GEHENNA

6 2 2
                                    

"Are you sure we're not lost? I mean, kanina pa tayo naglalakad," nag aalangang wika ni Seole. Napabuntong hininga ako. Ilang ulit na siyang nagpapaulit ulit sa sinasabi niya. Tsk.

"Hindi tayo nawawala," nauubusan na nang pasensiyang ani Dale.

"But... Look... Kanina pa ganito ang nadaraanan natin." Nahinto ako sa paglalakad nang marinig ang sabi ni Seole. Inilibot ko ang paningin sa dinaraanan namin.

Tama...

Bakit hindi ko napansin?

I heard Rafayel hissed. "Nawawala nga tayo," pumunta siya sa aming harapan. "Sino ang may hawak sa mapa?" Nakapameywang niyang tanong. Nagpalitan kami ng tingin at itinuro si Finn na kasalukuyang kumakain ng chips.

Nagtataka niya kaming nilingon. "What?"

"Where's the map?" tanong ko rito.

"I'm not Dora, bakit sa'kin niyo hinahanap?" inosente nitong tanong. Napapikit ako dala ng konsumisyon at nilingon si Seole.

"Check your phone. Subukan mo gamitin ang GPS, baka may signal pa."

"Hello? Nasa gubat tayo," sarkastikong ani Seole saka kinuha sa bulsa ang cellphone niya. "Walang signal," nakangiwi niyang sabi kapagkuwan.

"Nasaan ba kasi ang mapa?" Naiinis na tanong ni Dale.

"Na' kay Finn nga!" inis ko rin'g sagot.

"Hindi nga ako si Dora!" nakabusangot na sabat ni Finn.

"Sira! Anong koneksiyon ni Dora sa mapa? Eh, sa ikaw ang may hawak!" Seole hissed.

"Bakit sa kaniya niyo pinahawak? Alam niyo namang hindi yan maaasahan?" bulalas ni Rafayel.

"Anong hindi? H— Hoy! 'Yong sinasabi niyong mapa, wala sa akin! Iniwan ko!" depensa ni Finn sa sarili. Napamaang ako. Bakit niya iniwan?!

"Bakit mo iniwan?!" Dale and Rafayel questioned in unison.

"Pero pinicture-an ko naman! Hah!" mayabang nitong bulalas, nasapo ko ang noo. Ano ba kaseng pinakain sa lalakeng ito noong bata pa at bakit ganito ang mindset niya?

Rafayel cursed under his breath. "Give me your phone," pilit pinakakalmang wika niya.

"At bakit naman?" Finn asked, arching his brows.

"What a bunch, Fidel Innosh Lacsamana?! Malamang! Titignan natin ang mapa! We're lost! You d*mwit!" singhal ni Dale kay Finn na ngayon ay masama na ang tinging ipinupukol sa kaniya.

"Don't you dare mention my full name, ever again!" Padabog na kinuha ni Finn sa bulsa ng backpack niya ang cellphone at labag sa loob na iniabot iyon kay Rafayel.

Pahablot iyong kinuha ni Rafayel at ini-on ang cellphone. Tahimik ko lang silang pinanonood habang si Seole naman ay bahagyang lumayo sa amin upang mag selfie.

"D*mn! Dead battery! Nagdala ka pa ng phone!" Namomroblemang iniabot ni Rafayel kay Finn ang cellphone.

"What are we gonna do?" maarteng tanong ni Seole saka ibinulsa ang hawak na phone.

"Nawawala ba kamo kayo?" Napaigtad ako sa gulat nang makarinig ng boses matanda mula sa aking likuran.

"Oh, gosh!" Napahawak ako sa dibdib nang humarap sa nagsalita. Isang matandang babae na sa hinuha ko'y nasa edad 70 pataas.

"M— Manang... O— Oho... Maaari niyo ba sa aming sabihin kung nasaang parte ng gubat kami?" tanong ni Rafayel nang makabawi sa gulat.

"Ah... Ganoon... Nasa timog bahagi ng kagubatan ng Vadis tayo ngayon. Malapit lamang sa resort na aking punagtatrabahuan," sagot ni manang. Resort?

WORK OF ART Where stories live. Discover now