Chapter 6:Good News

72 6 0
                                    

Robbie's P.O.V

Isang linggo pagkatapos ng pagtatagpo namin ng mga Mariano,Bumalik na ang dati kong lakas.Dumungaw ako sa Bintana naisip ko na ang aking mga sugat ay gumaling ngunit ang sugat sa aking puso ay narito pa rin. Ang aking puso ay nasugatan at nanghihina. sa tuwing ipinikit ko ang aking mga mata,Nakikita ko kung paano nila ako binugbog at Minaltrato.

Ang tanging bagay na naririnig ko lang ay ang aking pagmamakaawa at panaghoy,Nakikiusap na itigil nila ang pananakit sa akin.Humihiling sa diyos na sa Kalungkutan ako'y ilayo.Hindi ko maiwasan ang maluha dahil sa pangungulila sa mga mahal ko sa buhay Miss na miss ko na ang Lola ko, Kung paano niya ako alagaan. Namimiss ko rin si Angela, Ang oras na magkasama kami,Naglalaro At syempre ang tawa ng aking bunsong kapatid na sa tuwing naririnig ko ay nangingiti rin ako.Sobrang Miss na miss ko ang aking ina,ang kanyang pagkalinga,Ang kanyang mainit na yakap at ang kanyang payo sa akin.

I found my home in her arms.Tinanggap ako ng Mr and Mrs. Mariano nang Buong puso. Minahal nila ako sa kung Sino ako. Minahal at inalagaan nila ako bilang kanilang sariling anak. Nakatitig ako sa bintana nang sobrang tagal. Lumalakad si Mrs.Mariano patungo sa akin at tinapik niya ang balikat ko.

"Hoy, ok ka lang ba?" She Asked.

"Miss ko na po ang pamilya ko" sagot ko. Hinawakan niya ang braso ko at dinala niya ako sa sofa, Doon kami naupo at tinanong niya ako

"Ano ang nangyari sa iyo? Isang linggo ka na dito at wala pa kaming alam tungkol sa iyo. Sabihin mo sa akin ang lahat ng Pakikinig ko" sabi niya habang hawak niya ang aking mga kamay.Huminga ako ng malalim at sinabi sa kanya ang lahat.

"Galing po ako sa isang Pamilya na kilala sa larangan ng pagka pulis at Sundalo. Ang aking Lolo ay isang General,ang Aking ama ay isang Colonel at Ang Aking Tito ay isang Sundalo. Dahil sa karangalan ng pamilya, At bilang panganay na anak ng aking tatay, Inaasahan nila na maging katulad nila ako na Maging Sundalo. Ngunit may ibang hinahangad ang aking puso. Sa kabila ng pagkakaroon katangian ng isang Lalaki, lagi kong naramdaman na babae ako Mula pa noong bata pa ako. Iningatan ko ang aking tunay na kasarian mula sa aking Pamilya maliban sa aking Ina at pinsan kong si angela sapagkat tinanggap nila ako kung sino ako. Ngunit Hindi mo maitatago ang isang Lihim Habang buhay.Nabuhay ako sa takot na baka kapag nalaman ng aking lolo ang tungkol sa aking tunay kasarian, Hindi niya ako matanggap.Dumating ang araw na kinakatakutan ko.Nalaman ni Lolo ang tungkol sa akin. Binugbog nila ako sila ni Papa at Tito at Tinapon nila ako na parang isang basura.Naging Pulubi ako,Hanggang sa Kinupkop ako ni Aling beth.Noon,akala ko iba siya ngunit katulad din siya ng aking Lolo. Sinaktan At Hinamak niya aking aking pagkatao.Tinuring niya rin ako na parang basura kaya naman naisip ko Lumayas.Naglakad ako ng naglakad hanggang sa dinala ako ng paa patungo sa inyo. "

Nakita kong tumulo ang Luha niya mula sa kanyang mga mata. Niyakap niya ako at sinabi niya

"Huwag kang mag-alala, Hindi kami perpektong mga magulang ngunit gagawin namin ang lahat upang Punan ang pagkukulang ng Mga Lolo mo. Hindi ka namin ituturing na parang isang basura Mamahalin  ka namin bilang Tao.ako muna ang magiging ina mo. Wala kaming anak dahil aking defective Uterus sobrang gusto kong magkaroon ng sariling anak, At ngayon na binigyan ako ng diyos ng isang pagkakataon na maging isang ina, gagawin ko ang lahat upang mapasaya kita "

Ngumiti ako sa kanya,Natuwa ako dahil sa kanyang sinabi kaya naman niyakap ko siya.Hindi ko inaakala na Ganto pala ang pakiramdam ng minamahal at tinatanggap ng ibang tao.Pinaramdam sa'kin ni Mrs.Mariano ang Pagmamahal ni mama sakin noon.

"Salamat po,Mommy." sabi ko sa kanya

tinignan niya ako sa mata,Nginitian niya ako habang naluluha siya sa Saya.pinikit niya ang mga mata niya at sinabing

The Journey of a TranswomanWhere stories live. Discover now