CHAPTER 37

832 31 5
                                    


JACOB P.O.V

Ng maka alis na ang mga kasamahan ni Hell ay napalingon ito sa gawi ko

"Anong sasabihin mo?"

Tanong nito sakin hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin to alam kung masasaktan lang siya pero sa huli ay malalaman at malalaman niya iyon hindi ko parin iyon matatago lalo na ngayong ayaw ako paniwalaan ni Aze na may kinalaman si Joana sa nangyari kay Hell,
Nitong mga nakaraang linggo ay parang maayos na naman ang buhay ni Aze kasama si Joana nakakatawa na siya hindi ko alam pero may kutob akong nakalimutan na ni Aze kahit papaano ang lahat sa isang iglap lang ay baka nga tuluyan ng mahulog ang loob nito sa babae

"Hindi ako pinaniniwalaan ni Aze"

Ang ngiting kanina lang ay naka ukit sa mukha ng babae ay napawi ng sabihin ko ang totoo

FLASHBACKS

"Aze maniwala ka si Joana may alam siya-"

"Pwede ba Jacob hindi magagawa ni Joana iyon ok"

Putol nito sa sasabihin ko

"Pero paano na si Hell-"

Dugtong ko pa pero pinutol niya lang muli iyon

"Shut up, Hell is Dead she's already dead"

Usal niya sakin puno ng galit at lungkot ang mga mata niya ngayon pero hindi parin iyon mapapawi kapag tumatawa siya kapag kasama niya si Hell

"Yeah your right, She's dead at si Joana ang pumatay kay hell"

Usal ko pero napasapo ako ng mukha ng mabilisang suntukin ako ni Aze

"Hindi Jacob kahit anong gawin natin hindi natin matunton ang may gawa"

Napailing ako dito siguro nga ay tuluyan na siyang nakalimot dahil kahit ngayon ay nawawalan na siya ng pag asa na malaman ang may kasalanan

"Nagkakamali ka-"

Usal ko dito pero tulad ng dati ay pinutol niya nanaman iyon

"Tumigil kana Jacob kahit anong sabihin mo hindi na ako maniniwala pa,
Nagsisimula na akong makalimot kasama si Joana, Ikakasal na kami kaya tumigil kana-"

Nanlalaking mata akong napatitig dito kaya pala ikakasal na sila pero paano na si Hell alam kung masasaktan si Hell

"Anong sabi mo? Ikakasal kana?"

Paninigurado ko dito pero tumango lang siya sakin at umiwas ng tingin

"Oo ikakasal na ako ikakasal na kami ni Joana kaya tigilan mo na ako Jacob"

Usal niya bago umalis ay may binitawan pa akong salita na ikinabaliwala niya

"Pagsisisihan mo Aze balang araw malalaman mo rin ang boung katotohanan"

END OF FLASHBACKS

Dahil sa sinabi ko ay parang hindi maka imik si Hell sabi ko na nga ba,
Baka nga masasaktan lang siya ide sana hindi ko na iyon sinabi ng biglang

"Sino ka para paiyakin si Hell!"

Sigaw sakin ng lalaki kaninang kasama ni Hell at inambahan ako ng suntok ng mabilis iyong pinatid ni Hell ang kamay niya at humagulgol dito

"Shhh Don't cry again babe"

Pagpapatahan ng lalaki pero ang ikinabigla ko ay ang pagtawag niya ng babe kay Hell

"Let me get you out here Hell"

Usal niya at inalalayan sana si Hell ng bigla itong nahimatay pero hindi nag alala ang lalaki bagkus ay binuhat niya lang ito patungong kwarto nito na puro itim ni ilaw ay wala,
Sinundan ko lang sila at doon ko nakita ang kwarto ni Hell punong puno ito ng mga baril at dukumento at mga larawan na nakasabit sa dingding kung saan naroroon ang mga taong may kinalaman sa lahat ng nangyari

"Bakit hindi niyo siya dalhin sa hospital?"

Alalang usal ko sa lalaki pero sinamaan lang ako nito ng tingin at hinalikan sa noo si Hell at may pulang likidong itinurok kay hell

"What's that?"

Usal ko dito pero di na ako pinansin

"Lets talk"

Malamig na usal niya at naunang maglakad palabas patungong pinto na itim

_______

"Bakit ka nandito? "

Aba kung makatanong tung lalaking to

"Hindi mo na dapat pang malaman"

Usal ko dito na ikina inis niya

"Kung ano man ang sinabi mo kay Hell paniguradong masasaktan nanaman siya"

Usal niya na ikinalingon ko teka masasaktan? Ayy oo pala ang tanga ko naman mahal pala ni Hell at Aze ang isat isa pero

Di ko na natapos ang pagiisip ng matuon ang atensyon sa sunod niyang sinabi

"Ang gamot na yon ay gamot niya tuwing nahihimatay siya, dalawa lang ang pwedeng maging dahilan nasusubrahan na siya sa galit o nanghihina na ang mata niya"

Nakakunot noong napatingin ako dito

"Alam ko na kung sino ka, ikaw ang dati niyang kaibigan sa isang organisasyon"

Dugtong pa nito at doon ko nakita ang tattoo niya sa gilid ng taenga niya magkaparehong magkapareho ng sa amin

"Bakit kailangan pang-?"

Di ko na natapos ang sasabihin ko nanaman? Ano ba ako dito? Palagi nalang pinuputol ang sasabihin ko naiinis na ako a

"Kamusta na siya dwayne?"

Tanong ng isang ginang na mukhang doctor at may katandaan na rin ito parang magkamukha sila ni Hell pero hindi ko na iyon pinansin,
So Dwayne pala ang pangalan ng lalaking to? Pero bakit? May relasyon ba sila ni Hell?

"Wala parin pong malay tita"

Lungkot na usal ni dwayne daw sa ginang na may katandaan

"Nako sinasabi ko na nga bang dalhin niya ang venum na ginawa ko"

Usal ng ginang at sumunod nalang kami kay dwayne ng magsimula itong maglakad pabalik sa kwarto na kinaroroonan ni Hell

Naghanda na siya ng gagamitin niya at may kinuhang pulang likido sa lagayan at itinurok iyon kay Hell hinintay lang namin ang ilang minuto at naimulat na rin ni Hell ang Mata

"Anak Hell ok ka lang ba?"

Tanong ng ginang dito pero teka Anak? Ako na talaga masisiraan ng ulo dahil sa dami ng paulit ulit na katanungang umiikot sa utak ko tas

"Mommy? Bat ka nandito?"

"Anak alam mo namang nag aalala rin ako sayo hindi ba?"

Sagot ng ginang dito na ikina tahimik ni Hell

"pero mommy? -"

Tanong ni Hell dito pero umiling lang ang ginang at hinalikan ito sa noo

"Sinasabi ko na nga bang mangyayari ito"

Alalang usal ng ginang ako naman ay nagugulahan kaya lumabas muna ako at nag paalam na kay hell na may gagawin at pupuntahan pa ako na agad niyang ikinatango ngayon mas lalo na yata akong mababaliw ang dami ko ng tanong na nabubuo sa isip

"Kung magpapakasal si Aze kay Joana? Bakit teka ayaw ko na nga mag isip"

Usal ko at ibinagsak ang katawan sa kama masyado na yatang komplikado ang lahat ang tanong ko lang ay kung mahal pa ba nila ang isat isa kung may kanya kanya ng sumusuporta sa kanila mas lalo lang akong mababaliw kakaisip nito ipinikit ko nalang ang  mga mata ko ng makaramdam na ako ng antok.

Itutuloy~

A MAFIA QUEEN REVENGE (COMPLETED) On viuen les histories. Descobreix ara