Chapter 2

8 1 0
                                    

Sulyap

Maaga akong nagising para sa alas nuebeng pasok ko sa school. Alas sais pa lamang ay tapos na akong maligo, ihahatid ko pa kasi si Mama sa tapat ng simbahan kung nasaan naka pwesto ang mga bulaklakan. Saktong alas nuebe rin siguro ako makakarating sa school nito dahil mabagal pa naman umandar ang bus na sinasakyan ko.

"Ma! Handa na po ang umagahan!" Tawag ko kay Mama na nag-aayos ng mga baldeng dadalhin namin.

"Oh, eto na."

Matapos namin kumain ay inantay ko pa ulit syang matapos sa pagbibihis. Nang matapos sya ay agad akong pumara bg tricycle sa labasan at agad naman akong nakapara.

"Aba'y magandang umaga sainyo Aling Marya at Maggie." Bati saamin ni Manong John, ang kapitbahay naming tricycle driver.

"Magandang umaga rin po sainyo," Bati ko rin pabalik sakanya. Matagal nang humihirit itong si Manong John saakin patungkol sa anak nyang si JR na kababata ko rin. Sa tuwing sumasakay ako ay panay banggit at pagpapabida tungkol sa anak lamang ang bukambibig nya. Kalaunan ay sinabi nya rin na nais nyang ilakad saakin si JR.

"Manong John. Masyado pa yatang bata ang anak ko para sa mga ganyan, aba't gusto pa nitong maging flight stewardess." Sabi pa ni Mama habang nakasakay na kami sa tricycle. Tumango-tango pa ako at mahinang sumang-ayon.

"Hindi ko naman akalain na ang dating paslit na Maggie ay lalaking magandang dalaga, dati rati ay nangangaroling pa lamang kayo ni JR ko at ng ibang mga bata. Naalala ko pa nga, hindi ka sinasali noon dahil mukha kang mayaman sa itsura mong pang amerikana. Alam mo naman 'yong JR ko ay gustong-gusto ka..." Daldal nya pa.

Hindi ko na napakinggan pa ang mga sinasabi ni Manong John ng mahagip ng mga mata ko ang pamilyar na tao. As our vehicle swiftly passed by him, my eyes still got a clear snap of his image.

Unti-unting nag flashback ang memorya ko sa gabing 'yon. Agad akong nakaramdam ng kilabot. It was him, the new guy.

He was arguing with the same girl I caught him with the last time. Kitang-kita ko kung paano nya sundan ng tingin ang sinasakyan ko. Could it be that he already knew that I was the one who caught them having sex in the fire exit?

Impossible naman, dahil madilim 'yon at nasilaw sila sa pailaw ko no'ng time na 'yon. But, who cares. Hindi naman ako usisera. I won't get anything if I tell everyone what I saw and it's not my thing to stick my nose to other people's matter.

"Eto, 150. Bumili ka ng matinong pagkain sa school." Abot ni Mama saakin ng pera matapos namin idiskarga ang mga bulaklak.

Umiling ako sakanya at kinuha lang ang singkwentang papel sa kamay nya.

"Eto lang ang kukunin ko. May mga natirang barya pa naman po ako e, ayos na 'to. Salamat po." I said then walked merrily to the bus stop. Lumingon ako ulit at kumaway sakanya. Ngumiti sya.

Kalkulado ko na ang oras ng pagdating ko sa school. The classes started right after I entered the class. It was boring indeed but I need to survive this class to graduate. Marami rin kasi ang umiikot na tsismis na talagang may mga hindi nakakapasa sa subject ni Sir Rual, ang pinaka-terror na professor ng university na 'to.

"Walangya, 18/50." Reklamo ni Marie sa gilid ko matapos ibalik ang mga papers namin from checking. Hindi ko sya masisisi dahil mahirap naman talaga ang subject ni Sir Rual. Hindi ko alam kung alien ba sya dahil iilang studyante lang ang nakakaintindi o sadyang bobo lang talaga kami.

"Ikaw ba ilan?" Baling nya saakin.

"42." Simpleng sagot ko.

Tinaasan nya ako ng kilay. "Ito, ito yung kaibigan mong hindi raw nag-review pero ang taas ng nakuha. Galing."

Where The Magnolias Bloom [ONGOING]Where stories live. Discover now