Chapter III: Yet To Be Known

27 4 0
                                    

"Whenever I look at the night skies, I remember the curse you gave me. It was full of beauty."

III: Yet To Be Known

- February 12, 2024 (edited)

→•✧•✧•←

"AH AH NAMAN ELENA, NANANADYA KA BA?"

Napatingin ako sa gilid to see Dann struggling to keep his composure. Habang pinapagpag niya ang kanyang damit na ngayo'y punong-puno na ng dumi, inihampas ko sa tiyan niya ang forum na sa pagkakaalam ko'y ninakaw lang niya mula sa drawer ng kanyang ina.

"Maria, ano bang problema mo sa abs ko?"

"As if naman na meron ka." Naiirita kong sambit, as I walk away from where we are. Pero bago pa man ako makalayo ay hinawakan niya ang aking braso, causing me to stop and face him.

"Seryoso Marie, anong problema?" Biglang nag-iba ang tono ng kanyang boses, which made me hesitate.

I remember every time na nagiging seryoso siya ay napapaamin niya ako sa lahat ng itinatago ko. He knows that it's his ace card whenever he wants to know something from me, kaya mas prefer ko nalang na magstay siya sa pagiging jeje mode niya.

I don't like complicated boys. But Dann, he's different... kasi simula palang sa simula takas-mental na, nakakasura!!

Pero kahit maging takas-mental pa siya, 'wag lang niya gagamitin sa'kin paawa effect niya. Wala naman kasing talab--

"Elena, tell me." He murmured, looking deep in my eyes. Bigla kong iniwas ang tingin ko sa kanya, dahil konti nalang masasapok ko na ang nakakapang-insulto niyang pagmumukha.

As I divert my eyes onto something else, I saw the papers scattered to the ground, vividly seen by anyone who passes through the place. Promptly, the urge to run and retrieve all of those papers rushed through me, habang may takot para sa kabaliwan ng kaibigan ko.

"You know, you can tell me anything..."

"That's the point Dann," I sighed, kneeling down bago ko ayusin ang papeles na basta-basta nalamang niyang ikinalat. "I just... nagulat lang ako sa fingerprint niya."

"Nino? Ni Yehon?" He approaches, standing beside me, crouching to see the papers in my hand.

"Yohan, Dann. Yohan." Pagcocorrect ko, as I showed him the paper with Yohan's "fingerprint" on it.

Ineexpect ko sa kanya na magugulat siya at magtataka bakit gano'n ang itsura ng fingerprint niya, kung bakit parang gawa-gawa lang ng lalaking 'yon ang buo niyang pagkatao. Ang laki ng expectations ko that Dann would still support me and my perpetual views just like before. Pero sa halip na magulat siya at sumang-ayon sa pinoproblema ko, he only... giggles.

"'Yan lang ba Santal? Pft, seems normal to me."

Norm... ha?

May sira na ba talaga utak nito?

"N-Normal? Seryoso ka ba?" Tanong ko, shocked to hear a response like that from his own mouth. Kinuha niya ang mga papel na hawak ko sabay angat sa taas upang i-verify ang fingerprint kung totoo ba o hindi. Ako namang takang-taka na rin sa mga kinikilos niya ay napaupo nalang sa medyo madamo na part ng grounds, para naman kahit papaano makahawak ako ng damo.

This is a gentle reminder for you to touch grass. Go outside!

Joke, siyempre nakakapagod lumuhod sa kalagitnaan ng sikat ng araw. It doesn't change anything but it works!

Her Lost Realm (TagLish)Where stories live. Discover now