Halloween Specials #001

10 5 1
                                    

It was seven in the evening, pababa na ako ng school building namin kasi katatapos lang ng meeting ng organization na kinabibilangan ko. Closed na lahat ng rooms at nakapatay na ang mga ilaw, except sa ilaw na nagsisilbing liwanag sa corridors ng bawat floor.

Dahan-dahan akong naglakad sa tahimik na corridor, nakasalampak  sa tainga ang headphones na lagi kong dala-dala. Palampas na ako sa huling classroom nang mahagip ng aking paningin ang mga nakabukas na ilaw at electric fan.

At first, akala ko may naiwan pa doon, baka ibang organization din na natagalang matapos sa meeting para sa paparating na malaking event ng school. I continued walking hanggang sa malampasan ko ‘yong room pero agad din akong napatigil when I realized na matagal nang hindi ginagamit ang room na ‘yon kaya imposibleng may electric fans at mga ilaw pa rin na gumagana.

Nanayo ang balahibo ko nang mahagip ng mata ko ang isang uniform na naninilaw malapit sa whiteboard, I tried not to look at it directly, ni hindi nga ako kumurap, nang biglang may humawak sa balikat ko.

I was about to scream nang malingunan ko ‘yong kasama ko sa organization at nang ibalik ko ang tingin ko sa classroom, patay lahat. Walang ilaw, walang electric fans, at mas lalong walang kung sinong nakasuot ng naninilaw na uniform ng school. I sighed in relief pero hindi ko pa rin maiwasang ‘di matakot. I saw it. Hindi ako pwedeng magkamali.

"You saw what you saw," ‘Yon ang huling sinabi ng kasamahan ko sa organization at sakâ ako tinalikuran. Agad naman akong sumunod sa takot na may iba na naman akong makita, and when we finally reached the school's gate, nanindig ang balahibo ko sa huling sinabi niya.







"A sophomore student died 10 years ago sa mismong room na iyon. It is said that she's been raped and murdered by her schoolmates. May meeting ang lahat ng organization no’n para sa papalapit na event at nangyari ang nasabing insidente nang matapos na ang pagpaplano ng mga organisasyon. At matapos no’n, sa tuwing sumasapit ang petsa na magkakaroon ng pagpupulong ang bawat organisasyon, sakâ siya magpapakita para mambiktima. Mambiktima ng mga estudyanteng naglalakad mag-isa at dadaan sa mismong harapan ng naturang silid na saksi ng pagkamatay niya."




•••
Happy Halloween!

@philaryx_2023

WORK OF ART Where stories live. Discover now