Chapter 1

28 1 0
                                    

Napabalikwas ako sa kama ng tatlong magkakasunod na tunog ng baril ang narinig ko. Nagsimulang mamuo ang luha sa mata ko nang tignan ang kapatid kong mahimbing na natutulog sa tabi ko. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa baba pero may hinala na ako dahil nangyari na ito noon.

Nanginginig ang kamay ko habang isinusuot ang headphone sa kanya, pinapanalangin na hindi siya magising. Kinumutan ko muli siya bago kinuha ang jacket ko at sinuot. Tinignan ko muna siyang muli bago dahan-dahang binuksan ang pinto ng kwarto at marahan ding isinara 'yon. Ingat na ingat akong hindi makagawa ng ingay hanggang sa makarating ako sa hagdan pababa ng ika-unang palapag ng bahay.

"'Wag ka nang magmatigas, Mikael. Ano bang mahirap sa pinagagawa sa'yo?" dinig kong saad ng isang lalaki.

Unti-unti akong bumaba ng hagdan at napaupo sa huling baitang. Sinilip ko ang mga lalaki mula sa kinauupuan ko at napatakip na lamang ako ng bibig nang makita ang isang baril na nakatutok kay Daddy.

Ilang lalaki rin ang nakapalibot sa kanya at lahat sila ay armado. Pigil na pigil ko ang hikbi nang makita ang kalagayan ni Daddy. Nakaluhod siya sa sahig habang nakatali ang dalawa niyang kamay sa likuran. Marami na siyang sugat sa katawan, mga tama sa hita at tiyan na umaagos ang dugo.

Alam kong maraming kaaway ang tatay ko at hindi ko inakalang matutunton pa rin nila kami hanggang dito. Lumayo na kami sa gulo pero sinundan pa rin kami nito.

"Kahit anong gawin niyo, hinding-hindi ko gagawin ang bagay na 'yan," utal-utal na sagot ni Daddy.

Hindi na niya maidilat ang kanang mata niya at putok na rin ang labi't pisngi niya.

"Kahit idamay ko ang anak mo?" saad ng lalaking nakatutok ang baril kay Daddy kanina.

Na ngayon ay nasa akin na.



"Dad..."

I was catching my breath when I woke up. Agad kong hinagilap ang blue na tumbler ko sa table na katabi ng kama ko dahil hindi ako makahinga. 

And when my breathing became stable, I got up from my soft mattress.

It's just another nightmare that I had to endure. I'm slowly getting used to it but I hope that it will stop haunting me already. I just want a peaceful sleep, embraced in my stitches blanket.

I shrugged my thoughts and started my morning routine. Hindi naman titigil ang oras para sa'kin kaya sinimulan ko nang kumilos.

I still have a war to win.

********

"Late ka na naman, Isabedra," ani ko sa sarili pagkatapos tignan ang oras sa wrist watch ko.

Heto ko at stuck pa sa usual traffic sa pinas. Lagi na lang ako late sa trabaho ko. Buti nga hindi pa ako pinapaalis. Pero sabagay, ganito siguro kapag best of bestfriends mo ang unica hija'ng apo ng may-ari ng kompanya. 

After half an hour, nakaalis na rin sa traffic. And after a couple of minutes, I arrived at the company I worked for. 

Cortez Corporation.

Mapait akong napangiti nang mabasa ang pangalan ng kompanya. Kaya hindi ako excited pumasok eh. Araw-araw ayan ang bungad sa'yo. Cortez.

"Goodmorning, Ma'am," bati sa'kin ni Kuya Raul, ang tanging security guard na kilala ko.

Nginitian ko lang siya dahil bigla akong tinamad magsalita. Pati pagsakay sa elevator ay tamad ako. Hanggang sa makarating sa office namin ay umupo lang ako agad at yumuko sa desk ko.

Sinner and SaviorWhere stories live. Discover now