CHAPTER 4

0 0 0
                                    

Nasa terminal nako ng bus sabi ni mama may susundo raw sakin, anong oras na wala pa rin yung sundo  ko  gutom nako.

Buti may dala akong curls kaya yun na lang ang kinain ko sinasayang lang nila ang oras ko, kung hindi lang sa pinilit ako ni mama di ako pupunta di pa naman ako kabisado sa lugar nato. Bibili na sana akong tubig ng may tumawag sakin.

"Zhamaire Haille? o my god is That you?"

Arte ah.

"Who do you think? sino pa ba, hanggang ngayon Shiey bobo ka pa rin."

Deretsa kong sabi sa pinsan ko naiirita ako sa pagmumukha nya e, alam ng ako to nagtatanong pa. Kung di ko lang to pinsan baka ano pa mga masabi ko rito.

"Kung maka bobo to bakit matalino ka ba?"

"Oo matalino ako may angal ka, at pwede ba kanina pa ako nag aantay dito sa inyo."

"Ang oa insan ahh, buti nga kinuha ka pa namin dito."

Wow naman kapal isupalpal ko kaya tong bag na dala ko.

Susmaryosep pigilan nyo ako baka di ko ma tiis to ilampaso ko pagmumukha nito sa kalsada.

"So dapat pala ako mag thank you kasi kunin nyo ako rito, sino ba nag sabi kay kuya na dadalo ako sa bday mong impakta ka. Hindi ba ikaw? o ano nganga ka dyan ang dami kong aasikasuhin sa manila, pero pumunta ako rito kasi mapilit si mama para raw maka bonding sa mga pinsan ko."

Shemss hindi ko na talaga na pigilan yan na nga ba kaya ayoko mainis, ayoko magalit kasi hindi ko ma control yung sarili ko. Kapal din kasi ng mukha.

"How dare you."

"Huwag mo ako ma how dare you dyan gusto mo ilampaso ko yang pagmumukha mo?"

Sasampalin sana nya ako buti na lang umawat yung ate nya, pero kung di umawat yung kapatid ayy sus ewan ko na lang. Hindi na ako tumuloy baka ano pa mangyayari, tumawag ako kay mama na babalik na ako sa manila.

Pero ang malas di ako pinayagan, hindi naman daw to always ngayon lang. Dapat lang kasi hindi ko kaya na makakasama ng matagal yang ganyang ugali, spoiled ako pero hindi naman ganyan.

Kasama nya yung ate nya sa pag sundo sakin tapos yung isa nyang pinsan sa father side na nasa loob lang ng sasakyan, kaya akala ko tatlo lng kami sa sasakyan pati yung driver.

Naglagay ako ng headphone kasi ayoko makinig sa pinaguusapan nila, 30 minutes ay nakarating na kami hindi naman masyadong malayo sa terminal yung bahay nila.

Hindi ko alam na may ganito pala sa bulacan, ang ganda naman dito, nasa isang village sila nakatira. Hindi masyadong matao, i like it here.

Pagkababa ko ayy kinuha ko na yung mga gamit ko, nakita ko si kuya may kausap. Nasa labas sila mga pinsan ko ata, wala ako masyadong kilala sa mga pinsan ko.

"Andyan na sila, si Zhamaire ba kasama nyo?"

"Alangan naman iiwan namin don duhh."

Tskk maka duhh kala mo naman....

Papalapit sakin si kuya kaya tinaasan ko ito ng kilay, nakangisi lang ang kumag ay.

" Don't tell me, nag aaway na naman kayo?"

"Nope, nag usap lang, maybe. Kuya mabigat yung bag ko, masakit na yung kamay ko ohh."

Papaawa at pacute ko kay kuya. Inismiran lang ako ng pinsan kong atribida.

Pagpasok ko sa salas ay niyakap agad ako ni tita at tito.

"Baka masanay ako nyan tita sige ka."

"Asusss ang batang to, may boyfriend ka na ba?"

Tiningnan ko lang si kuya, naningkit yung mata nya kakatingin sa akin, wala naman akong ginawa tskk.

"Wala po, bawal pa raw po e sabi ni mama pati nina kuya."

"Hay naku, alagang alaga ka talaga ng mga kuya mo, mama mo kamusta na?"

"Ok naman po si mama busy sa shop nya."

"O sya may ginawa akong salad baka gusto mo."

"Akyat ko lang tong gamit mo baby girl."

"Thank you kuya."

Baby girl your ass, binibaby parin ako kahit 19 na inang yan. Napagkakamalan pa kaming mag jowa nyan minsang nag mall kami tinawag ba naman kasi akong baby.

Sumunod na ako kay tita sa kusina, gusto ko ulit matikman ang salad na gawa nya, matagal tagal na rin hindi ako nakakatikim ng salad na gawa ni tita.

Pagkatapos kong kumain ay nag bihis nako kasi ipapasyal raw ako ni kuya, kasi wala na akong time bukas kasi bday na ng pinsang ashoo shooo.

Enjoy reading 😘

May binago ako sa estorya i found out na magulo sya haha, kaya ayun.

Lovelots 💜

The Guy who stole My Heart(Ongoing)Where stories live. Discover now