CHAPTER 3

1 0 0
                                    

It's been three weeks mula nong nag usap kami ni mama about sa shop nina kuya, hindi alam kong paano ko i handle yung shop.

Mag focus kasi raw muna si kuya Ricks sa farm namin sa bulacan, si kuya Zandee naman may aasikasohin sa US. Wala akong choice, wala pa naman akong alam kung paano patakbuhin yung shop, patay ako nito.

'Best, may kwento ako sayo alam mo ba yung rp?.

Rp? parang narinig ko na yan somewhere ahh.

"So tumawag ka para lang tanungin ako sa ganyan, alam mo bang busy ako Lynch"

'Sorry na ito naman, malay mo magka jowa kana sa rp hehe. Try mo best masaya, btw mall tayo bukas bye.'

Wala akong panahon para mag saya marami akong gagawin hindi ko nga alam kung ano ang uunahin ko, hindi naman kasi pwede na hayaan ko lang si mama sa flower shop niya.

"Oh anak Zhamaire, ginagawa mo rito? hindi ba may meeting ka sa mga investors sa shop ng kuya mo?."

"Si ate Chrystal na raw ang bahalang kumausap sa mga iyon, at isa pa ma ako ang magdedeliver dyan sa mga bulaklak mo ginawa mo pa akong delivery e."

"Ay! oo nga pala, eto oh deliver mo to mamayang 11, andyan yung address mag ingat ka sa pagmamaneho ah."

"Yes ma, mag-iingat ako sayang naman kung mawala ako, hindi ko kayo mabigyan ng apo."

Nakita ko kung paano tumaas ang kilay ni mama, ayaw pa kasi niya na magka boyfriend na ako kasi nga raw baby pa ako.

Pagkatapos kong i deliver yung bulaklak ni mama, pumunta na naman ako sa isang shop. Ganito na yung buhay ko simula nong umalis ang dalawa kong kuya, palipat-lipat ako ng shop.

Hinihintay ko si mama kasi sabay na kaming umuwi, naging personal driver na ako nito. Natuto akong mag maneho when i was 15, pero di pa ako pinayagan nina kuya at mama mag drive kasi under age pa.

"Oh anak, andyan ka na pala tayo na at ng makapag luto pa ako ng hapunan natin."

Wala kaming kasamang katulong ni mama sa bahay kaya hands on si mama sa pag luluto, sa paglilinis at kung ano-ano pa dyan ay ako naman  ang gumagawa. Nag suggest nga si kuya Ricks na dapat may katulong para hindi masyadong ma pagod si mama, pero ayaw naman ni kuya Zandee kasi mahirap na raw magtiwala sa panahon ngayon na sinasang-ayonan ko naman.

"Bunso, nakausap ko ang kuya Ricks mo kanina birthday ng pinsan mo sa bulacan punta ka raw."

"Pakisabi kay kuya ma hindi ako makakadalo."

"Bakit naman? mag enjoy ka naman anak kahit minsan, tingnan mo nga yang mukha mo oh nag mukha ka pang mas matanda sa akin."

"Ma naman anong connect sa hitsura ko sa mag enjoy? ma ayokong iwan ka rito dalawa na nga lang tayo rito tinataboy mo pa ako."

"Hindi naman sa ganon anak, pero dapat mag enjoy ka rin paminsan-minsan. Kaya ko ang sarili ko kahit mag isa akong i handle yung flower shop ko, kaya ikaw punta ka sa birthday ng pinsan mo ako na maghahanap sa isusuot mo."

Wala na akong nagawa pa final na decision ni mama at isa pa di naman daw ako magtatagal, di talaga ako mag tatagal kasi di ko close yung mga pinsan ko.

Nagbasa na lang ako ng libro sa salas wala rin naman ako gagawin, gusto ko lumabas pero tinatamad ako, arghhh so bored.

Pumasok akong kusina hmm ano kaya masarap i bake, cake or cupcake. Arghhh ba yan, gawa na lang ako spag tutal matagal na rin naman di ako nagluluto ng spag. Kung gagawa ako sino naman kakain, di ko naman kaya na mag isa kakain marami pa naman gusto ko lutuin.

Lumabas na lang ako ng kusina alam ko na ano gagawin ko, kinuha ko yung susi pupunta akong palengke, bibili ako ng abokado mag sheshake ako for today's agenda.

Pagdating ko sa palengke hinanap ko agad yung pwesto ng mga prutas, goshhh ang hirap pala, ganto pala mamalengke, san ba kasi yung pwesto ng mga prutas. Kanina pa ako libot ng libot ahhh, magtatanong na lang ako.

"Ahm, excuse me po manang, san po ba rito yung pwesto ng mga prutas?."

"Ayy ineng deretso ka lang dito tapos, liko sa kaliwa, tapos deretso ka ulit don na."

"Salamat po, kanina pa kasi ako libot ng libot nahihilo na nga po ako kakalibot."

"Bago ka lang ba rito ineng?"

"Ngayon lang po kasi nakapamalengke na mag isa, sige po salamat ulit, una po ako."

Sinunod ko yung direksyon na bigay ni manang, goshh malapit lapit lang pala.

"Miss ano ang inyo?, may bago kaming dating, itong watermelon at itong mansanas namin fresh na fresh yan."

Ngiti ng tindera sa akin, ang cute nya. Wait, did i say cute? inang yan.

"Abokado po akin miss, isang kilo. Tapos isa rin nyang watermelon."

Nagkikilo na sya ng abokado nang may lumapit sa kanya, kapatid ata nya magkamukha eh.

"Ako na dyan, dun ka sa kabila."

Ehh?

"Ano sayo miss?"

Tiningnan ko lang sya nga maigi, tskk gwapo rin ahh, gags may nakita akong pogi sa palengke, araw araw na ako pupunta rito.

"Ikaw."

Ayyy shemssss, my mouth.

"Me? sure."

Ewnesss kuya ahhh.

"Isang kilo ng abokado tapos isang watermelon."

Pogi ka kuya pero di kita type duhh.

"150 pesos all."

"Ok here, keep the change."

Inabot ko sa kanya ang 200 tapos umalis na wala akong ibang pera dala lahat buo.

Pagdating ko sa bahay, ginawa ko na ang kung ano ang dapat kung gawin, pagkatapos ayy umakyat nako sa taas ang lagkit ko, wala naman ako iba ginagawa. Nag half bath nako.

The Guy who stole My Heart(Ongoing)Where stories live. Discover now