CHAPTER 1

0 0 0
                                    

Tapos na yung klase namin kaya andito kami sa canteen ng mga kaibigan ko nag tambay, sumasakit ulo ko sa math namin feel ko ma tanggal na tong utak ko. Hindi naman ako bobo talaga sa math mga 99% lang, sa aming magkakaibigan ako lang yung mahina sa math.

Pero sa math lang naman ako mahina ok naman ako sa ibang mga subjects, minsan pa nga naisipan ng isa kong kaibigan na magpa tutor ako naman tong ayaw.

Tatlo lang kaming magkakaibigan hindi na pinarami kasi masakit sa ulo, ako ba naman naging nanay ng mga damulag na yun. Sa canteen kami nag tatambay pag vacant time namin, gusto ko sana sa library pero ayaw nung dalawa nahihilo daw sila sa mga educational books, pero sa wattpad books palong palo.

"Hoy! kulot ano na crushy mo oh, lapitan mo na."

"No thanks at pwede ba guys, may jowa na yung tao ayoko ng gulo."

Nalaman ko lang last week na may jowa na yung bebekeks ko, edi wow sila na may jowa pass muna ako sa ganyan for now. Hindi ko pa feel na magka boyfriend and hanggang crush pa lang ako for today and everyday.

Nakita kong papalapit si crushy sa amin woah kalma lang me dapat, kunware hindi apektado.

"Hi Zha, busy ka ba this weekend?."

"Ay Simon hindi busy yan free sya always basta ika........."

Gago buti na lang natakpan ko agad yung bunganga nya, walang preno talaga baka ma buko pa ako.

"I don't think so, hindi ba may gagawin tayo this weekend guys? diba diba?."  Palusot ko kasi nga naman ayoko nga talaga ng gulo baka mag selos pa yung jowa nya, alam pa naman non na may pagtingin ako kay Simone.

"I see, birthday kasi ng pamangkin ko, here kung free kayo pwede kayong pumunta. Bye guys."

Inabot niya yung  invitation card kay Lynch kasi alam naman niyang hindi ako interesado, pumasok na kami sa classroom dahil may instructor na instructor tawag namin sa aming mga teachers hindi professor.

Pagkadating ko sa bahay dumeretso ako sa kwarto, nilinis ko yung closet ko kasi hindi na sya maayos tingnan, hindi naman yung marumi talaga ang dami kasing mga damit na nakasabit na hindi ko na ginagamit, nilagay ko lahat ang mga iyon sa maleta at may iniwan naman sa closet ko pero kunti lang.

Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako hindi ko tuloy na tapos yung ginagawa ko, later na to.

"Bunso baba na dyan dinner na."

"Opo pa baba na."

Nag half bath pa ako bago bumaba kasi naiinitan ako, may bagyo atang paparating nagiging si nang auring ako nito.

Tumabi ako kay kuya, siya na nag kuha nag pagkain ko, alagang alaga ako ni kuya Zandee kasi nga raw blessings ako sa kanila.

"Masyado mo ng binibaby yang bunso nyo Zandee."

"It's ok lang ma, dapat nga ako lang mag ganito sa kanya hindi kasali yang isang asungot."

Ayan na naman sila, pag aawayan naman nila yan. Tinapos ko na yung pagkain ko tapos umakyat na sa kwarto ko, marami pa akong gagawin.

Maaga akong pumasok kasi may ipinapagawa ang mayor namin sa akin, hindi na ako nag reklamo pero gusto kong mag reklamo trabaho ng vice pinapagawa sa akin, Auditor ako hindi right hand ng vice pero sige lang this is life.

By the way i am 19 years of age first year college marami ang ayaw maniwala na 19 pa ako kasi nga raw hindi halata sa mukha ko, mukha na kasi akong trenta pero joke lang ang totoo niyan napag kamalan akong kinse.

Hindi dahil sa height ko kasi hindi naman din ako pandak.

"Sa library lang ako guys."

Paalam ko sa mga kaibigan ko, sa library na ako mag lunch may gagawin din ako.

"Zhamaire right?."

"Ahm yes, do i know you po?."

"Reymon by the way, usap usapan kasi sa classroom namin."

Ganon na ba ako ka ganda para maging usap usapan.

"I am sorry, i know it's rude of me to tell you that, ang ganda mo pala sa personal."

"Thank you and i am sorry also busy ako kaya pwede ba?."

"Tsk suplada."

Ayy wow suplada na kung suplada kita niya na may ginagawa yung tao storbo, ipakain ko kaya tong libro sa kanya at ng magka utak naman siya.

Lumabas akong library na naka busangot, hindi kasi ako maka focus sa ginagawa ko dahil sa sinabi nong amaw na yun. Suplada nga ba talaga ako? e ano naman kung suplada ako.

"Best kanina ko pa pansin, may problema ba?."
"Wala naman, wala lang ako sa mood."

"Ay alam ko na, kasi hindi nagpa kita si Simone bebeluvs mo."

Hindi ko na lang sila pinansin nauna na akong lumabas ng classroom, baka may iutos na naman mayor namin. Hindi naman sa tamad ako pero sobra na e simula noong naging auditor ako,  feel ko hindi auditor yung posisyon ko kasi gawain ng vice ako ang gumagawa.

Dumaan pa ako sa bakery bago umuwi, sasabay sana ako kay kuya Ricks pero may date sya kaya uwi akong mag isa.

"Hi ma,  may dala ako cookies galing yan sa favourite bakery mo."

"Ang sweet ng bunso ko, thank you sige mag bihis ka na."

"Sige po akyat na ako."

——————— Tatapusin ko na talaga tong storyang to, sensya na po tamad ako mag type.

The Guy who stole My Heart(Ongoing)Where stories live. Discover now