Chapter 9: The Handsome Transferee

84 4 0
                                    

Third Person P.O.V

(School year 2015)

Pagdating nila Phoebe at Robbie sa Huling taon nila sa Junior High School,Dumating ang Lalaking Babago sa Takbo ng buhay nilang dalawa.Ang lalaking Hahahangaan ng Maraming kababaihan sa Kanilang paaralan.Sadyang Nakabibighani ang kanyang Taglay na Kakisigan.Sa mga mata niyang mapang akit ikaw ay mahuhulog.Sa Kanyang mga labi na Pangarap ng Marami.Ang lalaking Walang kasing Kisig,Ang Nakatatandang kapatid ni Joseph.

Robbie's P.O.V

Dumating ang Unang Araw ng School.Hindi na ako nagpahatid kay Mang Rudy dahil Dumaan ako sa Isang School Supply Store.Kaunti na lamang ay malelate na ako.Nag usap kami ni Phoebe na Magkikita kami sa tapat ng gate.Kailangan kong magmadali papuntang school kasi for sure naghihintay na si Phoebe sa'kin Baka naman magtampo yun kasi pinaghintay ko siya ng Matagal.Malayo palang,Natatanaw ko na siya sa na nakatayo sa Gate habang kumakaway sa akin.

"Tara na,Phoebe pasok na Tayo." Pagmamadali kong Sinabi sa kanya

"Wait lang,May hinihintay pa ako" sabi ni Phoebe habang tumitingin sa labas ng Gate animoy mayroon siyang Hinihintay.

"Huh?Sino?"

"OMG! hindi mo alam?"

"Ang Alin?"

"Ngayon kasi darating yung kapatid ni Joseph from States.Nagtransfer siya dito sa Academy dahil sa Influence ni Jaypee at Joseph na dito ituloy ang pag aaral niya. Nako Bakla! Crush na Crush ko yung Kuya niya kasi He's a Social Media darling"

"Diyos ko yun lang pala,Tara na Nagsasayang lang tayo ng oras eh. We're gonna be late sa First daw of School."

"Hay nako,Robbie! kahit kailan talaga Kill-Joy ka! dali na sandali nalang naman ehh tsaka For sure sa Oras na Pumasok siya diyan sa Gate,Ako kaagad mapapansin niya sa Ganda ko ba namang 'to"

"Ano ba kasi name ng Kapatid ni joseph?"

"Bakit?Bet mo rin ba?" Pataray na sinabi ni Phoebe.

"How can I like someone na Hindi ko pa nga nakikita?"Tugon ko naman sa kanya.

"Good,kasi walang pwedeng umangkin sa kanya,Ako lang.Sasakalin ko talaga kung sino mang Umagaw sa kanya.He is Mine Alone and Besides No one sa Campus na'to ang lalamang pagdating sa kagandahan ko"
Ilang sandali ang Lumipas.May Sasakyan na Huminto sa tapat ng Gate nang School.Bumaba dito ang Isang Lalaki kasama si Joseph.Narinig kong sumigaw ang Grupo ng mga babae nasa Limang Miyembro sila.

"Girls! andito na Siya!!!!!!!" Biglang naghiyawan ang Grupo at dali daling Tumakbo papunta sa Gate.Dahil sa kanilang Pagmamadali,Nabangga nila kaming dalawa ni Phoebe.Nahulog ang dala kong mga Libro gayun din kay Phoebe...Nagsalubong ang mga kilay niya matapos kaming mabangga ng mga Babae

"Aray! Ang Lalandi naman kasi nitong mga to eh!" Galit na sinabi ni Phoebe sa Kanila bago ko siya tulungan na Pulutin ang aming Mga libro sa Malamig na Sahig.

"Hapit kayo sa Lalaki?" Pahabol niyang Insulto.Natahimik at nawalan ng Imik ang mga Babae.

"Pasensya na kayo ahh" Dispensa ko sa kanila.Tumango na lamang sila sa akin.

Pagbaba ng Lalaki na iyon,Biglang Huminto ang Piligid ko ng Makita ko ang Lalaking hinahangaan nila.Matangkad at Medyo payat ang kanyang pangangatawan.Maputi siya at Maganda ang kanyang Itsura,Matangos ang Ang Ilong at ang Mata niya ay Sadyang Mapungay.Kayumanggi ang kulay ng kanyang mga Mata.Para bang Tinaglay na niya ang Lahat ng Katangiang aking Hinahanap.Natulala ako sa Taglay niyang kagwapuhan at Kakisigan.Ramdam ko na tumigil sa Pag ikot ang Mundo,At para bang kami lang ang tao sa Pagkakataon na Iyon.Kahit ang kanyang paglalakad ay sadyang nakakamangha.Nang makalapit na ito sa Gate,Agad tinulak ni Phoebe ang Isang Babae na malapit sa kanya at Tumayo siya papunta sa Harapan niya.

The Journey of a TranswomanWhere stories live. Discover now