Chapter 31: Robbie's Most Awaited Transformation

75 3 0
                                    

Robbie's P.O.V

Gabi bago kami pumunta sa Clinic ni Mr.Asuncion,Nananigip ako ng Isang Kulay Bahagharing Paro Paro.Sobrang tingkad ng Kulay ng Pakpak niya.Nakatayo ako nang Dumapo ito sa Balikat ko,Bigla naman siyang Naging Isang Babaeng,Nakaharap sa'kin ngunit malabo ang Itsura ng Kanyang Mukha.Kinausap niya ako at Binilin niya sa'kin na Hindi daw matatapos ang Pagsubok sa Buhay ko kahit maging babae ako pero mas Magiging matapang at Matatag daw ako sa pagharap ko sa mga naghihintay na Hamon ng Buhay sa'kin.It was the strangest dream I've ever had.Kinabukasan,Dumating na Ang Session ko kay Mr.Asuncion.Napapalibutan ang kanyang opisina ng mga Palamuti at Plorera.Pagpasok pa lamang ay Binati na niya kami.

"Good Morning,Robbie.Have a Sit,Please" sabi niya habang nakaupo siya sa kanyang Mesa.Nakita ko kaagad na nakatingin siya sa mga palad ko na Kinukuskos ko sa Isa't isa.

"How are you?" Tanong niya

"I'm fine po"

"Mr and Mrs.Mariano,I'm going to need a Private time with Robbie."

Hinimas ni Mommy likuran ko bago sila tumalikod at lumabas sa Opisina.

"Humiga ka dito sa Sofa and tell me everything you feel."

Nahiga ako sa kulay itim na Sofa sa Tabi ng pintuan.Katabi nito ang isang stante na Puro Libro at Palamuti ang nakapaligid.Nakatingin ako sa Taas habang Nagsasalaysay.

"Doc,Bata pa lang po ako,Alam ko na parang may Mali sa Katawan ko.Hindi  ko po maintindihan noon kung bakit ako nasa katawan ng lalaki ngayong babae ako sa aking puso at Isip.Aaminin ko po,Hindi naging madali ang buhay ko dahil sa Gender Identity ko.Alam ko na Babae ako pero Tinatawanan lang ako ng Ibang tao dahil sa Tingin ko sa Sarili ko...Dahil rin Hindi angkop ang aking kilos sa dapat makita ng kanilang mga mata.Noong bata rin po ako Mas Gusto ko yung Laruan ng Pinsan kong babae kesa sa mga baril barilan na Binibili ng Lolo ko in fact,Kung Hindi pa po sinabi sa'kin ni Mama na Lalaki ako iisipin ko talaga na Babae ako.Minsan naman po nagbebestida ako noong bata ako.Gusto po ng Papa at Lolo ko na Magsundalo ako,Pero Babae ang Puso ko.Sinusubukan ko pong ipakita sa mga tao na Hindi ako BAKLA LANG,na May Silbi ako sa Mundo pero wala po,Hindi po nila ako nirerespeto.Ang tingin nila sa'kin basura dahil sa Bakla ako.Kung tutuusin nga po Ayaw ko na tinatawag akong bakla kasi Alam ko na Babae ako.Bakit ko po ba nararamdaman na Babae ako? Baliw po ba ako?May Mali po ba sa'kin?."
Tumingin ako sa kanya.Nakita ko na nakatingin sa'kin si Doc.

"Robbie....You're not sick. You're not Crazy. You're experiencing Gender Dysphoria."

"Po?Ano pong Ibig sabihin noon?" Nagtatakang tanong ko dahil ito ang Unang beses na narinig ko ang Salitang iyan and I have no Idea what does it mean.

"Gender Dysphoria means that your Gender Identity Doesn't Correspond with the Sex you are assigned at Birth. It's a Discomfort feeling not just to Gays may mga Lesbians din na nakakaranas nito Vice versa.Babae ka sa Puso at Isip at Tama lang na sundin mo ang Tinitibok ng Puso mo.Kung ramdam mo sa sarili mo na Babae ka,Go! Identify yourself as a She.Never let other people's Ignorance Control you."

"Doc,Alam ko po sa Sarili ko na Babae ako And I can't Wait to See the Woman That I am.Maraming Kumutya at Lumait sa'kin pero ngayon na Magiging Normal na ako,Sigurado ako na Mamahalin na rin nila ako.Doc,Mahal na Mahal ko amg Sarili ko kaya ko ginagawa ito Dahil ayaw ko na Malunod sa Kalungkutan at Kasinungalingan na Masaya ako sa Katawang ito."

"Malapit ka nang maging Malaya.Mayayakap mo na ang Totoo mong Pagkatao.Wag mong intindihin ang sasabihin ng Ibang tao dahil Hindi mo kasalanan kung bakit ganon ang Prinsipyo nila sa Buhay.There's Nothing wrong with just being yourself dahil sa Buhay,We nees to stay true to Ourselves." Payo niya sa'kin

The Journey of a TranswomanOnde as histórias ganham vida. Descobre agora