Chapter 3

9 1 0
                                    

You Look Beautiful

Ang pinaka-hate ko ay iyong kakausapin ako habang naka earphones, I mean who doesn't? May sinasabi kasi sya na hindi ko narinig kaya't nainis ako at tinanggal ang nasa tenga ko. Umandar na ang bus at hulog na hulog na ako sa kanta, badtrip.

"You saw it right?" Bungad na tanong nya.

Hindi ko idedeny sa isip ko na hindi ko alam ang tinutukoy nya. "The what?"

He licked his lips and glided his fingers to his hair.

"That night in the fire exit."

Kumalabog ang puso ko sa sinabi nya. Umiling ako.

"I-I have no idea what you're talking about..." I denied, almost breaking at the first words. Hindi talaga ako magaling magsinungaling. I tried to fix my glasses again.

Humalakhak sya. "Liar."

Tinignan nya ako. "You fix your glasses when you're anxious. You're obviously lying."

Suminghap ako sa sinabi nya. "E, ano ngayon? Like it's my fault to see it. Don't worry, hindi naman ako tsismosa at wala din naman akong pakialam."

Lalaki sya. Hindi lingid sa kaalaman ko ang pangangailangan ng isang lalaki. Totoo naman, wala akong pakialam kung saang lugar nila gagawin ang mga gano'ng bagay, basta't hindi ako ang makakatistigo dahil ayaw ko nang nadudumihan ang pag-iisip ko.

"Alright. You see, we're men. We have our needs and I hope you know that. It's just that we can't help—"

"Really— I don't care. You don't need to explain." Pagpuputol ko sakanya bago pa ako mainis. I'm not used to talking to men and have no skill in that. Alam ko na rin kung saan papunta ang usapan na 'to kaya't puputulin ko na. Mukhang hindi rin naman sya naiiba sa mga lalaking nakakasalamuha namin sa school, openly talks about sex  and doing it without commitment. Fubu kung tawagin nila.

I don't feel any prejudice about that and the people who does it. Kung ano ang kanila ay kanila. Katulad nga ng sinasabi ko ay wala akong pakialam. In English, I. DON'T. CARE.

"O-okay. Uhmm...let me introduce myself. I'm Gr—"

"Manong, PARA!" Sigaw ko sa driver. Pumara na ako kahit sa unahan pa naman ako bababa ngunit malapit nalang naman. Ayaw ko ng pahabain pa ang intereaksyon naming dalawa dahil naaasiwa ako. He looked so stoked when I suddenly screamed PARA right at his face.

Ngumiti ako sakanya bago ako tumayo pagkatapos tumigil ng bus. "Thank you ulit, but I need to go."

Nagmadali akong bumaba ng sasakyan. I took and inhaled all the air I've been limiting myself back in the bus. Doon na ako nakahinga ng maluwag.

The guy followed me with his gaze as the vehicle started to run. Tipid syang ngumiti saakin. I just looked at him in my usual resting face. Hindi ko rin naman alam kung anong ekspresyon ang isusukli. He's a bit cocky and intense. Maybe I should just avoid him next time, talagang hindi lang ako nakaiwas kanina dahil katabi ko na sya mismo. Pero sa susunod ay ako na talaga ang iiwas, kung may pagkakataon man.

Kinabukasan ay halos takbuhin ko na ang building dahil late na ako sa unang subject ko. Nasiraan kasi ang bus na sinasakyan ko, at inantay ko pa ang kasunod na bus. Kinakabahan pa ako dahil halos trenta minutos na akong late sa klase ni Sir Rual. Halos maubos ko na rin ang kuko ko kakakagat habang nag-hihintay ng bus.

"Maggie! Maggie yung hairnet mo!" Tawag saakin ni Kuya Juan pagkapasok ko ng building, nakaturo sa hairnet ko na lumipad habang patakbo ako. Inis ko pa itong binalikan at dinampot.

Pagkarating ko sa room ay dahan-dahan akong pumasok sa pangalawang pintuan. Nasa harapan si Sir Rual at may sinasabi pa sa buong klase.

"Ah! Tatlonghari..." Tawag nya nang masilayan ako sa pintuan. I stood firmly as he called me and all my classmates turned their heads on me. Maging si Marie ay napakagat labi na rin.

Where The Magnolias Bloom [ONGOING]Where stories live. Discover now