Chapter 6

12 1 0
                                    

Grab

Kinabukasan ay nakatanggap ako ng text mula sa part-time job ko. Sakto rin kasi at sabado ngayon, walang pasok. Minsan kapag walang pasok ay kinukuha akong caterer ng kakilala ni Mama na may resto at ngayon raw ay may catering service at kailangan ng limang babae at anim na lalaki. Syempre kasali na ako ro'n. 

"Hindi naman na kailangan na ihatid mo pa ako rito," saad ni Mama matapod kong ibaba ang mga balde ng bulaklak. 

Bago mag alas diez ay kailangan ay dapat naroon na kami sa kitchen at marami pa kaming aayusin na dadalhin namin sa event, mga plato, kutsara, at iba pang mga eating utensils. Mabuti na rin ito at may pinagkakaabalahan ako sa tuwing wala kaming pasok. Nagawa ko na rin naman na kagabi ang mga labahin kaya't pwedeng pwede na akong umalis. Naniguro ako kasi malakas na ang kutob ko kagabi pa lamang na may raket ako ngayong araw. 

"Asus, alam nyo naman na routine ko na 'to. Atsaka, maaga pa naman po."

"Oh, sya sige na at baka nag-aantay na ang mga kasamahan mo do'n," wika nya. I nodded and smiled before I reached for her hand. Nagmano ako.

My thoughts got fogged when I felt her rough hand on mine. Magaspang na ang mga ito sa patuloy na paghawak ng matitinik na bulaklak, lalo na ang mg rosas at dahil na rin siguro sa edad nya. My mother is only 48, ngunit dahil sa pagkakayod ay mas matanda na sya kung tignan kaysa sa edad nya. Gusto ko na sana s'yang patigilin sa pagtitinda ng mga bulaklak ngunit nag-aaral pa ako at kami lang namang dalawa ang makasama sa buhay. Whoelse would earn for our daily expenses? Ayaw nya rin naman akong tumigil sa pag-aaral. 

"Mag-iingat po kayo, huwag nyo pong kalilimutan na kumain sa tamang oras at uminom ng tubig. Nand'yan na rin po ang baon n'yo," paalala ko.

"Oo na," sagot nya. 

Sumakay ako ng tricycle papunta ng kitchen at naabutan ko na roon ang mga kasamahan ko na busy sa pagpupunas ng mga plato at mga baso. I gently run my already fixed hair with my hand. Sigurado akong mamaya pagkatapos nito ay animo'y batong matigas 'tong buhok ko dahil sa hair gel na inilagay ko.

"Maggie, long time," bati ni Percy saakin. Ngumiti ako at tinapik ang balikat nya. Nakipag-apir naman si Danny saakin. 

"Sayang at hindi ka nakasama no'n nakaraang sabado," ani ni Faye. 

"May ginawa kasi kaming project ng mga kaklase ko. Ngayon lang ako nagkalibre," I said. 

"Sino-sino ba mga kasama natin ngayon?" Tanong ko.

Nginuso naman ni Faye ang loob ng kitchen kung nasaan sina Racquel and Jordan. "Apat na babae lang ang available ngayong araw e, tapos limang lalaki. Sa babae ay ikaw, ako, si Faye at Princess. Sa lalaki naman sina Direk, Danny, Percy, Jordan at Paul."

"Ayos, saan daw ba ang event?" 

"Hindi ako sure e, hintayin nalang muna natin si Sir Jay. Basta't ang alam ko lang ay pang maramihan ito at dalawang food station ang ilalagay, siguro ay pa birthday," paliwanang nya. Tumango na lamang ako at inaya na syang pumasok sa loob para tulungan silang magpunas ng mga baso at pinggan. 

Halos lahat kami ay nag-aaral pa pwera kay Raquel at Jordan na nagtatrabaho na para sa baby nila. Tatlo sakanila ay schoolmates ko, sina Percy, Faye at Direk. Iyong iba naman ay sa ibang school nag-aaral.

"Sayang at hindi ko naabutan yung screening nyo kahapon," chika ni Faye. Sinipat naman ako ng ibang mga kasama namin. Napakamot ako sa  batok ko. I would really like to not talk about that. Ang tagal ko ngang hindi nakatulog kagabi dahil d'on. 

"Ah...mabuti nga't hindi ka nakapanood, e," saad ko.

"Bakit naman? Ang ganda nga ng sagot mo," ani ni Direk na napansin kong nakapanood rin kahapon. 

Where The Magnolias Bloom [ONGOING]Where stories live. Discover now