Chapter I: The First Piece

24 3 0
                                    

"The first piece is the most significant piece of all, but why is it the most confusing?"

I: The First Piece

- February 08, 2024 (edited)

→ →✧•✧← ←

(Elena's POV)

"ELENA, GISING NA!"

I jolted out of my bed noong narinig ko ang nakakabinging sigaw ni Mama mula sa kusina. Dali-dali kong binuksan ang aking phone na nakalagay sa may nightstand and my emotions shifted noong nakita kong 4:15 palang ng madaling araw.

Forty-five minutes before my usual wake-up call.

"Nubayan 'Ma. Alas kwatro palang eh." Bulong ko bago ako bumalik sa mahimbing kong tulog. I guess my mother predicted I will ignore her call, hence, the next thing I heard was my door being slammed open, in which inexpect ko rin namang mangyari.

"Hoii Maria, late na!! Mauubusan kana ng mahuhuling isda!"

Ha? Anudaw?

"Ma, y'know it's clearly Sundayyy~!" Protesta ko as I covered my face with my pillow afterwards. Gusto ko munang humilata ng ilang oras Ma, pleaseeee!

"Ah naman talagang bata ka. Churches don't always open on Saturdays kaya bumangon kana jan!"

Ayan nanaman si ina at ang pagiging riddle-culous niya...

Hindi ko nalang pinansin ang pag-alis ni Mama, ni maging ang kanyang nakakalulang riddle, sa halip sinubukan ko muli matulog. But while every second passes, hindi ko na mapigilang mag-overthink.

Grasya na nahulog sa lupa, 'no nanaman bang ibig sabihin ni Mama? "Churches don't always open on Saturdays?" Malamang eh sadyang Sunday naman lagi 'yon--

Sunday...

Wait, kahapon 'yon ah...

And then realization hit me like a truck. Actually mas malakas pa nga kumpara sa conviction na natanggap ko kahapon.

"Anak ng tupang nailigtas sa kasalanan, MAY PASOK PALA!!"

Agad akong lumabas ng kwarto dala ang aking bag at towel, at naabutan ko sa kusina ang pinakamamahal kong ina na ironically, sobrang amo kung maghanda ng pagkain. Parang kanina lang hindi nanira ng tulog ah.

"Oh ba't nakatayo ka lang jan? Pinagmamasdan mo ba ang kagandahang minana mo sa'kin?"

I gave her a disgusted look bago ako lumalapit sa tabi niya only to watch her prepare our breakfast. Siyempre nagpasahan muna kami ng silent treatment before ako mag-rant sa kaniya.

"You know, I'm still discom-BOB-ulated 'Ma. Why naman kasi napakalayo pa? Kung dito lang 'yan sa tabi-tabi edi sana kaya ko paring makamit ang beauty rest ko." Sabi ko habang inihahanda ang mga plato't kutsara sa hapagkainan.

"Beauty rest ka d'yan, 'di ka naman kagandahan. Maupo ka nga." Sagot ni Mama. Hindi ko naiwasang maupo ng padabog, pero binalewala lang niya 'yon, dahilan para magmukmok ako sa kinauupuan ko.

Pagkatapos ng ilang segundong pagd-drama, inihain na niya ang kakainin naming hotsilog na may kasama pang kape.

Wow naman si mudrakels! May pa hotsilog pa ha? Hot ni Luffy-sinangag-itlog.

Ay mali pala.

"At oo Elena, sa Batangas ka talaga papasok ngayon." Pagre-remind niya muli. And honestly, kahit against ako sa desisyon ni Mama, she has a point.

Her Lost Realm (TagLish)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin