CHAPTER 11

6 2 0
                                    

Marge pov

Hindi ako mapakali sa upuan habang naaalala ang mga sinabi ni ariam, nang magkausap kami kanina ay may kakaiba akong nakita sa mga mata niya na hindi ko matukoy kung ano ba ang bagay na nababasa ko sa kanyang mga mata.

"Uy! Marge! Kanina ka pa tahimik ah!",biglang tapik ni Ashley sa kin, dahilan para magulat ako
"Luh?",kunware gulat niya at natawa sa akin

"Tss",

"Nung una si Marjorie ngayon ikaw? Sino ba iniisip niyo huh? Don't tell me yung ariam na naman?",ngiwi ni tanya

"Hindi siya ang iniisip ko", pagsisinungaling ko

"Then, what's on your mind?",nangongompronta ang tinig ni smiley

"Come on! Marge! Marjorie! Ano? May pinag-awayan ba kayo?",asik ni Camille

"Wala naman, masama lang ang pakiramdam ko",giit ni Marjorie at tumingin sa akin kalaunan ay umiwas din.

"Eh? Ikaw? Ano dahilan mo at tahimik ka?",

"Wala. Gusto ko lang",kibit balikat ko.

Marami pa silang sinabi at hindi ko na inintindi at inisip ang mga napapanaginipan ko nitong mga nakaraang gabi. Palagi na lang si maria ang nasa panaginip ko, at paulit ulit lang ang eksena, yun ay yung naitulak ko siya ng hindi sinasadya.

'hindi ko naman talaga sinasadya, hindi ko kasalanan yon. Pagkatapos niyang agawin lahat sa akin, siya mismo ang gumawa ng dahilan para gawin ko yon',

"Saan naman siya nagpunta?", Napatingin ako kay mika sa sinabi nito at sinundad ng tingin ang tinitingnan niya.

Kapapasok lang ni ariam sa pinto at agad na nagtama ang mga mata namin. Matagal ang titigan na yon kaya naman ako na ang pumutol dahil may kung ano sa mata niya na hindi ko matitigan ng matagal, kagaya ng nakita ko kanina sa kanya. Hindi ko malaman ang sinasabi ng mata niya dahil walang emosyon at kung anong reaction ang muka, kahit ang mata ay blangko kung susubukan mong basahin.

Maya maya ay nagsimula na ang klase, hindi ko mapigilan ang tumingin kay ariam dahil nakakabilib ang kanyang angking talino, mahusay itong magsalita ganon din ang, bawat pagsulat niya sa black board, nanatili sa kanya ang atensyon ko na hindi ko nagugustuhan.

Nang matapos ang bawat subject, ay siya ang usap usapan sa buong room, ganon din paglabas namin at buong campus ay siya ang tinutukoy. Inis akong naupo sa tambayan namin dito sa field, kasama ang grupo.

"Talaga nga namang sumikat nga siya kaagad",giit ni Matthew

"Oo nga. Tingnan mi naman pauwi na nga lang sinasalubong na", napatingin kami sa may parking lot, at don nakita ang kumpol kumpol na lalaki at babae, na nakaabang, at don ay lumabas na nga si ariam na wala man lang binati o tiningnan sa mga taong naka abang sa kanya.

"Artistahin ang dating ah",biro ni troy

"Ano pa ba ang aasahan niyo? Isa siyang sandoval at dapat alam niyo yan", biglang banat ni Marjorie.

"Bakit? Hinahangaan mo na rin ba? Naku ah!",asik ni tanya

"Hindi naman sa ganon, you see? She's different. Sa nakikita ko hindi siya kagaya ni maria na mabilis natin mapapaalis dito, alam ko naman na yun din ang gusto niyo",

"Oo,na! Inaagaw niya ang pagiging popular ko dito sa campus! Kaloka!",pabagsak na naupo si tanya

"Hahahaha hindi yan, makakaya natin siyang paalisin dito",

"Sus! Ewan sayo ivan! Tara na umuwi na lang tayo. Magsusukat pa ako para sa dadating na ball",

"Omyyyggg!! Speaking of JS prom! I'm so excited!!! Actually! Nakakuha na sila mommy ng designer para sa gown ko",tili ni tanya

My twin sister died because of bullies (teaching the worst lesson for bullies)Where stories live. Discover now