AKHIN

12 6 1
                                    

   "Akhiro! Bumalik ka sabi, eh!" Patiling sigaw ng babae habang nagpapapadyak sa inis, nakasunod ang tingin sa lalaking tumatakbo papalayo na tila ba wala itong naririnig.

  "Akhi! Isa! Kapag di ka bumalik, di mo na ako makikita ulit!" Isinigaw iyon ng babae nang buong lakas dahilan para mapatingin sa kaniya ang iilang mga nagdadaan at mapahinto sa pagtakbo ang lalaking tinawag niyang Akhiro. Dahan-dahan siyang nilingon ni Akhiro at may maliit na ngiting tumakbo papalapit sa kaniya. Napangiti naman ang babae habang nakatitig sa lalaking tumatakbo pabalik sa kaniyang direksiyon. She can't name the feeling. Hindi niya mawari kung ano ang kaniyang nararamdaman, pero imbes na manibago at alamin iyon ay hinayaan niya nalang. Ang mahalaga, binalikan siya ng lalaki matapos itong pagbantaan na hindi na siya makikita kailanman. Napangiti ang babae sa isiping ayaw ni Akhiro na umalis siya at di na magpakita.

  "Akala ko tuluyan ka nang aalis," nakanguso niyang sabi nang makalapit sa kaniya si Akhiro. Natawa naman ang lalaki at iiling iling na ginulo ang kaniyang magulo nang buhok. Mas lalo siyang napanguso, ngunit kalauna'y napangiti rin.

  "I was just teasing you. You know I can't leave you, right?" Ani Akhiro sa malambing na boses. Mas lalong lumawak ang kaniyang pagkakangiti. "Tara na. For sure, hinahanap ka na nila tita." Nakangiti nitong Aya sa kaniya at inakay siya papaalis sa may dalampasigan.

  "I don't wanna go home yet. Maaga pa naman, Akhi." Malungkot niyang sabi, nagpapaawa. Natawa naman si Akhi at muling ginulo ang kaniyang buhok.

  "Ya' know what? You're so stubborn! But I'm not annoyed. Maybe because you're like a sister to me," wika ni Akhiro nang may ngiti sa labi. Nawala naman ang malawak na ngiti ng babae sa narinig. Hindi niya alam kung bakit niya iyon nararamdaman.

  "Tara na nga, gusto ko na umuwi. T-Tsaka baka hinahanap na ako ni mommy," Hindi siya nakatingin Kay Akhiro habang sinasabi niya iyon. She can't recognize what she's feeling. Mali. Maling Mali ang kung anumang nararamdaman Niya para sa lalaki.

  Nagtaka si Akhiro sa pagbabago nito ng desisyon at ang pagiging mailap ng mga mata nito sa kaniya. Nagsimula nang maglakad ang babae nang Hindi siya nililingon, agad Niya naman itong hinuli sa palapulsuhan bago pa man ito makalayo. "Grace? May problems ba? May nasabi ba akong di mo nagustuhan? If yes, I'm sorry. I didn't mean to offend you or what," nag aalala nitong sabi habang hinuhili pa'rin ang mailap na tingin ng babae.

  "N-No... Gusto k-ko lang talagang u-umuwi na. N-Napagod ata ako sa kakalakad at paghabol s—sa'yo kanina," nauutal na turan ng babae na nagngangalang Grace. Napabuntong hininga si Akhiro at hinawakan ang kamay ni Grace Saka sila sabay na umalis. Pilit niyang tinatanggal ang pagkakahawak ng lalaki sa kamay Niya subalit mahigpit ang pagkakakapit nito sa kaniya— aside from the fact that she felt weak and lifeless.

Tahimik lang sila Hanggang sa makauwi sa mansion na pag aari ng pamilya ni Grace. Hindi sila nagkikibuan, hanggang sa basagin ni Akhiro ang katahimikang iyon bago pa man siya makalabas.

   "Are you mad?" He asked in a low voice. Nagulat ang babae sa tono ng boses nito. Mahina at nag aalangan... Na may halong tila lungko— ah, no! Why would he be sad?, turan Niya sa isip.

   "N—No..." Mas mahina Niya iyong sinabi at walang paalam ba lumabas sa kotse ni Akhiro. Tumuloy tuloy siya sa pagpasok sa gate ng kanilang mansion kahit pa naririnig niyang tinatawag siya ni Akhiro.

  Habang naglalakad, hindi niya maiwasang ang kaniyang mga luha mula sa pag uunahan sa pagpatak. She's hurt. Hindi niya maintindihan.

  Mabilis niyang pinahid ang mga luha nang matanaw na Niya ang front door ng mansion. Inayos niya muna ang sarili bago pinihit ang door knob ng pinto, ngunit agad din natigilan nang makita sa living room ng kanilang mansion ang adoptive daughter ng kaniyang mga magulang. Si Kiara. Mas matanda ito sa kaniya ng Isang taon. Kiara has been living in States for a year now, at hibdi niya ini-expect na makikita Niya ito ngayon sa bahay nila. Hindi siya makagalaw, para siyang napako sa kinatatayuan.

WORK OF ART Where stories live. Discover now