CHAPTER 41

837 30 0
                                    

HELL P.O.V

Halos binagyuhan na ang kwarto ko dahil sa mga pinag gagawa ko ngunit hindi ko parin mahanap ang kwintas ko hinding pwede o makita ng iba yun lalo na ang mga Mafia's dahil ang laman nun ay ang isang napaka importanteng files na pinag aagawan ng lahat simula pag kabata ay nasa akin na iyon hindi ko alam kung bakit pero ni sila dad at mom ay gustong kunin sa akin iyon pero sinabi ko nalang na naiwala ko noon pero ngayon nauunawaan ko na kung ano ang meron sa loob noon isang files na matagal ng hinahanap ng bawat Mafia's ibinigay saakin iyon noon ni Tito Albert

"Nakita niyo na ba?"

Tanong ko sa kanila pati ang mga maid ko ay nakisali na rin sa pag hahanap paano kapag naiwala ko nga iyon hindi lang mga dukumento ang laman noon pati ang isang bank account ay naroon at sa tingin ko ay isa iyong susi sa lahat ng katanungan ko pero ngayon mukhang hindi at mahihirapan na ako sa pag tuklas ng katotohanan

"Hindi maaring mawala yun napaka importante nun"

Nausal ko sa sarili at napatutop ng mukha bakit ngayon pa nawala? Bakit kailangang ngayon pa? Hindi maari malalaman ko na malapit na

_______

"Siguro makikita mo rin iyon wag mo nalang muna iyon isipin"

Usal sakin ni dwayne at iniabot sakin ang isang baso ng tubig na agad kung tinangap

"Malapit ko na malaman dwayne pero bakit ngayon pa nangyari, ngayon pa nawala"

Naiusal ko dito niyakap nalang ako nito kahit siya ay alam kung nag aalala rin,
Lahat ng plano ko ay alam niya kaya isang malaking pagkakamali kung mawala iyon

JACOB P.O.V

Nasa secret room kami ngayon kasama namin sila joshua, jonathan at liam si Aze wala ang sabi niya di siya makakasama kasi may lakad sila ni Jane kahit ano naman ang gawin ko di ko na sila mapipigilan pa kung pag ibig ang pag uusapan

"Naalala mo ba yung lalaking kasama ni Ms Devas?"

Tanong sa akin ni Joshua na ikina iling ko

"Parang may kakaiba sa kanya at ito oh"

Usal niya at ipinakita sa amin ang isang larawan na naka side view siya at makikita roon ang tattoo na mag kapareho pareho sa amin

"May napansin ka pa bang kakaiba?"

Tanong naman ni Liam dito habang ako tahimik lang sa gilid wala ako sa mood na makipag usap sa kanila tsaka alam ko naman lahat na niyan ang dapat ko lang ngayong gawin ay pigilan sila na malaman ang katotohanan na buhay pa si Hell makakasagabal lang sila sa bawat plano ni Hell

"Wala naman akong napapansing kakaiba pero sa kasama niyang babae oo"

Biglaang usal ni Jonathan na ikinatingin namin dito tinanggal niya muna ang lollipop sa bunganga bago mag salita

"Naalala mo nung pagkatapos ng pagpapakilala ng Ms Devas ba yun bigla silang nawala ng lalaki?"

Usal nito pero napakamot ng ulo si Joshua at mukhang may iniisip ng malalalim

"Hindi ba nagpaalam ako na mag cr?"

Tanong naman nito

"Oo pero bumalik ka naman kaagad hindi ba?"

Usal ni Joshua kay Jonathan kahit kambal sila ay mas higit na matalino si Jonathan sa bagay bagay kahit napaka childish niya

"May nakasalubong kasi akong babae bago ako umalis sa restroom ei pero hindi ko naman siya nakikita sa party"

Naguguluhang usal ni Jonathan na nag palalim ng iniisip ng mga ito tumayo nalang ako doon at lumabas papuntang deans office may gusto lang akong kausapin.

A MAFIA QUEEN REVENGE (COMPLETED) Where stories live. Discover now