

"So you mean sasamahan ko siyang mag-lunch tapos ihahatid-sundo ko siya para magkaroon kami ng bond?"

"Uh huh, then tuwing weekend I'll clear all my schedule para samahan kayong dalawa.."

"You mean mag-b'bond tayo tuwing weekend?"

"Yup."

"That's exciting.."

Exciting.

But no, don't expect Neya plano pa lang yan kaya wag ka munang mag-expect na tutuparin nila yan.

Wala naman sigurong masama kung magmatigas din ako paminsan minsan, hindi nila ako masisisi kasi palagi nalang akong nag-siseek ng atensyon nila, hindi pagiging papansin ang paghingi ng atensyon o oras kasi kulang ka sa pagmamahal ng magulang kaya may time na hahanapin mo nalang yun sa iba, pero yung iba ay ginagawa na lang itong biro like 'kulang kasi sa atensyon di kasi mahal ng mama niya' pero hindi nila alam na yung biro na yun ay nakakasakit na sa iba lalo na dun sa mga batang parehas na nagtatrabaho ang mga magulang.

Pero in my case parang sanayan nalang, kasi since bata ako nabuhay naman akong wala sila palagi sa tabi ko.

The Last RainfallWhere stories live. Discover now