Chapter 2

26 1 0
                                    

"Can you drive? Sumabay ka na kaya sa'min, Jian."

Inilingan ko si Leira at nginitian.

"No need. Tinawagan ko na si Thaeo," ani ko.

She pouted and just nodded her head. Parang saglit pang kuminang ang mata niya nang marinig ang pangalan ni Thaeo.

Naghihintay na rin sa kanya ang kuya niya na kanina pa nakaparada ang makinang din na sasakyan sa gilid namin. Wala nang nagawa si Leira nang hindi niya talaga ako mapilit. Niyakap niya ako bago sumakay na sa kotse ni Lael. Ang akala ko nga aalis na sila pagkasakay ni Leira pero nanatili pa rin 'yon don. Bumaba ang windshield nito at bumungad ang mukha ni Lael.

He's really a boy version of Leira. Parehong-pareho sila ng hugis ng mata ng kapatid niya, mas matangos lang ang ilong ni Lael pero matangos din naman ang kay Leira at kung titignan mo naman sa labi nila, hindi mo talagang maikakailang magkapatid sila. They have this same heart-shaped lips. Pareho pang mapuputi at matatangkad ang lahi nila.

Lael and I were also close but sometimes I just don't understand him.

Katulad ngayon, nakangiti siya sa akin.

"Take care, Ji," aniya na may matipid na ngiti sa labi.

"Thank you, Sir," sagot ko. Pinigilan ko ang matawa nang mawala ang ngiti sa labi ni Lael.

Tinatawag niya ako sa palayaw ko kapag wala kami sa trabaho pero sir pa rin ang tawag ko sa kanya.

"Ingat kayo," dagdag ko at kinawayan pa si Leira na sinilip ko sa loob na katabi ng kuya niya.

Nang makaalis na ang sasakyan nila ay siya namang dating ni Thaeo. Kalalabas niya lang ng Cortez Corp. at mabuti nung tinawagan ko siya ay hindi pa siya nakakauwi.

Nakakunot agad ang noo niya nang makita ang braso ko. May dala pa siyang briefcase at disenteng-disente tignan sa suit niya. Parang hindi siya haggard sa trabaho kung titignan mo at ang lakas pa rin ng appeal ng buong pagkatao.

"Thaeo, look, okay lang ako-"

"You have the right to remain silent. Anything you say can and will be used against you in a court of law. You have a right to an attorney. If you cannot afford an attorney, one will be appointed for you."

"Huh?" ang tanging nasabi ko. I pursed my lips when he gently touched my arm and guided me to the parking area.

"I expect you understand that, Miss Isabedra," seryosong sagot niya.

"Yes, Atty. Vanarasi," I answered, almost inaudible.

Pinagbuksan pa ako ni Thaeo ng pinto ng kotse pagkarating namin. Nang maayos ko ang seatbelt ko ay tinignan ko agad si Thaeo nang hindi na siya magsalita pagkapasok namin ng sasakyan. Ayon pala ay nakapikit na.

Well, he's a lawyer. He's sleep deprived. He looks so tired and unhealthy. Now, I feel bad that I called him where I could just agree with Leira to take me home.

Pero hindi pa rin naman kasi ako uuwi sa bahay.

"Thaeo?" marahan kong tinapik ang balikat niya pagkatapos ng ilang minuto.

Akala ko hindi siya agad magigising pero dilat na agad ang mata niya at nagsuot ng seatbelt na parang hindi siya nakaidlip.

"Sorry. Saan nga tayo, Ji?" he asked after he started the engine.

I smiled bitterly to him.

"Cemetery."

********

"I'm sorry. I forgot. Marami lang ginagawa-"

Sinner and SaviorWhere stories live. Discover now