CHAPTER 12

7 2 0
                                    

Ariam pov

Habang palabas ako ng school ay nakakapagtaka na marami ang nasa entrance at animoy may inaantay na lumabas. Luminga linga ako pero wala ng ibang tao ron. Karamihan ay grupo ng lalaki pero may babae rin naman. Hindi ko na lang pinansin at dumeretso ng lakad, nahagip ng mata ko ang grupo nila marge na nakatingin mula dito sa aking gawi ngunit hindi na lang ako lumingon, at dumeretso sa sasakyan.

"Ommyyyyy ariam! Huhuhuh' wag ka muna umalis!",rinig ko sa likod, bumuntong hininga ako at umiling.

"Ariam! Baka naman pwede makadate sa ball?",sigaw ng lalaki

"G*go! Ako nauna masabi eh!",

"Ako na nagsabi!",

"T*ngina ka talaga!",

Sumakay na ako sa sasakyan at umalis para umuwi, habang nasa byahe. Ay walang ibang laman ang isip ko kung hindi ang kwintas. Pano kung pinatay nga ang kakambal ko? Sino ang gagawa non? Pano nila nagawa yon? Bakit nila nagawa yon? Maraming tanong sa isip ko na gustong gusto kong masagot.

'si marge ba ang pumatay sayo maria?',

Namuo ang luha sa aking mata. Kung si marge nga yon bakit niya ginawa yon? Panong nangyare na naging suicide ang case ng kapatid ko? Kung hindi si marge ang pumatay pwedeng siya ang nandon para tulungan ang kapatid ko, pero bakit hindi niya tinulungan? Dalawang bagay lang ang pwedeng maging motibo ni marge kung sakaling sa kanya ang kwintas na ito. Ang patayin ang kapatid ko. O ang matulungan ang kapatid ko pagkatapos niyang makitang magpapakamatay pero hindi niya tinulungan.

Hindi ko na napansin na nasa mansyon na pala ako kaya naman agad akong bumaba. At pumasok sa loob.

"Si mom?",

"Nandon po sila sa org. Kasama ang dad at lolo niyo",giit ng security na mula sa org. Napabuntong hininga na lang ako at umakyat.

"Hindi ka pa ba kakain ariam?",bungad ni manang

"Mamaya na ho! Aakyat muna ako",ani ko at umakyat.

Pumasok ako sa kwarto at agad na hinubad ang mga damit, nanatili akong nag-iisip ng mga bagay bagay na kinakabigat ng dibdib ko. Pumasok ako sa banyo at don ay binuksan ang shower,hinayan kong pumatak ang tubig sa aking ulo at umagos pababa sa aking katawan.

FLASHBACK

"Hahahahahahahahahha!! Ano ba!! Ariam! Tumigikk ahahahahah",halakhak ni maria habang binabasa ko siya ang tubig na nagmumula sa hos.

"Malamig ba? Masarap sa balat lalo na at mainit",

"Ano ka ba!? Malamig! Hahahahaha maglinis ka na ng sasakyan!! Wahhhhh!!!",sigaw nito, ng itutuk ko sa kanya ulit ang hos. Dahilan para tumakbo siya papalayo, kaya naman hinabol ko ito dala dala ang hos na nagwawaswas ng tubig.

"Maria!! Halika dito masarap ang tubig!", natatawang sigaw ko

"Ariam naman eh!!!",reklamo niya habang nagtatawa

END OF FLASHBACK

HINDI ko namalayan ang pagtulo ng mga luha ko dahil na rin sa umaagos na tubig sa aking muka. Naghalo halo ang tubig na nagmula sa shower at ang luha na nagmula sa aking mga mata.

Napagdesisyonan konh tapusin ang paliligo kaya naman nagmadali na akong magbanlaw at nang matapos ay lumabas, simpleng tshirt at pajama ang suot para sa pagtulog. At bumaba para kumain. Nang makababa ay saktuhan ba kararating lang ng sasakyan nila daddy at hindi ako nagkamali.

"Dad?",

"Ariam. Good evening. How's school?",

"Fine",

"Mukang may achieve kayo ngayon nakangiti kayo?", tanong ko kay mommy

"Of course! Nakumpiska namin ang drugs na nagkakahalaga ng mahigit tatlong milyon mula sa sindikato na hinuhuli namin",

"Talaga? Nahuli niyo ba ang grupo?",

"Hindi. Nakatakas ang iba pero ang pera at ang kanilang drugs ay nakuha namin kaya panigurado na naggagalaiti na sa galit kung sino man ang leader ng grupo na yon",

"Wag na yan ang pag-usapan natin kanina pa yan ang topic sa head quarters. Dun naman tayo sa ginagawa mo ariam", suhestyon ni lolo, habang naglalakad patungo sa dining at umupo.

"May nakuha akong necklace sa may crime scene kanina ng silipin ko",mahinang giit ko

"Necklace?",ulit ni dad

"Yeah. May nakalagay na M.S",

"And?",nagaabang na sagot ni mom at si lolo ay seryoso na nakikinig

"Nakilala ko ang isa sa nasa video, nakausap ko siya kanina. Marge suarez ang pangalan niya",

"And your point is?",

"Iniisip ko kung sa kanya ba yung kwintas na nakita ko o hindi. Dahil kung sa kanya yon may dalawang posibilidad kung bakit siya na ron sa crime scene", bumuntong hininga ako at tumigil sa pag-nguya
"Pwedeng nandon siya habang balak magpakamatay ng kapatid ko at hindi niya tinulungan O.... O kung pinatay niya ang kapatid ko",

"Hindi ka naniniwala na nagpakamatay si maria?", singit ni lolo

"Hindi kayang gawin ni maria yon",nanlabo ang mata ko ng makaramdam ng kirot, kirot lang yon pero sobrang sakit.
"H-hindi ako k-kayang iwan ni m-maria ng ganito, lolo. At alam niyo rin yon",tumulo ang luha ko at hinayaan ko yon habang kinukulikot ang kinakain

"Hindi sapat na ebidensya ang kwintas ariam",saad ni dad

"Alam ko. Kaya gagawa ako ng paraan para malaman ang katotohanan",

"Sa papaanong paraan?",

"Sisingilin ko sila sa lahat ng pananakit nila sa kapatid ko. Alam kong merong malambot sa kanila na aamin ng lahat dahil kung pinatay nga nila ang kapatid ko panigurado akong isusuko nila ang konsensya nila sa akin",

"Pano mo gagawin yon?",

"Ako ng bahala ron",saad ko

"Hayaan niyo siya",saad ni lolo
"Kung totoo ang sinasabi niya hayaan natin na siya ang kumilos alam kong alam niya ang kanyang ginagawa",dagdag nito

"Nakausap mo na ba yung tatlo?",

"Naisabi ko na kay lucas na kunin ang pagkakakilanlan nilang lahat",

"Lahat?", kunot noong tanong nito

"Mahigit na sa bente silang grupo, dad", napatingin silang tatlo sa akin at nagkatinginan pa

"Bente?",

"Ibig mong sabihin lahat ng nasa video? Mahigit nasa benteng tao?",

"Oo. Silang lahat ang nasa video lolo, silang bente",hindi ko na inantay ang kanilang sasabihin dahil sa naninikip ang dibdib ko, habang iniisip na sa dami nilang yon nagawa nilang saktan at pag tulungan ang kakambal ko.

Nang makaakyat sa kwarto ay sinara ko agad yon at nanatiling nakatayo sa pinto, doon dumaloy ang luha na pilit na kumakawala sa aking mga mata, ang nararamdaman ay sumabog dahil sa paninikip ng aking dibdib.

"G-gagawin ko lahat",bulong ko, dahan dahan akong napaupo at tumingala bago pumikit, hinayaan na kumalma ang sarili mula sa sakit na nararamdaman.

'gagawin ko lahat para malaman ang katotohanan.....kahit pa ang pumatay',

My twin sister died because of bullies (teaching the worst lesson for bullies)Where stories live. Discover now