03

15 2 0
                                    


_ZY's POV

"Vincent?" Gulat na gulat na tanong ko

"Oh, hi zeid." Aniya with nakakalokang ngiti

Inirapan ko na lang siya tsaka umalis at umupo sa bleachers nakita ko namang umupo sa tabi ko si De Claro.

"You okay?" Tanong niya

"Uhm parang sumama pakiramdam ko eh." Palusot ko

"Samahan na kita sa clinic?" Aya niya

"No thanks, kaya ko naman eh." Nakangiting saad ko

"Okay." Aniya tsaka umalis na sa tabi ko

Habang naglalakad ako papuntang clinic naramdaman kung may sumusunod sakin kaya tumigil ako sa paglalakad at lumingon lingon sa likuran.

"Hinahanap mo'ko?" Biglang sulpot ni Vincent sa harap ko

"What do you need?" Tanong ko sabay lakad nang mabilis

"Wala lang." Aniya sabay ngiti nang nakakaloko

What's up with that smile?

"Then, leave me alone." Irap ko

"Eh pano kung ayoko?" Aniya

"Alisin mo ang pangit mong pagmumukha sa harapan ko or else." Sigaw ko

"Or else what?" Tanong niya

"I'd slap you but that would be animal abuse. Kaya kung ayaw mong masampal kita umalis ka sa harapan ko." Iritang sigaw ko

"Sa mukha kong to animal ako?" Tanong niya

"Bakit hindi ba? I thought isa kang monkey. The last time I saw a face like yours I fed it a banana."  Saad ko sabay hagalpak nang tawa

"Makapagsabi ka nang monkey parang hindi mo'ko ex ah." Natatawa ring saad niya

"Well, hindi naman tlaga kita ibinibilang sa mga ex ko." Sagot ko

Hindi ko na pinakingan kung ano pa ang sasabihin niya at nagmadali na akong umalis.

"Oh ano kamusta review?" Tanong ni Nine

"Hindi ako nakapagreview. Pano ba naman eh nakita ko yung punyetang ex ko dun." Badtrip na sagot ko

"Eh, kamusta naman si De Claro gwapo ba?" Tanong ni Arah

"Kamukha niya si ano, Kim jun kyu." Sagot ko

"Ano daw ba pangalan?" Tanong niya

"Morris De Claro lang naman ang alam ko eh." Sagot ko

"Teka, mastalk nga." Ani ni Arah

Lumabas muna ako nang classroom at dumiretso sa Rooftop as usual dun tlaga tambayan ko.

"Nakakaasar!" Sigaw ko total wala rin naman makakarinig

"Are you planning to jump?" Ani ni Vincent

What is he doing here?

"Ano na naman bang ginagawa mo dito?"Inis na tanong ko

"Masama bang pumunta dito sa rooftop?" Aniya

"Nakakaasar ka alam mo yun?" Prankang tanong ko

"I know." Sagot niya

Hindi na ako nagsalita at nilabas na lang yung phone ko.

"I'm sorry." Aniya na nakapagpatigil sakin

"Sorry for what?" Tanong ko

"Sorry for leaving you without a reason. Sorry for breaking your heart." Aniya

Hindi ako nakapagsalita at unti-unti naring nabubuo ang mga luha sa mata ko. Kaya mas minabuti kong umalis na lang kesa makita niya akong umiyak.

"It's okay. Nakalimutan ko narin naman eh." I said habang nakatalikod

"Thank you Zeid." He said

"And please, don't call me zeid. Wala nang TAYO okay? Zy na lang itawag mo sakin." Saad ko sabay alis na.

_Nine

San ka?

Sent 1:23 PM

                                 Pababa na ako.
        
                                        Sent 1:24 PM

After nang review dumiretso kami kay Sir. Jayson.

"Kita tayo on Sunday." Sambit ni De Claro

"Uhm Okay sige." Sagot ko naman

"Pero san tayo magrereview?" Tanong niya

"Oo nga no. Pag naman kasi sa bahay tayo panigurado mapapagalitan ako kay kuya, You know napakastrikto kasi nun eh." Sambit ko

"Sa bahay na lang tayo." Aniya

"Okay sige."

"Basta sa sunday ah." Nakangiting sambit niya

"Okay."

"Ah nga pala dalhin mo yung binigay ni sir na book a'right?" Aniya

"Okay sige." Sagot ko

Pagkarating namin sa office ni Sir. Jayson pareho kaming dumiretso sa sofa at sumagalpak.

"So kamusta review?" Tanong ni sir.

"Maayos naman sir." Sagot ni De Claro

Matapos sabihin ni sir lahat nang gagawin at kakakailanganin next week umalis na kami. Dahil sa Second floor ang office ni sir nagsabay pa kami ni De Claro na umakyat sa 3rd floor.

"Uhm, Ano palang pangalan mo?" Tanong niya

"Shariah Zyrain Yzeid Guevas pero Zy na lang for short." Natatawang saad ko dahil halata sa mukha niya na nahabaan siya sa pangalan ko.

"Haba ah." Natatawang saad niya

"Sisihin mo mama ko." Ani ko

"Ako naman si Drench Morris De Claro." Aniya

Habang naglalakad kami madami pa kaming napagkwentohan about sa pagiging Music Lover pala namin pareho. Basta ano madami

Don't forget to Vote and Comment. Thank you and pls Be a fan!♥


                           






Destined But Undestined (ON GOING)Where stories live. Discover now