CHAPTER 38

837 36 0
                                    

AZE P.O.V

Hindi parin mawala sa isip ko ang alitan namin ni Jacob kanina wala na akong magagawa napuno na ng galit at lungkot ang puso ko at sinisiraan pa nila sakin si Joana,
Alam kung hindi magagawa iyon ni Joana dahil mag kaibigan at halos mag kapatid na ang turingan nila sa isa't isa nandito ako ngayon sa bar magpapalipas muna ako ng oras dito ng magsawa ay paalis na sana ako ng may tatlong lalaki akong nakita na hinahawakan ang isang babae lalapitan ko na sana ng may naka una sa akin isa ring lalaki hindi ko alam bakit parang nagka interes akong manood muna ng biglang pagsasapakin ng lalaki ang tatlo at pag dating ng isang nakamaskara na lalaki masyado na yatang marami akong nainom may sinabi ang lalaki naka maskara pero di ko na iyon narinig pa ng mawalan ako ng malay napadami na talaga ang inom ko

_______

Kinabukasan naimulat ko nalang ang mata ko ng mapansin kung hindi ko iyon kwarto ay mabilis akong tumayo at sinapo ang ulo ng kumirot ito

"May Hangover kapa babe"

Napalingon naman ako sa nagsalita si Joana na kakapasok lang may mga dalang pagkain at gamot

"Ito inomin mo muna para mawala na"

Abot niya sakin ng isang gamot na tinangap ko rin kalaunan nag iba na pala ang kwarto niya noon madaming mga larawan ang nakasabit sa bawat sulok nito mga larawan nilang mag kasama ni Hell

"Asan na pala ang mga Larawan dito dati?"

Biglaang tanong ko dito na ikinatigil niya

"Uhm pin-a alis ko na kay daddy kasi alam mo na? Malulungkot lang ako kapag patuloy kung inaalala"

Usal nito na ikinatango ko kahit ako naman ay nasisimulan ko ng makalimot ng nakaraan kasama siya kung hindi ko iyon gagawin maiiwanan ako ng panahon at mabubuhay habang buhay ng malungkot

'Bakit mo pa ba tinatanong Aze? Ako na ang nandito patay na si Hell at sisiguraduhin kung hindi na siya mabubuhay pa isa nalang siyang parang bula para sa atin dahil wala na siya patay na siya'

Galit na usal ni Joana sa sarili pero ang binata ay nagsimula ng kumai

"Ahm nakita ka pala namin ni Daddy kagabi"

Usal nito sakin ni Joana napatango nalang ako at ngumiti dito

"Salamat"

Usal ko dito at uminom ng tubig

"Bakit ka ba kasi nag iinom ka nanaman?"

Tanong nito sakin na ikinalingon ko dito

"Ah wala babe nag away kasi kami ni Jacob kagabi tungkol kay Hell"

Usal ko dito na ikina lingon niya sa ibang direksyon at di na nag tanong pa

______

"Tito salamat nga pala, aalis na po ako"

Usal ko sa ama ni Joana at humalik naman sakin si Joana na tinugon ko

"Babe mag iingat ka"

Paalala nito tumango nalang ako rito at pinaharurot na ang kotse patungong mansyon

Pipikit na sana ang mga mata ko ng mag ring ang telepono ko sinagot ko nalang ito si Joshua lang pala

"What?"

Nababagot na usal ko dito

[hey king pupunta ka ba bukas?]

Bungad sakin nito saan naman kaya pupunta?

"Where?"

Tanong ko pero narinig ko lang ang pag ngisi niya

"Sa pagpapakilala nila tito Xander sa bagong magmamay ari ng akademya"

Napatayo naman ako dahil sa narinig ang alam ko hinding hindi maibibinta kahit kanino ang akademya dahil ikakagalit ito ni Hell paanong nagawa iyon ng magulang niya?

[Pupunta ka ba? Lahat yata ng mga ambassador bukas nandoon at mga Mafia's at Gangsters]

Paniguradong nandoon ang lahat bukas pati na ang bagong kinikilalang mafia Lord Empress ay nandoon rin,
Hindi ko pa kilala kung sino at wala akong balak kilalanin pa siya nagsasayang lang ako ng oras sa mga ganyan

"Im not coming Jacob and I are not ok right now"

Usal ko dito at tsaka mag mamasid nalang ako sa karagatan bukas wala akong balak dumalo pero kapag nag iba ang takbo ng utak ko pupunta ako,
Pinatay ko nalang ang tawag narinig niya naman na hindi ako makakapunta kaya hindi ko na pinatagal pa ang usapan

HELL P.O.V

Hanggang ngayon ay naguguluhan parin ako masaya ako at napasakin na muli ang akademya pero ang ikinapagtataka ko bakit sa isang iglap lang ay ibibinta ng magulang ko ang akademya? Nangako sila noon na kahit anong mangyari walang gagalaw sa akademya at mananatiling nasa kamay ng Montenegro pero ngayon nagawa nilang ibinta ito sa hindi pa nila nakikilalang tao,
Kung sakali bang hindi ako ang umalok ng napakalaking pera ay ibibinta nila ito sa iba? Alam kung maraming taong mayayaman ang gusto mapasakamay ang akademya dahil na rin sa isang napaka special na okasyon dito tuwing ganap na 11 ng Abril kung saan lahat ng mga Mafia's ay nagtitipon tipon para makilala ang bagong Mafia's Lord,
Ang Mafia's Lord ay ngayon ay pinamumunoon ko dahil narin sa taas ng rank na nakukuha at maraming Mafia's ang napatumba at napababa sa pwesto

"Ok ka lang ba ba?"

Tanong sakin ni Siexyll kahit siya ngayon ay masyadong nakatutok sa Computer dahil pinapahanap ko ngayon ang mga Gil

"Hmm? Im ok dwayne is always there for me"

Nausal ko lahat ng lungkot hirap na dinanas ko si Dwayne ang kasama ko simula ng mapadpad ako sa europe at makilala ko sila ngayon sila naman ang kusang tumutulong sakin sa paghahanap sa mga taong dapat kung pag higantihan

"Masyadong secured ang bawat Cctv na nasa loob ng akademya"

Usal ni Tricia na kakasulpot palang at may kubli kubling mga chocolates sa damit,
Hindi nga nila malalaman kung sino man ang sumubok na lungkatin ang CCTV ay walang makakagawa nun dahil ang Robot ko sa Underground ang patuloy na nag aasikaso ng mga hacker masyadong na Secured ko ang Akademya kaya hindi nila malalaman ni Isang impormasyon ay wala silang makukuha

"Wag niyo nalang problemahin iyon ako na ang bahala"

Usal ko sa kanila baka mags labasan pa mga utak nito kakaisip kung sino ang nag dedeactivate ng account nila sa pag hahack

"Teka emp ok lang kahit di na namin i hack ang bawat CCTV ng campus?"

Tanong sakin ni Tricia tumango nalang ako sa mga ito at pumasok sa kwarto ni Dwayne na mahimbing na natutulog,
Sinuklay ko ang di gaanong ka kulot na buhok nito at tinitigan

'Bakit ko ba kailangan pa na mag panggap na hindi kita mahal Dwayne? Napakasama ko na ba para kalimutang may taong naghihintay sakin pero sinubukan ko na Dwayne na hindi ka mahalin pero di ko rin naman nagawa'

Usal ko sa sarili tatayo na sana ako ng mabilisan niyang inikot ang kamay sa beywang ko at ibinagsak pahiga sa kama niya

"Don't go, Continue scrubbing my hair"

Usal niya ng nakapikit ang mga mata kilala kung tao ito ayaw na ayaw niya na hawakan ang buhok niya pero sakin parang tangang pinapayagan lang ako,
Isinuksok nito ang ulo sa leeg ko habang nakayakap sakin sinuklay ko nalang ang buhok nito gamit ang mga daliri ko at pinaglalaruan iyon

"I love you Hell"

Napatigil ako sa pagsuklay dito dahil sa sinabi niya hindi parin niya iminumulat ang mga mata habang sinambit ito napatahimik nalang ako at ipinagpatuloy ang ginagawa sa buhok niya,
Sana nga pwede Dwayne pero paano na si Aze kung sakaling babalik siya mas lalong gugulo lang ang lahat.

Itutuloy~

A MAFIA QUEEN REVENGE (COMPLETED) Where stories live. Discover now