Page 25

21 3 0
                                    

Kumusta?
nais ko sanang kausapin
at kumustahin ka,
ngunit hindi bale na,
ayokong maka abala.

Kumusta?
gusto ko sanang tanungin ka,
bakit bigla kang nawawala?
ngunit hindi bale na,
para sayo hindi naman ako mahalaga.

Kumusta?
nais ko sanang linawin na
kung ano ba talaga
ngunit hindi bale na

Kumusta?
Alam kong may iba
at hindi na ako
pero di bale na
Ayaw kong paniwalaan
na wala na talaga.

Huling pangangamusta,
hindi na kita guguluhin pa
sana maging masaya ka
mag ingat ka,
Mahal kita.

- feria

Untold Secrets Of Unfold PagesWhere stories live. Discover now