CHAPTER 3

8 1 0
                                    

Mrs. Sandoval pov (ariam and maria's mom)

"AAAGGHHHHHHHHGHHHHH!!!!!",tinakpan ko ang tenga dahil sa lakas ng sigaw ni ariam na nagmumula sa kwarto ni maria
"AHHHHHHHGG H-HAYOP!! HAYOP!!!!",

"H-hon ang anak n-natin",humihikbi ito at tulala lang, si lolo ay bumalik sa kanyang kwarto

Nangibabaw ang guilt sa akin dahil alam kong isa ako sa dahilan kung bakit nagawa ni maria na magpakamatay, mahal ko ang anak ko, nasasaktan ako dahil umuuwi syang laging may galos at sugat pero ni hindi ko sya natanong kung ayus lang kung sino ba ang may gawa noon, ni hindi ko napakitaan ng pagmamahal, tama si ariam kelan nga ba namin pinakita na mahal namin ang kapatid nya

FLASHBACK

"M-mom m-maniwala ka sakin h-hindi ako yon",hagulgol ni maria habang nakaluhod sa harap ko

"Maraming nakakita sa ginawa mo at itinatanggi mo pa?",sigaw ko at sinampal ito ng malakas dahilan para lumakas ang hagulgol nito
"Bakit ba hindi ka tumatanda sa sinasabi sayo? Puro gulo at puro kahihiyan ang ibinibigay mo sa pamilyang ito!",

"M-mommy",

"Wag mo kong matawag tawag na mommy WALA AKONG ANAK NA INUTIL!!!",galit na galit na sigaw ko, yumuko ito at umiyak habang ang asawa ko ay tahimik at nagbabasa ng dyaryo

"Mom!!!",tinig ng isa kong anak, kambal ang dalawa si ariam nagpapasalamat ako dahil dumating ito ng maayos yayakapin ko ito ng umiwas sakin

"What's wrong?",takang tanong ko, walang emosyon ang muka nitong nakatingin sa kapatid nya bago tumingin sakin

"Wala syang kasalanan don",

"Pwede ba ariam wag mo ng pagtakpan ang kalokohan ng kapatid mo",mahinahong sabi ko pero kumunot ang noo nito

"Why you always not believing my sister explanation?",iritadong tanong nya

"Ariam",saway ng asawa ko

"What? Im telling the truth! Dad she doesn't do anything wrong! Im the one who did it! Okay? Hiniram ko ang ID nya at ginaya ang buhok nya",walang takot na salita ni ariam hindi kami nakaimik at lumingon kay maria na umiiyak, napansin ko ang pagkakaiba ng ID na suot ni maria at napagtanto kong kay ariam ang ID na yon, habang ang suot ni ariam ay ang ID ni maria
"So? Naniniwala na kayo? Nakarating sakin ang ginawa ng mga yon sa kapatid ko that's why i bit them! They deserve it anyway",dumeretso ito ng lakad kay maria at itinayo bago hilahin papataas
"Magpapahinga na kami mom! Dad!",pahabol nyang sigaw

"She really deserve that position in org.",singit ni dad na nakangiti

"Hahahaha soon dad, ariam will be the highest rank in org.",sabat ng asawa ko

"Oh? Tulala ka dyan? Hindi ka ba makaimik sa anak mong si ariam? Hahahaha kaya kampante akong ginagawa nyo yan kay maria dahil alam kong hindi papayag si ariam na ipagpatuloy nyo yan",dagdag ni dad

"How i wish gumaya si maria sa kakambal nya", nakokonsensya man sa nagawa ko kay maria, ni hindi ko kayang kausapin ito, dahil hindi malapit ang loob namin sa isat isa hindi kagaya ni ariam na mabilis lang para sa akin na gawin yon kay ariam.

My twin sister died because of bullies (teaching the worst lesson for bullies)On viuen les histories. Descobreix ara